Chapter 1

301 20 25
                                    

 Ways to Survive in an All Boys School for Girls

#1.Make sure to hide well all the 'body parts' that you don't want to see by anyone specially by boys.

-------------------------------------------------------------------------------------------

"Hi Hans."bati ni Hanna sa kararating lang na kapatid sabay yakap pero bigla niya ring inalis ng maalala na dapat pala ay nag aayos na ito ng gamit para sa pagpunta nito sa Korea para sa kanyang pag aaral.

"Ah Hans diba dapat nag aayos kana ng mga gamit na dadalhin mo sa pagpunta mo sa Korea this weekend?"tanong ni Hanna sa kanyang kambal.

"----"-Hans

"O.K. Hans kung ayaw mo pang mag ayos ng mga gamit mo ngayon, ikaw ang bahala.Basta kung mag aayos kana at kung kailangan mo ng tulong tawagin mo nalang ako, ok?"sabi pa ulit ni Hanna.

"----"-Hans

"Hoy Hans hindi ka ba excited sa pagpunta mo ng Korea?Sa pagpasok mo sa pinapangarap mong school?Bakit ba hindi ka sumasagot ha?"pero hindi pa rin talaga sumagot ang kakambal bagkos humarap ito sa salamin na nasa salas ng kanilang bahay na katabi lamang niya at pagkatapos ay humarap ulit sakanya na may malaking ngiti sa mga labi.

"Hanny".sa wakas salita ni Hans subalit hindi natuwa si Hanna at sumimangot na lamang ito.kapag kasi tinatawag siya nitong Hanny ay may pinapagawa itong kakaiba sakanya.Katulad noong mga bata pa sila, naaalala pa niya ng pinagpanggap siya nito bilang siya(Hans) dahil hindi ito pinayagang lumabas ng bahay ng kanilang Tita Ally upang maglaro sa labas.kaya't sa labis na kagustuhan nitong makapaglaro sa labas ng kanilang bahay ay pinagkunwari siya nito bilang siya at dahil sila ay kambal maski ang kanilang tita na syang nagpalaki sa kanila ay hindi ito napansin kaya naulit at naulit ang kanyang pagkukunwari bilang si Hans sa loob man o sa labas ng kanilang bahay.

Nabalik lang ulit si Hanna sa kanyang sarili ng hawakan siya ng kapatid sa kamay.

"Hans alam kong may binabalak ka.Huwag mo ng ituloy ang sasabhin mo kung anu man iyan.Binabalaan kita.Hindi ko na ito palalagpasin at isusumbong na kita kay Tita Ally."sabi ni Hanna.

"No, Hanna please makinig ka muna! Nasangkot ako sa malaking gulo at kapag hindi mo ako tinulungan baka makulong ako.Hanna please, tulungan mo naman ako o."pagmamaka awa ni Hans sa kapatid.

"Ano?! Anong ibig mong sabihing nasangkot ka sa gulo at makukulong ka pa ha?!"sigaw ng naguguluhang si Hanna.

"Hanna makinig ka.Alam ko kasalanan ko kung bakit umabot sa ganito ang sitwasyon pero Hanna please ayokong magkaroon ng record dahil baka kapag nalaman ito ng principal ng papasukan kong school hindi na ako tanggapin kaya't kailangan mo akong tulungan."-Hans

"Ah, ano Hans. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Naguguluhan ako sa mga sinasabi mo? Ano ba kasi ang nangyari at nasangkot ka sa isang gulo? Pwedi bang i-explain mo ha?para naman maliwanagan ako at maintindihan ko ang mga pinagsasabi mo."

"OK fine.I'll explain it.but first promise me that you will not tell tita or others about this ok?"-Hans

"Fine then.I promise.Now tell me."-Hanna

"Haaa."buntong hininga ni Hans saka nagsimula ulit."Kagabi, ng malaman kong nakapasa ako sa Choong Ang Boys School lumabas ako kasama sina Xander at iba pang gang members para magcelebrate.Nag inuman kami sa bar kaya lang sa sobrang pag inom ng alak ay nalasing kaming lahat at sa di ko rin malamang dahilan ay nagkaroon ng gulo sa bar at nakasali ang gang.Maraming nasira sa bar.Marami rin ang nabasag na alak at ang mga mamahaling alak pa.Pagkatapos ay biglang may dumating na mga pulis at hinuli kami.Hindi ko alam ang gagawin ko noon at dahil sa pagkalasing ko ay hindi ko rin nagawang umalis agad sa bar pero si Xander nakatakas."Si Xander nga pala ay kabarkada ni Hans.May sarili itong gang pero hindi naman kasali doon si Hans.

Ways to Survive in an All Boys School for GirlsWhere stories live. Discover now