Chapter 34: Instant

14.8K 222 61
                                    

Hi Winwin Wattpad! :) :*

Take care always :*

_________

*tok *tok

"Oh, bakit ka nandito?"

P: "As usual wala pa ring magawa."

Kagigising ko lang.

Nagising lang ako sa katok ni Paul.

Gulo pa nga ang buhok ko tapos si John tulog pa.

Ilang araw na rin ang nakakaraan simula nung naghiwalay kami.

Nagkakailangan pa rin at wala rin naman akong msaydong ginagawa lagi lang akong sa bahay.

Isa pa nyan, di rin ako makabenta pa ng cupcakes, kasi yung paa ko nga hinihilom pa.

Lechugas naman tong si John eh, umaga aalis tapos uuwi ng gabi na.

O kaya naman dadalhin yung babaeng haliparot sa bahay.

"Pasok ka"

Pumasok sya at umupo sa sofa.

P: "Oh anong nangyare sa paa mo?"

"Eto nabubog mga ilang araw na ang nakakaraan pero pagaling na naman eh."

P: "Okay ka na?"

"Oo naman."

P: "I mean, sa pagaadjust?"

"Oo."

Oo nga ga? -___-

P: "Di ka naman minamaltrato o sinasaktan dito?"

"Physically hindi. Emotionally, oo ata."

P: "Bakit?"

"Eh kasi nga di naman ako nakakalabas. Isa pa nyan nasira yung phone ko, di ko pala na-save yung contacts ko sa sim kaya sa phone ko ngayon eh walang contact kundi si Mame laang, wala namang nagtetext sakin kaya ayun wala rin akong maitext para papuntahin dito, dahil nga di msyado makalakad di ako makadalaw sa Batangas. Pinahinga ko na lang muna dito sa bahay. Mabuti na lang naisipan mong dumalaw."

P: "Gusto mo dumalaw ako dito madalas? Nag-leave din ako sa office. I need a break."

"Talaga? Unusual yata sayo yung mag-leave ah."

P: "Wala lang, gusto ko lang makahinga-hinga at makaalis sa stress."

"Sabagay."

P: "Have you eaten your breakfast?"

"Di pa eh, kagigising ko lang."

P: "Tara! Kain tayo sa labas!"

"Ha? Eh nakapang-bahay pa ako eh."

P: "Akyat ka na, bihis ka."

J: "Ehem. May lakad?"

Napalingon kami sa may hagdan, sa taas. Nakatayo si John.

P: "Sorry, nagising ka ga namin? Pasensya na."

J: "Hindi naman, may lakad kayo?"

P: "Oo, magbe-breakfast sa labas."

J: "Saan?"

"Wala ka na don."

Umakyat na ako at nagbihis.

Nag-ayos.

Paglabas ko.

J: "So do I have to eat alone now?"

"Kausapin mo yung tinidor kung gusto mo. Tara na Paul!"

Bumaba ako at umalis na kami.

Malapit lang naman nga ang 7/11, kaya dun na lang kami.

Second Chance Book 2: Our Destiny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon