Chapter 35: 1st day workout

12.6K 235 85
                                    

Bumangon ako at hindi ininda ang awkwardness.

Nagising si Paul.

"Goodmorning! Anong gusto mong agahan?"

P: "Morning! Wag na uuwi na rin ako."

Bumangon sya at nag-CR lang tapos inayos namin ang sofa.

J: "Tara na."

Tumingin kami sa taas at handa na si John.

As in sakbit na rin pati ang bag nya.

"Hindi uso agahan?!"

J: "Bilisan mo na, kumain ka na. May mga gagawin pa rin ako pagkatapos mag-office."

Binitiwan nya ang bag nya. 

P: "Oh sya sige BABY. Uuna na ako ha? Marami pa rin ang gagawin mamaya eh. Text mo na lang ako kapag pwede na kitang sunduin sa gym."

J: "May wheels ako brad. Kaya ko syang ihatid."

Ngumiti lang sya na pang-asar kay John.

P: "Okay na kaya yang paa mo, baka naman mamaya, hindi pa?"

"Oo okay na to, promise."

P: "Good. Any problem....."

Di pa nya natatapos ang sinasabi nya, nagsalita na si John.

J: "Walang magiging problema, kung sakali man nandun naman ako. Kaya Jam, bilisan mo na jan."

Tiningnan ko sya ng masama.

>.<

P: "Okay Baby. I better go... Bye. I love you.."

Di ko alam kung anong irereact ko, kasi nabigla ako.

He hugged me tightly at yung tipong hahalikan nya ako sa pisngi...

J: "Hey hey!!! It's getting late! Bilisan mo na Jam!"

Putakteng lalake to!

Again ngumiti lang si Paul at umalis na.

Tumingin ako sa kanya habang papunta sa kusina.

"Para kang bata!"

J: "What did I do?"

"Ang epal mo!"

J: "LATE na nga kasi tayo!"

"Seselos ka lang" pabulong kong sinabi.

J: "I heard that!"

"Narinig mo naman pala eh, kailangan ulitin?"

J: "Pasalamat ka nga, pumayag ako na dito matulog si Paul, at katabi mo pa!"

"Eh ano naman?"

J: "Aba, malay ko kung may gagawin kayong kababalaghan o kaya naman itakas ka nya o kaya naman..."

"Praning ka! PRANING!!!"

Pumasok na ako sa kusina.

Loko tong John na to ah.

Kumain na ako ng mabilis.

At umalis na rin kami pagkatapos kong magbihis.

Second Chance Book 2: Our Destiny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon