Chapter 3- Mitzi's Investigation :))

112 4 11
                                    

 Dedicated sa kanya toh dahil one of my favorite story is ung MY ONLY WISH... keep up the good work..ahahahah

---------------------

MITZI’s POV

Ano na naman bang nangyari dito kay Trixie at unang araw ay nasita na agad ng teacher naming. Actually hindi naman talaga masungit iyang si Trixie, sadyang minsan ay maikli ang pasensya at kapag nainis ay tuloy-tuloy na. Hanga ako dyan kay Trixie dahil sa kabila ng mga problema niyan sa buhay ay nakukuha pang mag-aral ng maayos, sa katunayan top 2 ng klase namin iyan last year, hindi lumalaki ang ulo tulad ng iba. Malaki ang tiwala at utang na loob ko sa kaibigan ko na iyan, dahil sa lahat ng problema ko sa buhay ay nandiyan siya iyon nga lang may kaganing din minsan. Hindi ito ang unang beses na nakitako siyang nagsungit sa isang lalaki, tao din naman iyan kahit papaano na marunong magappreciate ng mga biyaya galing sa maykapal at kung minsan may kalandian din sa katawan.

Tapos na ang klase kaya pauwi na kami, masydon kaming mabaitkaya diretso sa bahay pagkagaling sa school hahahah. At tuwing uuwi lagi kong kasabay si Trixie, na pansin ko ay kaninamay iniisip....

“Mitz, kilala mo ba yung lalaki na katabi ko”

“sa pagkakalam ko trix siya si Renz Lloyd Villa, sabi niya kanina nung nagpakilala siya”

“No, I mean bukod sa pangalan niya, sa personality niya?”

“Ako pa talagaang tinanong mo sa bagay na iyan, eh ngayon ko nga lang din nakita iyon”

 Sa katunayan, talagang hindi pamilyar sa akin ang mukha ni Renz. Ang alam ko sa sarili ko pagdating sa mga gwapong nilalang ay malakas ang pakiramdam ko at within two days ay alam ko na agad ang pangalan. Pero sa isang to parang pumalya ang kamandag ko sa mga kalalakihan, bakit ganoon parang humihina na ako pagdating sa ganyan. Pero hindi ako makakapayag aalamain ko ang buong detalye tungkol sa kanya.

“Trixie wait lang ha, may pupuntahan lang ako may kailangan lang akong gawin”

“Mitz ano ba, bakit mo ko iiwan dito wla akong kasamang umuwi  at tsaka unang araw palang

assignment na agad”

“Kailangan lang talaga, para rin ‘to sa magiging kinabukasan mo”

“Kinabukasan ko?????”

“Basta, mauna ka na lang”

Masyadong maraming tanong si Trixie kaya iniwan ko na hahaba lang ang usapan na amin. And speaking of kinabukasan ni Trixie, unti-unti ko na itong nahihinuha (shocks lalim, nakakabaog), and ang first victim ko nagyon ay si RENZ LLOYD VILLA HAHAHAHAHAHA,,, (evil laugh)

“Hi Renz, I’m Mitzi isa ako sa mga bagong classmates mo” Mitzi

“Nice meeting you, ano nga pala kailangan mo” Renz”

“Ikaw….”

“Ako??, bakit ako pasensya na pero hindi ako pumapatol sa mga ganyan”

“Haleeer, bopols lang porke’t ikaw lang kailangan ko gusto kong may mangyari agad hindi ba pwedeng kilkilananin ka muna, iyong mga ganyan next step na iyan, masyado ng complicated iyan…ahahaha, joke lang,, pero gusto mo naman,,ahahahah, joke lang ulit”

“Iyon lang naman pala eh, doon tayo sa pathwalk may mga upuan naman doon”

“Ok,may tiwala naman ako sa iyo eh ahahaha”

In fairness gwapo nga, alam mo na.. choosy pa ba teh ..Lols. AHAHAHA, syempre hindi ko aagawan ang bestfriend ko para sa kinabukasan niya itong ginagawa ko, alam ko namang may kalandian din yun sa katawan niya.....AHAHAHAH :D

 Napapansin ko dito sa lalaki na ito na parang may mabigat na problema, hindi ko lang kung ano..Pero kung ano pa man yan kailangan kong alamin bilang bahagi ng aking pag iimbestiga...AHAHAHAHAH

“Actually, hindi talaga ako dito nag-aral dati”-Renz

“Eh bakit ditto ka nag-aral?”-Mitz

“Ikukwento ko pa nga lang eh, making ka nalang muna”

“Ok” umakto ako na parang ziniper ang bibig ko LOLS…

“kasi nga lumipat kami ng bahay, dahil nagseparate na iyong mom and dad ko, and sa mom ko ako sumama”

 Hindi ko inakala na sa likod ng mga ngiti niya ay may mga luhang pilit na nagtatago (tae ang lalim na naman,,, baog na talaga ako.

“Sorry to hear that, pero wala ka bang balak gumawa ng paraan para magkabalikan ung mga parents mo, malaki ka na din naman” -Mitz

“Hindi mo ko naiintindihan, may sarili na palang family ang dad ko bago pa sila magkakilala ng mom ko, Soory pero excuse lang uwi na ako”- renz

Hala patay may nasabi ba akong masama, sa tingin ko wala naman siguro masyado lang siyang emosyonal sa pagkukwento niya. Saka ko nalang ulit siya kakausapin kapag ok na…

 RENZ’s POV

Masaya ang araw ko dahil tinanggap ako ng mga bago kong classmates, at isa pa ang pinakamaganda sa lahat ay ang nakilala ko ang katabi ko, si TRIXIE DANE NICOLE VILLAFRANCA, hindi ko alam kung bakait parang ang lakas ng dating niya sa akin, kahit napakasungit niya, pero sa tingin ko naman ay hindi siya ganun kasungit. Habang tinitigan ko siya parang nakikita ko na ang future ko kasama siya, kahit nagmukha akong tanga kakatitig sa kanya balewala sa akin dahil hindi ako nagsasawang titigan ang maganda niyang mukha. Pero nung pag-uwi ko may kumausap sa akin kilala ko siya sa mukha dahil classmate ko siya , Mitzi pala ang pangalan niya. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko kung bakit naikwento ko sa kanya ang tungkol sa family problem namin. Hindi ko na alam kung ano ang magiging buhay naming ng mommy ko ng wla ang dad ko sa piling naming. Ang inakala kong masayang pamilya habangbuhay ay kabaligtaran pala at kami ang naging sabit sa buhay ng dad ko.

“Mom, I’m Here”

“Renz, nandyan ka nap ala, kumain ka na ba? Umupo ka muna maghahanda lang ako”

Kahit masaya ang mom ko sa harap ko alam ko na masakit para sa kanya na hindi na niya ako kayang bigyan ng isang buong pamilya.

“Ok na mom, busog pa po ako, magbibihis nalang po muna ako”

“Sige, baba ka ditto agad ha, marami kang ikukwento sa akin tungkol sa first day  mo”

“Ok po,”

Hanga ako sa mom ko dahil nakukuha pa niyang maging matatag sa kabila ng mga problema naming, at hindi makakaila ang closeness naming ng mom ko, kaya ginusto ko talagang sa kanya sumama.

“Renz, pwede na ba tayong magkwentuhan?”- Mom

Si mommy talaga, pagdating sa mga kwento alerto lagi. Binuksan ko na ang pinto.

“Masyado mo namang namiss agad ako” -Renz

“Syempre, ikaw na lang Renz ang meron ako”- mom

“Pangako na kahit kalian hinding-hindi ko kayo iiwan”

Ng Makita kong nakangiti ang mom ko, nakangiti na din ako, ang sarap sa pakiramdam na sa pag-uwi mo ng bahay mo ay may isang taong sasalubong sayo at ngingitian ka ng matamis na ikawawala ng lahat ng pagod mo. Marami kaming napagkwentuhan ng mommy ko, at isa na nga ditto si trixie.

“Mukhang unang araw pa lang ay may lovelife ka na agad” -mom

“hindi naman po, let’s see kung hanggang saan ang mararamdaman kopara sa kanya, pero ngayon ang gagawin ko ay maging panatag ang loob niya sa akin sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan ko sa kanya” –renz

TRIXIE DANE NICOLE VILLAFRANCA… magiging friends din tayo JJ 

Unconditional LoveWhere stories live. Discover now