CHAPTER 6

12.7K 171 12
                                    

IANNE'S POV

ANNOUNCEMENT !!!

TOP 5 RANKINGS

(BALLET CLUB)

1. Xionnen Mylie Contis

2. Arianne Kylie Alvarez

3. Janice Mika Santos

4. Sarah Tojedo

5. Bridgette de Torres

*sigh* nakakainis naman. si Xionnen pa din ang rank 1. rank 2 pa rin ako. pero, mabuti na din iyon. kaysa naman bumaba yung rank ko di ba? Tch. kung nakapag take ako ng exam, siguro, nabawi ko na yung pwesto ko.

*sigh* pabayaan na nga. tapos na rin naman. babawi na lang ako next sem. for sure, ako na ang rank 1 nun. lalo na at magaling na yung paa ko. Tch.

umalis na ako kaagad pagkakita ko ng resulta. ang dami na din kasing tao na tumitingin ng rankings kaya naman pumunta na ako sa locker room namin at kinuha yung pink lappy ko.

pumunta ulit ako dun sa likod ng University. waa. kinakabahan ako! ngayon ko titingnan kung anong grades ko. katatapos lang kasi ng finals week at ngayon ang release ng grades. hala! sana naman walang bagsak. T_T

nandito na ako ngayon sa likod. naupo ako kaagad at sumandal sa puno. yiee. sarap ng hangin. haha. nagtataka siguro kayo kung paano ko makikita yung grades ko dito sa likod ng Hartner? simple lang. wifi kasi itong University namin at kahit dito sa pinakadulo ay nakakasagap pa din ng connection. oh san ka? lipat ka na dito, sa Hartner university! ^___^

oh-kay. tama na ang pag eendorse. dahil sa wakas, nakita ko na yung grades ko. *sigh* mabuti naman at wala akong singko o incomplete. atleast nakahinga na ako ng maluwag. Meron akong dalawang 1.75, puro practicum yun kaya mataas kaya lang, may dalawa din akong tres. wew. pasado pa naman iyon kaya hayaan na! tapos, yung iba. puro dos o 2.75 na.

kuntento na ako sa grades ko. atleast wlang bagsak. AY! hindi pala ako kuntento! tumawag sa akin si Daddy last night. at sabi niya, nag eexpect siya ng high grades mula sa akin. anoobey! bakit kasi expect ng expect eh.

"WAAAAAAAA!!! AYOKONG TUMIGIL SA PAGBABALLET !!! HUHU !! T_T "

paano ba naman. sabi ni Daddy, ang pagsasayaw ko ang humahadlang para mag aral ako ng mabuti. well, hindi man ako sobrang talino. hindi naman ako bobo. kung mag aaral siguro ako ng mabuti, kahit paano may chance na magkaroon ako ng high grades. yun nga lang, tamad ako. at wala akong oras para mag aral. buong buhay ko, sa ballet lang nakatuon ang pansin ko, kahit nung bata pa ako.

"AHAHAHAHA!! ANO BA YAN! MAY TRES KA! HINDI KASI NAG AARAL EH! WUHAHAHA! :DD"

automatic akong napatayo dahil may narinig akong tumawa. hala! may kapre pala akong kasama dito! at sino pa ba ang tinutukoy ko, e di yung Baduy na Skater Boy na Bench ang pangalan. =_=

---

BENCH'S POV

Skater Boy meets Ballerina Girl! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon