CHAPTER 23 (part 1)

9.9K 109 4
                                    

IANNE'S POV

nandito kami ngayon sa Amusement Park ni SB. Gusto kasi namin, magkasama kami ngayong Araw ng Pasko. ano ba yan. di talaga kami mapag hiwalay ah? -____-

" PB. ito na shake mo. " tapos, inabot ko na yung shake ko. hmm. sarap sarap! pero ang lamig pa din. buti na lang, hawak hawak ni SB kamay ko, kaya di ako masyadong giniginaw. witwew. ang sweet namin. ^O^

" tingnan mo yun PB. mukhang nag aaway oh? Paskong Pasko pero magkagalit. (~.~) " humigop ako dun sa shake tapos tiningnan ko yung tinuturo ni SB.

" ah? kilala ko yan.. si Ghabbie at .. err .. Gabby yan. " sabi ko.

" talaga? bakit pareho ng pangalan? " tanong naman niya.

Tch. CHISMOSO!

" aba ewan ko. ako ba nagpangalan sa kanila?" bara ko naman. " Pssh. =____=" haha. kawawa naman SB ko. LOL.

naupo na din muna kami dun sa tabi ng upuan ng Gab2 kasi nakakangalay maglakad eh. nag aaway nga yata yung dalawa. pero si Gabby yung suyo ng suyo. ano kayang pinag aawayan nila? hmm. ano ba yan. nagiging chismosa na din ako. kakahawa kasi si SB eh. >____<

" AY !! " nagulat ako dahil biglang sumigaw si SB. tapos, nakita ko syang tumakbo papunta sa isang kyuuuuuuuuuuuuut na bata. wow. ang cute *u*

" ok ka lang ba?" narinig kong tanong ni SB dun sa baby na natisod. tumango naman ito at halatang pinipigilang maiyak. lumapit sina Gabby dun. tapos kasunod na din yung dalawa pa, siguro parents nung baby na tinulungan ni SB.

" ohhhh. Baby Sugar ayos ka lang ba? dont cry baby. ohhh. " binuhat nung isang girl yung baby tapos parang inalo alo kasi paiyak na eeh. nakatingin lang naman yung iba at ako sa kanila.

" ano ka ba naman sis Jam! bakit hinahayaan niyo mag isa si Baby Sugar?" sabi ni Ghabbie dun sa mommy nung baby Sugar. ah! tama! sya si Jamaica ng Hornets! ibig sabihin, baby nila ni James yun? waaaa O__________O

" bigla kasing tumakbo. ang kulit talaga ng baby namin eh. >__<" sabi ni James. " tol, salamat ah." sabi din niya kay SB. nagtanguan na lang sila at nangngitian tapos, bumalik na din si SB sa tabi ko.

" ang galing." sabi niya pagkaupo.

" Tch. anong magaling dun?" sabi ko naman. tinapon ko na dun sa gilid yung ubos na na shake ko. " ang saya nung magkakaibigan na yun. tapos, dahil dun sa cute na baby, nagkabati na din yung katabi natin kanina na magkaaway." sabi niya.

tumahimik na lang ako at pinanuod yung mga magkakaibigan na yun na lumayo. hmmm. mukha ngang masaya sila. pero kahit na, ang bata pa para magkababy. di ba nila naisip ang mga pangarap nila? Tch. *rolled eyes*

[a/n: sina Gabby at Ghabbie.. James at Jamaica pati na din si Baby Sugar ay mula sa isa ko pang story na My Foolish Love kung hindi niyo po alam. kung di mo pa nababasa, e di basahin mo na. hoho ^O^ ]

Skater Boy meets Ballerina Girl! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon