CHAPTER 31

8.5K 96 17
                                    

BENCH'S POV

"HAAAAAYYYY! kapagod." sabay bagsak ko sa kama ko. inunan ko yung dalawa kong kamay at saka gumilid para tingnan ang trophy na napanalunan ko sa competition.

noong nahilig ako sa skateboarding, isa lang ang gusto kong mangyari, makalimutan ang mga problema ko. noong panahong iyon kasi, doon nagsisimulang umunlad ang buhay namin. hindi pa ako nakakapag-adjust noon sa palaging pagkawala ng mga magulang namin kung kaya naman, pakiramdam ko, ang lungkot ng buhay ko, masyado akong nag iisa, kaya naman nung makilala ko ang mga kaibigan ko at tinuruan nila akong mag skateboarding, pakiramdam ko, nag iba ang takbo ng buhay ko.

habang tumatagal, mas nahumaling ako dito. hindi lang dahil ito ang tumutulong sa akin para sumaya. pakiramdam ko, skateboarding na talaga ang nagpapaikot ng buhay ko. kaya naman, pinangako ko sa sarili ko na magiging magaling akong champion na hahangaan ng lahat.

at ngayon, sa katatapos lang na competition, nagawa ko na ang gusto kong mangyari. sa wakas, nanalo ako sa isang malaking kompetisyon dito.

pero alam niyo ang mahirap doon, hindi ako lubos na masaya.

paano ako sasaya kung si PB.....

*sigh* hindi ko na talaga alam ang dapat kong gawin. umayos ulit ako ng pagkakahiga ko atsaka tumingin sa kisame.

"what if Kylie wants you to quit skateboarding? well, i know Kylie wont do such thing but, just. you know. what if?" sabi niya atsaka nagkibit balikat. tumahimik ako saglit at nag isip. ano nga kaya ang gagawin ko sa ganoong sitwasyon?

"*sigh* then, ill do it." sagot ko.

Pssh. ito na pala ang tinatanong sa akin ni Xavier eh. pero nung tinanong niya ito kanina at pinag isipan ko namang mabuti, hindi ba sabi ko, kaligayahan ni PB ang una?

pero bakit ngayong nandito na ako sa mismong sitwasyon, hindi ko alam ang dapat gawin? bakit naghehesitate ako?

nahihirapan akong magdesisyon.. hindi ito simpleng bagay. ayokong magkamali ng desisyon. ayokong matulad kay Xave.

Im sorry PB. alam kong hindi dapat ako ganito, sa ganitong pagkakataon, hindi ba dapat alam ko na agad ang gagawin ko?

hindi na dapat ako nagdadalawang isip dahil alam kong sa ikabubuti mo ito eh. pero naisip ko lang, ganito ka din ba? kung nasa ganitong sitwasyon ka rin ba, isasaalang alang mo muna ang lahat at uunahin mo muna yung tayong dalawa?

*deep sigh*

sana hindi mo maranasan ang ganito PB ko. ayaw kitang mahirapan at ayaw ko ding masaktan. when that time comes, i know it hurts but i think, you'll choose youre career over me.

pakshit. ano na bang iniisip ko? kahit ganoon ang pagkakakilala ko kay PB. anong malay ko kung ipaglaban niya din ako di ba?

Skater Boy meets Ballerina Girl! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon