Chapter 6

89 12 22
                                    

A/N : Hello po sa nagbabasa ng story ko kung meron pa. Sana meron pa naman. Sorry po kung medyo natagalan ulit akong mag update, medyo naging busy lang po sa school pero ngayon ok naman na. wala ng pasok. bakasyon na naman kaya mag uupdate na po ulit ako. so here it is. enjoy the update guys! Thanks for reading.. ^.^

PS : Dedicated po ito saiyo @glowingglitters. Salamat po sa pagbabasa ng story ko kahit hindi na tayo magkapartner sa f.a.g.s. pti na din po sa mga nakakatuwa mong comments.. :))

Way #4 : Before you go out with the boys always be prepared..

-------------------------------------------------------------------------------

Author's Pov

Hindi halos makapaniwala si Hanna sa nakikita. Napapaligiran siya ngayon ng napakaraming mga gwapo at hot na mga lalaki na animo'y tila mga adonis sa sobrang kisig ng mga katawan habang ang tumatakbo sa isipan nya ay "OMG! Grabiii! Siguro patay na ako at nasa langit na ako!" Kung papansinin ay parang hindi na mga high school ang mga ito dahil sa hubog ng mga katawan nito pero dahil na rin sa mga ikinikilos ng mga ito ay mapapansin mo pa ring mga bata pa dahil mga isip bata at kilos bata pa ang karamihan.

Nilibot nya ang kanyang mga mata at pinagmasdan ang lugar. Tila isa itong bahay, mayroong dalawang malalaking flat screen tv sa magkabilang dulo. Isa sa may sala set at isa naman malapit sa bar. Marami ang mga pagkaing nakalagay sa dalawang mahahaba at magagandang mesa. Marami rin ang mga upuan na nagkalat at mesang maliliit lang. Medyo magulo na ang lugar dahil na rin sa marami ang mga lalaking nandito. Ang iba ay sumasayaw, may nag iinuman, may nag uusap usap at nagtatawanan. Ang iba naman ay tahimik lang na nanood sa mga sumasayaw habang naka upo sa kanilang upuan. Sinubukan nya ring pakinggan ang kanta pero hindi nya ito maintindihan kaya't naisip nya na siguro ay hindi nya kilala ang kumanta niyon.

Tumingin naman sya sa kabilang side nito at nakita nya si Harry  na nakikipag usap sa mga kakilala nito. "Tsk! Sana lang talaga hindi nya ako makita dito. Ayoko ng makipag usap pa ulit sakanya." Nasabi na lamang ni Hanna sakanyang sarili. Nang tingnan naman nya ang mga kasama ay saka pa lamang nya nalaman na malayo na pala ang mga ito sakanya. Nakikipag usap na ang mga ito sa ibang naroroon pero hindi nya nakita si Zach na kasama ng dalawa. Maya maya ay may nagsalita sa tabi nya..

"So he's your roommate huh!? He doesn't look like a 12 years old and your saying that he is a freshman." Sabi ng lalaking hindi nya kilala pero kasama ni Zach. Nang tiningnan nya lang ito ay muli itong nagsalita. "Dude, are you going to tell me what's your name or what?"

Saka lamang sya nagsalita matapos marinig ang huling sinabi nito. "Ahm, sorry. My name's Hans by the way. "

"Hans... Well, my name's Cj short for Chris John." Sabi ng lalaki habang pinag aaralan sya.

"He's my co-head in swimming club. By the way, if you want to join in the team just tell me." Singit ni Zach.

Ways to Survive in an All Boys School for GirlsWhere stories live. Discover now