CHAPTER 5: Stop English ok?!

926 25 2
                                    

CHAPTER 5: Stop English ok?!

CHARIE’s POV

Mukhang di niya rin alam daan pauwi kaya nagdesisyon nalang kami na bumalik sa inuupuan namin kanina.

"Pwede bang malaman buong pangalan mo?" Tanong niya.

"Charie Louise Engki." Sagot ko. Di man lang nagpakipot ang Lola mo.

"Engki?!" Halatang nagpipigil ng tawa.

"Bagay pala sayo yung Engot e 'no." Dagdag niya.

"Wow kung makapagsalita parang ang ganda ng pangalan niya ah."

Tumawa siya at nagpakilala.

"Ranier Felix Asuncion pala. Nice to meet you Charie Louise Engki." Nakipag kamay ulit.

Okay. Maganda nga pangalan niya.

"Di ako natutuwa na makilala ka Ranier Felix Asuncion."

"Sa sobrang ganda ng pangalan ko, kahit na pangit na katulad mo ang nagsabi maganda pa rin!" Tumawa siya ulit.

Lugi ako dito ah.

"Hoy pangit na Engot. Anong iniisip mo ha?"

"Kung paano kita isasako at itatapon sa balon."

"Ako tanungin mo ko kung anong iniisip ko."

"Ayoko."

"Iniisip ko kung paano ka gaganda pero grabe ang hirap. Mas mahirap pa sa Assignment ko na hindi naman tinuro ng teacher!" Sabay tawa ulit.

Sana kabagin ka kakatawa.

"Bakit ang bait mo?" Sarkastiko ako dito ah.

"Ewan ko. E ikaw bakit ang pangit mo?"

Alis na nga ako. Busog na busog na ko sa panlalait.

"Hoy teka! San ka pupunta? Wag kang pagala gala mamaya pa shift niyong mga aswang!"

Hindi ko na siya pinansin at nagtuloy nalang ako sa paglalakad, bahala na san ako mapadpad, makalayo lang sa Asungot na yun.

"Aray." With feelings yan.

Napahawak ako sa ulo ko nang tumama ako sa tyan ng kung sinoman.

"Oh iha. Sorry. Teka--ikaw yung kasama ni Rain kanina diba? Have you seen him?"

Ay yung Tatay pala ni Asungot.

"Have you seen our baby? We've been looking for him. Gosh we're so worried. It's getting late, he must be hungry already. Oh God, what if he was kidnapped?!"

At yung Nanay niya.

"Easy Honey, I know, he's fine... So Iha, do you know where he is?"

Tinuro ko yung daan sa likod ko.

"OH MY GOSH! IHA YOU'RE NOSE IS BLEEDING!"

Umakyat ata lahat ng dugo ko sa mukha ko. Di nga?!

Napahawak ako sa ilong ko, oo nga! Takte nag english kasi eh!

Nakita ko si Asungot na papalapit na sa kinatatayuan namin ng mga magulang niya. Nakalagay sa magkabilang bulsa ng pantalon niya yung mga kamay niya. Ang Gwap--tae.

"Oh Daddy! Mo--Nagdudugo ba ilong mo Engot?!" Sigaw niya.

Tinakpan ko yung ilong ko. Lumalapit kasi siya eh! Tapos pinipilit niyang tanggalin yung kamay ko.

"Let me see! Get your hands off of your nose!"

Aruy. May tumulong dugo mula sa ilong ko...

Humagalpak na siya sa kakatawa.

"Hey Rain stop! I'm so sorry Iha. Come with us let us take you to the hospital."

Napatulala nalang ako habang patuloy na tumutulo yung dugo galing sa ilong ko.

Nagpadala na ko sa kanila sa Ospital at habang nakasakay ako sa kotse nila, tawa lang ng tawa yung Asungot. Nilagyan kasi ng tissue yung magkabilang butas ng ilong ko. Kainis.

"I thought I told you to call us if you need sundo Rain? Why didn't you call?" Tanong ng Mommy niya.

"Sorry Mom. My battery died. Didn't notice it earlier. Thanks for coming anyway."

"We were so worried anak. You should be mindful next time." Dagdag ng Daddy niya.

Pagkatapos ako ipa-ospital, nagpresinta na rin sila na ihatid ako sa bahay. Saan kaya nagmana 'tong si Asungot? E ang babait naman ng mga magulang niya?

Habang nasa byahe tahimik lang ako...

"Rain anak. About Alyssa. Her Dad and I decided that the both of you are going to America to continue your studies there together."

"Alyssa? Alyssa who?"

"Your Cousin anak."

Alyssa? Anak ng boy bawang! Si Alyssa! Wala pa kong napiling regalo. Bukas na nga lang. Wala rin naman akong pera.

"Oh. That spoiled brat? I don't want to Dad. I hate her."

"Stop saying that Rain."

Ang tagal namang magdrive nito. Nagugutom na ko.

"But, hindi naman niya ko tinuturing as pinsan eh, she keeps on clinging to me whenever I'm with her. She thinks like she's my girlfriend."

Napakunot yung noo ko, ang arte naman magsalita nitong Asungot na 'to. Ano ba yan, feeling ko magdudugo nanaman ilong ko.

Stop english ok?!

Asungot and Engot (Jejedays- EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon