CHAPTER 13- Wag Ipagmalaki

1.1K 20 0
                                    

CHAPTER 13- Wag Ipagmalaki

CHARIE's POV

"Okay payn. Wala daw. Edi sige wala nga. Sabi ko nga." Pakyhu. With H para pabebe.

Tinalikuran ko siya. Hindi ako galit okay? Hindi nga. Disappointed lang-- DISAPPOINTED?! Bakit naman aber?!

"Why engot? Disappointed?"

Bastos din tong lalaking to eh. BAKIT MO BA BINABASA ISIP KO HA?!

Itinulak ko siya nang maramdaman kong nakadikit na yung katawan niya sa likuran ko.

"Disappointed mo mukha mo!"

Tumawa siya nang malakas. As in sobrang lakas. Dinig kabilang kontinente.

"Haha! Sorry ah, hindi ko masabing cute ka. Hindi naman kasi talaga! O ayan na! Inaamin ko ng concern akong umasa ka na cute ka kapag nagagalit. Haha!"

Ay anak ng patolang bulok. Ano bang sapi nitong isang to? Kanina lang kung makapag sungit akala mo Donya na nagngingitngit sa Mayordoma niyang pabebe, pero tignan mo ngayon kung makatawa, parang timang lang.

"Ok lang. Hindi naman ako naaasar."

"Sabi mo eh haha!"

"Tawa ka ng tawa! Baka mautot ka jan!"

"At least gwapo pa rin!"

"Umuwi na nga lang tayo!"

Naglakad na lang kami pabalik ng hotel. Ang dami niya kasing nakitang pagkain habang nasa daan kaya nag food trip muna kami. Hindi raw kasi siya nakakain kanina. Eh kasi naman, pinapakain tas biglang mangha—manghahalik.

Nang makarating kami sa Hotel, bigla na lang yumuko si Asungot. Hinatak niya rin ako. Silip lang siya ng silip sa paligid. Anong trip nitong isang to?

Habang nagtatago, hinanap ko si Yana. Yung bestfriend kong iniwan kong lumalamon kanina.

"Asungot, bakit ba tayo nagtatago?"

"Eh kasi Engot, may eksena tayo kanina. Baka akalain nila, Artista ako't pagkaguluhan tayo ng maraming tao."

"Ha? Eh bakit ikaw lang ang aakalaing artista? Akala ko ba tayo ang may eksena? Dapat ako rin!"

Tinignan niya ako ng nakakaloko, sabay turo sa mukha ko.

"Engot...? Seriously? Tinatanong mo talaga yan?"

Tsk.

Bago kami tuluyang makapasok sa loob ng kwarto...

"HOY!"

Nilingon ko si Yanang buong buhay na hinampas ako sa balikat.

"ANO?!" Galit kong sigaw. Ang sakit eh.

"Kakaloka ka! Ang haba ng nguso mo kanina ah! Kasing haba ng buhok mong umuwi na sa Pilipinas! Taray! Nahalikan ng tao! Frog princess lang ang ganap!" Sigaw niya habang ngumunguya.

"Oh, well... Maliit na bagay. Anyway, ano yang kinakain mo?" Pag iwas ko sa topic.

"Hindi ba obvious? An?? Nahalikan lang nawala na utak? Mansanas teh oh.. Apple."

"O, edi kawayan na lang pala ang kulang?"

"Oo, hayop ka haha! Wag ka ngang change topic!"

" Eh langya! Iniwan kitang lumalamon, pag balik ko lumalamon ka pa rin!"

"Ganern talaga."

"Tss , are you gonna stay outside all night?" Singit ni Asungot.

"Ano?"

Asungot and Engot (Jejedays- EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon