Chapter 4

177 15 25
                                    

A/N : Enjoy the update too ska don't forget po to comment sa baba and kung pwedi po magvote at ifollow nyo din ako at sana po ishare nyo din sa iba.Si Kevin Andrew po oh --->  :D

-----------------------------------------------------------------------------

Tila naestatwa si Hanna pagkarinig ng boses na iyon. Inisip na lamang niya na imagination niya lang siguro iyon dahil anu nga ba naman ang gagawin ng taong narinig niyang tumawag sakanya dito. As in dito, sa mismong loob ng campus ng Choong Ang Highschool. Idagdag mo pa na medyo marami na ring nangyari kani kanina lang kaya naman imbis na hanapin ang tumawag sakanya ay nagsimula na lamang syang maglakad ulit pero muli siyang natigilan ng marinig ulit ang kanyang pangalan.

"Hanna?"

'Okay, so totoo nga na may tumatawag sa pangalan ko at hindi lang ito imagination.' sabi naman ni Hanna sakanyang isip. Unti-unti siyang lumingon sa taong tumawag sa kanya kahit sa totoo lang ay gusto na sana niyang mawala ng parang bula dahil mukhang alam na niya kung sino ang taong tumawag sakanya.

Nang matingnan naman niya ang taong tumawag sakanya ay nabigla pa rin siya kahit na expected na niyang tama ang kanyang hinala kung sino ang taong ito. Nawala na rin siya sa kanyang sarili at hindi malaman kung ano ang sasabihin dahil sa tagal ng panahon na nagkahiwalay sila ay ngayon na lamang niya ulit ito nakita.

"Ikaw--"

 Tama nga talaga siya dahil ngayon nakatingin na siya sa dati niyang kaibigan at childhood crush na matapos niyang umamin dito ay bigla na lamang itong nawala kasama ng kanyang pamilya. Actually halos kapangalan lang din niya ito, ito ay si Harry. Crush na crush niya ito ng nasa elementary pa lamang sila dahil sa sobrang cute nito at dahil lagi siyang ipinagtatanggol nito sa ibang mga bata sa kanilang school kapag may umaaway sakanya pero sobra siyang nalungkot ng umalis ito ng hindi man lang nagpaalam sakanya. Mahigit dalawang taon niya din itong hindi nakita,ang huling kita niya dito ay nasa grade 8 pa lamang sila. Nang marealize niya iyon ay naka isip agad siya ng solusyon kung paano lusutan ang problema. Kilala ni Harry ang kanyang kakambal na si Hans at dahil mahigit dalawang taon niya itong hindi nakita ay posibleng hindi talaga nito matukoy kung sino siya kaya naman parang naghehesitate ito ng banggitin nito ang kanyang pangalan. At dahil sa nagpapanggap siya bilang Hans, ginamit niya iyon para sa kanyang palusot.

"Who are you-- wait, Harry... tama ba? Binatang binata kana pre ah, hindi na nga kita halos makilala. Hindi na kita nakita simula ng umalis ka sa lugar natin sa Pilipinas ah. Hindi ko alam na dito ka rin pala nag aaral."

"Wait, so ikaw si Hans?" pagtatanong naman ni Harry na may halong pagdududa at sobrang tinititigan talaga ang kanyang mukha.

"Syempre naman pre. Sino pa nga ba? Don't tell me na akala mo ako talaga si Hanna? Hah! Grabe ka naman dude! Parang iniinsulto mo yata ako, hindi naman kami sobrang magkamukha ah at isa pa mapapansin mo naman na may mga nagbago sakanya especially sa katawan niya. Well, yun ay kung alam mo ang ibig kong sabihin." Pagtatapos ni Hanna ng kanyang comment at pagjojoke na may kasama pang wink pero muntikan naman siyang mabilauksan sa huling sinabi tungkol sakanyang sarili.

"Whoa! Buti nakapalusot. Salamat naman at nagfunction ng maayos ang utak ko ngayon. Siguro naman nakaligtas na ko 'no."sa loob loob naman ni Hanna. Ng maalala naman ang dalawang kasama ay agad niya silang kinausap.

"Pasensya na mga dude, hindi ko pa nga pala napapakilala sainyo si Harry. Kababata namin siya ng kapatid ko...at Harry(habang nakatingin kay Harry), sila naman sina Zachary Kevin at Kevin Andrew, mga karoommate ko." Pagkatapos sabihin iyon ni Hanna ay naghintay siya ng sagot mula sa dalawang kasama hanggang sa napansin niyang may sasabihin si Zach.

"Hi. Zach here bro and this is Kevin." sabay siko nito kay Kevin kaya't binati rin nito ang lalaki.

Nang mapansin naman ni Hanna na nakatingin pa rin sakanya si Harry ay medyo lumayo na siya dito. "Siya nga pala pre, pupunta kami ng cafeteria, baka gusto mong sumama?" pag aaya niya dito.

"Ah hindi na. Okay lang. May nag aantay kasi sakin sa loob. Nice meeting you again and you guys, Zach and Kevin. Kapag nga pala nagkausap ulit kayo ng kapatid mo Hans ikamusta mo nalang ako sakanya. Sige, alis na ako." Pagkasabi niyon ni Harry ay agad na itong umalis.

Nang hindi na nya makita si Harry ay tiningnan na niya ang dalawang kasama para ayain sanang ipagpatuloy na ang kanilang paglalakad papuntang cafe kaya lamang nabigla naman siya ng malaman na mataman pala sya nitong pinagmamasdan at mukhang pinag aaralan kaya naman nauna na lamang syang naglakad ng walang sinasabi samantala sumunod na lang din sakanya ang dalawa.

"Well, that was a little awkward. Sana naman hindi sila nakakahalata." sabi na lamang ni Hanna sakanyang sarili. Hangga't maaari ayaw niya sanang malaman nila ang tungkol sa kanyang kakambal kaya naman ang sinabi na lamang niya sa mga ito ay mayroon siyang kapatid at hindi kakambal dahil posibleng makahalata agad ang mga ito na nagpapanggap lamang siya bilang lalaki kapag nagkaroon siya ng kahit isang konting pagkakamali. "Ahrg, Harry bakit ba kasi kailangang dito ka pa mag aral. Sa laki ba naman ng buong mundo pati ng Korea dito pa talaga, dito pa talaga sa school na papasukan ko rin. Aissh. Kainis naman o!" pabulong nyang sabi.

"Oh well, what a coincidence. Hindi ko akalaing after how many years ay magkikita ulit kami. Kaibigan siya ng kapatid ko at hindi ko alam kung sinabi ba niya sa kapatid ko kung saan sila lilipat. Sigurado ako magugulat yun ng sobra kapag nalaman niyang andito sya kasama ko."

Wala ni isang nagsasalita sa kanilang tatlo hanggang makapasok sila sa cafeteria at pumila para bumili ng kanilang pagkain. Ng sila na ang kukuha ng pagkain, bumili sya ng isang slice ng cake, tatlong cupcake, chocolates at isang gatas na nakapack. Pagkatapos nyang bumili ng kanyang pagkain ay pumunta naman na sya sa mesang kinaroroonan nina Kevin at Zach dahil nauna na itong kumuha ng kanilang pagkain.

Matapos maupo ni Hanna ay tiningnan agad ni Zach ang laman ng plato nito. Napansin nyang puro sweets iyon kaya naisip nya na baka mahilig ito doon at naisip nya rin na bihira lang ang mga lalaking mahilig sa sweets lalo na sa cake at cupcake pero pinabayaan na lamang nya iyon.

Tahimik lamang silang nakatuon sa kanilang pagkain at hindi nagpapansinan kaya naman nagkaroon ng chance si Zach na pagmasdan ulit ng mabuti si Hanna. Simula ng makilala nya ito ay parang naging hobby na nya ang pagmasdan ito kaya iniisip nya kung ano ba ang nangyayari sakanya. Hindi rin ito mawala sakanyang isip. Ngayon lamang ito nangyari sakanya kaya naninibago sya sa kanyang sarili pati na rin sakanyang mga ikinikilos pero naisip nya na baka epekto lamang ito ng mga nangyari kanina. Siguro kasi na nagtataka lang sya kung bakit ang katawan nito ay parang sa babae lalo na ang beywang nito na napakaliit na hindi naman karaniwan sa isang lalaki. Naalala nya rin na siguro epekto din ito ng muntikan na nya itong mahalikan sa loob ng kanilang kwarto kaya naisip nya na kailangan nya lang maging cool sa nangyari kaya naman inalis na nya ito sa kanyang isipan at inubos na lamang ang kanyang pagkain.

-------------------------------------------------------------------------

 

Sa kabilang banda, habang kumakain sina Hanna ay hindi sya mapakali. Pakiramdam nya ay may mga matang nagmamasid sa kanya. Tiningnan nya ang mga taong nasa paligid nya at nabigla naman sya sa nakita, nakatingin sakanya si Harry kaya naman muntikan pa syang mabulunan ng kinakain nyang cake.

Nakaukit sa mga labi nito ang isang malaking ngiti pero maya maya ay bigla itong nag smirk  habang direktang nakatingin sakanya dahilan para kabahan sya.

------------------------------------------------------------------------

a/n : Kinaban din po ba kayo para kay Hanna?

VOTE, COMMENT  po and BE A FAN if you want.. :))

Ways to Survive in an All Boys School for GirlsWhere stories live. Discover now