Two

25.8K 600 7
                                    

TARA'S POV

"Actually, I'm here to inform you that I won't be joining the bid later." Tugon ko sa babaeng nagpakilala na Lindsey kanina. Sekretarya raw siya major sponsor ng event.

"Miss Nilsson, sorry po pero naipasok na yung pangalan niyo sa list. Hindi na pwedeng palitan iyon dahil may copy na rin ang mga guests." She explained.

I closed my eyes, preventing myself to cry in fury. Gustong kong sabunutan si Anne at Nora nito.

"Wala naman pong makakakilala sa inyo since you're going to wear a masquerade mask later on." Wow, so she thinks na mapapanatag na ang loob ko?

I'm on a state on emotional wreck. Hindi dapat ganito ang ginagawa ko. What the hell am I even thinking when I agreed to this? Hindi pa nga nafa-finalize ang divorce namin ni Daniel tapos andito ako. They're going to sell to some random stranger. Though the intention of the event is pure, but still. This is so wrong in so many levels.

"Ladies, please fall in line." Tawag nung isang organizer habang itinuturo na dapat nakapwesto na kami sa likod ng malaking kurtina. Humagikgik ang ilan sa mga kasama ko. Are they really enjoying this? Matitino ba ang mga ito?

"OMG, you're Tara Nilsson right? Cover girl issue November 2015?" Sambit nung babaeng katabi ko. Napatango na lang at ngumiti ng pilit. Great, so one of them recognizes me. Ano lang iisipin nila?

"I'm here to proxy a friend." I defensively uttered.

May mga nagabot sa amin ng maskara katulad ng sabi ni Lindsey. Nagiisip pa rin ako kung tatakbo na ba ako palayo rito. Itataas na nila ang kurtina maya-maya, kaonti na lang ang oras ko para tumakas.

Pero bago pa ako nakaalis sa pwesto ko, si Lindsey na mismo nagsuot sa akin nung maskara na kanina ko pa hawak. "Just breathe in deep, sandali lang naman ito Miss Nilsson." Paalala niya sabay tapik sa balikat. And before I knew it, the curtains rose showing us to the public. Napalunok ako, hindi ko makita ang kabuuan ng audience gawa ng malakas na sinag ng stage lights.

"Welcome to the Annual Ongpauco Charity Bidding Dinner!" The emcee announced. I was shifting on my feet while I wipe my sweaty hands on my dress.

Sanay naman akong magdisplay sa harap ng maraming tao pero this time pakiramdam kong may mali. Siguro dahil nasa proseso palang ako ng pagmu-move on sa ex-husband ko. O kaya naman dahil hindi pa stable ang mga emosyon ko.

I groaned silently when the emcee started introducing us with fake names and fake infos. I'm already regretting why I still continue to live this life.

PR'S POV

Out of the 12 girls hiding from the masquerade masks right infront of us, alam kong siya yung nasa pinakahuli. Yung tingin palang ng mata niya. Kahit na kaparehas niya ng kulay ng damit yung katabi niya, sigurado akong siya yun nasa dulo ng line up.

Napainom ako ulit ng wine, may maganda rin palang maidudulot sa akin ang pagbiglang-biglang utos sa akin ni mommy na mag-attend dito.

Wendell started the bid, "This is Miss Honey, and she's great with the French language. It's up to you to find out more. Any offers?" Masayang ani niya.

Napailing na lang ako, hindi pa rin nila binabago ang technique nila sa event na ito. They usually introduce the lady with fake names and fake information about them para lang makakuha ng mataas na bid.

"25 thousand." Ani ng lalake na nakaupo sabay taas ng baso ng alak na hawak niya.

Not bad, mukha rin namang maganda itong babaeng ito. Kaso wala ka ng aabangan dahil ipinapakita na niya lahat with that skimpy dress she's wearing. Not my type.

The bid went higher until the first one to offer got her for 45 thousand. Agad namang tumayo ang lalakeng iyon para sunduin ang babaeng napanalunan niya.

I lazily sat on my seat. Bakit naman kasi sa hulihan siya pumwesto? Don't get me wrong but I'm not going to bid for her. I don't do biddings. Like I said, I don't pay for a lay. If I wanted her, I can make my way to her.

I'm just curious kung magkano ang i-o-offer ng mga kalalakihan para sa kanya. She stands out sa mga kasama niyang babae sa harap. Wag na tayong magkaila, men only attend this type of event just because they wanted an expensive, disease-free pussy for a night.

"And last but absolutely not the least. This is Miss Helena. She is-"

"50 thousand." Agad na sabi ng lalakeng nakaupo sa gilid ng hall. I know him, anak 'to ng may-ari ng isang lawfirm. Nakalimutan ko lang ang pangalan niya.

Lumingon lang si Tara kay Wendell. "Okay, we have 50 thousand with the gentleman over there." Ulit ni Wendell.

"75." Ani naman nung isa malapit sa akin. Brendan Garcia, Garcia Cruising Inc.

75 thousand, second bid palang pero yun na ang pinakamataas ngayong gabi. Pero sino nga naman ang hindi mahuhumaling sa babaeng katulad niya.

Pumulumbaba ako, then another one raised his number. "80." Nicholas Teller, owns the biggest exporting company in Germany.

"100." Bawi ni Gunther, yung lalakeng unang nag-offer kanina.

Mukha namnag na-e-enjoy ni Wendell ang pagtaas ng pera kaya mas lalo niya pang pinagbuti ang pagbenta kay Tara. "We need a higher price than that. Miss Helena is a great singer. She might give you a free concert once you take her home."

Take her home? Why would she agree on going home with some random stranger? Ganun ba siya? Is she that type of a woman?

Mas lalo siyang naging hindi komportable sa harap. Pansin mo yun dahil panay ang punas niya ng palad niya sa damit niya kasama ng paglingon niya kay Wendell.

"125." Brendan said.

"150." Gunther insisted. He really wanted her.

"200." Nicholas muttered. The room fell silent, mukhang wala ng makakatapat sa taas ng presyo na binanggit ni Nicholas.

Nakita kong lumingon muli si Tara kay Wendell at parang may sinasabi. Kasunod nun ang pag-iling ng organizer namin. Baka ayaw niyang sumama kay Nicholas. Maybe she doesn't want a foreigner to buy the rest of her night.

"200 thousand. Going once." Ani ni Wendell. Nicholas' smile widened in triumph. Inaayos niya na rin ang coat niya, prepping the moment when he meets this lovely lady. Tara seemed to be a little giddy, baka ayaw niya. Baka lang naman. So maybe I should do something about it right?

"Going twice."

"500 thousand. Cash." Sigaw ko sabay taas ng numero na hawak ko. They all turned their attention at me. Nicolas' face contorted into an ugly frown.

Nagulat din ako sa ginawa ko. But it was brief, because I knew that I don't want to see her leaving the event with someone else rather than me.

Chasing RuinsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang