Chapter 5

132 15 25
                                    

(A/N : Dedicated to erislove. Salamat sa pagsuporta ng story ko, sa pagvote at pati na rin pagcocomment. Sana suportahan nyo po ito hanggang huli.. ^_^ )

P.S. : Sorry po sa pangit na update.. :'( pero sana po basahin nyo parin po.. Basahin nyo din po pala ang story ni @erislove.Yun pong Dear Crush maganda po yun.pti na din po pla yung Mr. Savior.. :)) Si Jeremy po nasa side.. ==>>

-----------------------------------------

Pagkatapos kumain, ipinasyal nina Zach at Kevin Andrew si Hanna. Dinala sya ng dalawa sa harap ng building ng kanilang classroom. Ito ay nasa harapan at unang makikita kapag pumasok sa gate ng kanilang campus. Isa itong gothic style na mayroong tatlong palapag. (a/n : ang picture po nito ay nasa chapter 1)

Pati ang paligid nito ay napakaganda. Napapaligiran ito ng mga bulaklak. Hindi niya akalain na maging ang isang all boys school ay ganito kaganda at tila isang paraiso kung pagmamasdan. Sobrang saya ang naramdaman ni Hanna sa mga oras na iyon pero bigla itong nawala ng maalala niya ang ikinilos ni Harry sa cafeteria.

*Flashback*

Habang kumakain sina Hanna ay hindi sya mapakali. Pakiramdam nya ay may mga matang nagmamasid sa kanya. Tiningnan nya ang mga taong nasa paligid nya at nabigla naman sya sa nakita, nakatingin sakanya si Harry kaya naman muntikan pa syang mabulunan ng kinakain nyang cake.

 

Nakaukit sa mga labi nito ang isang malaking ngiti pero maya maya ay bigla itong nag smirk  habang direktangnakatingin sakanya dahilan para kabahan sya.

*End of flashback*

"Siguro naman wala lang iyon diba? Oo tama. Wala lang iyon. Walang ibig sabihin iyon. Wag mo nalang isipin Hanna. Kalimutan mo nalng. Tama iyon na lang ang gagawin ko." Pagkukumbinsi ng pabulong ni Hanna sa sarili.

 

 

"Ah, Hanna okay ka lang ba? Narinig mo ba yung sinabi ko?" Tanong ni Kevin Andrew kay Hanna.

 

 

"Ha? Ah, anu ba yung sinabi mo? Sorry ha. May naisip lang kasi ako."

 

 

"Ah. Tinatanong kita kung pwedi na ba tayong bumalik sa dormitory."

 

 

"Ha? Ah, oo. Sige. Tara."

 

 

 

"Tayo nalang muna ang babalik sa dorm, aalis kasi iyan si Kevin." -singit naman ni Zach.

 

Ways to Survive in an All Boys School for GirlsWhere stories live. Discover now