Chapter 16: High-tempered

15.7K 195 24
                                    

"Tawa ka pa jan ha" -___-

J: "Sorry. Sobrang sweet mo naman kasi."

"Mang-insulto pa ha."

Tawa sya ng tawa.

Kasi nga dun sa pagdala ko ng payong sa kanya.

Grabe ha.

Di man lang nagpasalamat muna -___-

Pauwi na kami.

Nung nakita nya ako sa office nya kanina.

At lumong lumo sa kamalasan na  natamo ko.

At laughtrip din ang mga ka-officemate nya, nag-decide sya na ihatid ako pauwi at ipagpabukas na lang ang iba nyang gagawin.

Tutal tapos na naman daw yung pinaka-importanteng meeting nila eh.

Isa pa nyan, naawa sila sa effort ko... Effort na walang kwenta -___-

Tanga tanga lang Jam?

Tigil tigil din ang pagka-kape. >.<

Tsss.

Buti na lang at may malapit na mall don.

Kaya nakapag-pabili si John sa secretary nya ng extrang shirt sakin.

Basang basa nga ako ng ulan diba, tapos mukha pa akong manlilimos sa kadungisan ko.

Liligo na sana ako, kaso sa kainisan ko sa sarili ko, sa bahay na lang.

Wala rin namang ibang aamoy sakin no.

Tsaka mabango ako no. Madungis lang kanina.

J: "Di naman ah, di naman kita iniinsulto. Masama gang sabihin na ang sweet mo?"

"Masama, lalo kapag tawang tawa ka! Hindi sincere!"

Asa harap ako ng kotse, syempre sya nagda-drive.

Maaga pa lang.

Mag-6pm pa lang eh.

J: "I'm just touched, that's it. I didn't mean to offend you" sabay ngiti na naman.

"Sus. Paasar-asar ka jan, kung alam mo lang kung anong mga pinagdaanan ko kanina no!"

He smiled again.

Hinawakan nya yung kamay ko.

Pero yung atensyon nya nasa daan pa rin.

J: "Wag ka na ngang magtampo jan, diga sabi ko sayo di na kita aasarin, minsan na lang."

"Ah ganon?"

J: "Joke lang. Na-touch lang ako talaga sa effort mo. Promise."

"K. Pagkatapos pagtawanan ganyan na ha."

J: "Eh kanina pa nga ako nakikipagigilan kaya sayo, na hindi naman talaga kita inaasar. Ikaw lang nag-iisip nyan eh."

"Wag mong gagamitin yung payong ko ha!"

J: "Why?"

"Why why ka pa dyan, syempre ako bumili non eh."

J: "Ang damot."

"Buyyyyyy yourrrr owwwwnnn umbrellaaaaa!!"

J: "Ok Miss." he smirked.

Second Chance Book 2: Our Destiny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon