Chapter 41: OMG.

13.5K 232 80
                                    

Sorry late update!

Medyo mamadaliin ko na yung story ha?

Para matapos agad :D

Pero I'll ensure na okay pa rin yung story :D

Advance Merry Christmas everyone!

__________

Yes! Opening na ng restaurant!

Andito kami ngayon lahat sa harapan ng restaurant.

At sobrang excited ako.

Nagdadatingan na ang mga bisita at kakilala namin.

Abalang-abala kaming lahat.

Aligaga pati mga magulang ko.

Kompleto kami ng pamilya at magulang ko.

Napansin ko na palingon-lingon si John paligid.

Eh nandoon nanaman yung malanding Alyna na yon.

Sino pa hinahanap nito?

Nilapitan ko sya.

"Yung leeg mo kung saan saan pumapaling, sino ga hinahanap mo?"

J: "Ah wala."

"May hinhintay ka ga?"

J: "Inimbitahan ko kasi sina Mama at Papa."

Nagulat ako.

Kasi never ko pa din naman na-meet yung parents nya.

Kasi ang pagkakaalam ko, lagi ding wala sa kanila yon at lagi ring mag-isa si John.

Lumingon ako sa paligid.

Alam ko naman itsura nila kahit papaano.

Ngumiti sya.

J: "Baka busy pa rin. Wag na lang."

Umalis na sya at pumunta sa may kusina para itanong kung okay na ang ihahanda mamaya.

Maya-maya sinimulan na ang opening wooot!

Cutting of ribbon.

At nagulat ako kung sino ang guest sa cutting ng ribbon -__-

Siniko ko si John.

"Bakit sya ang pumunta?!"

J: "Wala rin akong alam dito, si Alyna ang kumuha sa kanya."

"Di ka man lang sianbihan na si Mindi pala ang pupunta?!"

Kung natatandaan nyo sa unang mga kabanata sa unang libro ni author.

Si Mindi ang artista na nakaaway ko dahil kay Paul noon.

Paano ko nga ga malilimutna yang babaeng yan, lakas manggulo nyan eh.

Di sya pinapansin ni Paul.

Baliw naman kasi yang babaeng yan.

At buti naman naka-recover na sya sa mga kalokohang ginawa nya dati.

Sabagay sobrang tagal na non.

Second Chance Book 2: Our Destiny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon