Note ni Charie

5.1K 83 12
                                    

Ang nilalaman ng istoryang ito ay pawang puro kalokohan lamang, na may halong kilig. Ipinagbabawal ang demanding at pa-deep sa istoryang ito. Sana inyong magustuhan. Maligayang pagbabasa!

Note ni Charie:

Ito ang kwentong ang tanging mensahe ay 'Walang problemang malaki sa kalokohang di nagpapahuli.' Sa storyang 'to walang problemang nagtatagal. Di ko man lubos masabi at kahit di ako sure, alam kong medyo nagsasawa na rin kayo sa super duper heavy drama. Aminin naman natin, hindi naman palaging ma-drama ang buhay. Kung gusto mo ng super haba na conflict sa kwento, sorry po walang ganun dito. Puro mababaw na pagsubok lang. Pero kahit na ganon, pinilit po ng Writer na ipakita ang wagas na pagmamahalan, at pagkakaibigan sa kwentong ito. Gusto ko pong ipaalam sa inyo na may iba pang side ang story na ito at yun ay ang pag HOLD ON sa mahal mo kahit lagi kayong nag aaway, kahit na dati kayong fake bf-gf lang, kahit fixed marriage, kahit cliche, kahit puro kalokohan ang mga kaibigan, kahit na panget ako at engot, kahit na super gwapo, yaman at talino ni Asungot, kahit na may nag-gwagwapuhang basketball players dito, kahit na laging wala ang parents sa bahay pag naglalambingan kami, kahit na may gwapong artista na nagkagusto din sakin, at kahit na marami 'tong part na madalas mo na mabasa sa ibang istorya, siguro nama'y kapupulutan pa rin ito ng aral. Kaya sana, kahit na na-tripan mo lang ito, ay mabasa mo pa rin hanggang sa kahuli-hulihang salita. Salamat!

Asungot and Engot (Jejedays- EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon