CHAPTER 7: Tinesting lang

901 22 0
                                    

CHAPTER 7: Tinesting lang

*5 YEARS LATER*

CHARIE's POV

Oo nga ano! Limang taon na rin. Limang taon na kaming magkakilala. At hindi pa rin kami natutuloy ni Asungot sa probinsya. Lagi nauudlot.

Nandito ako ngayon sa bahay ng mga Asuncion. Actually dito na ako nakatira 5 years ago pa, kasi sabi ng Parents niya na.

Kung ano man yung nangyari sa amin ni Asungot noon, yung trinip namin. Wala lang yun. Wala lang sa amin yun. Natutunan na naming sakyan ang trip ng mga magulang niya. Ang showbiz. Chenes.

"Cha cha."

"Oh Ma, bakit po?"

"Kamusta naman kayo ni Rain?"

Problema ni Mama?

"Ok naman po." Hindi ako masyadong nagfofocus kay Mama, nagsusulat kasi ako. Kunyari matalino.

"Anak..." Sabay hawak ni Mama sa kamay ko.

"Ma? Ano po bang problema?" Kinakabahan ako pag ganito si Mama.

"Anak tumatanda na kami ng tatay mo, gusto ko sana na mag-settle na kayo ni Rain."

"MA NAMAN!" Napatayo pa ako dahil sa sinabi ni Mama.

"Anak, nakakagulat ka naman."

"Ano naman po expect niyo sa akin? Hindi na gulat? Ma, na-inform ka ba na disi-otso palang ako? Kung hindi pa Ma, sasabihin ko na po, Ma, 18 palang ako."

*Ang korni, ang korni, korni, korni--* Yung cellphone ko tumutunog...

"Yan Ma ang korni mo kasi."

"Ang pangit naman ng ringtone mo anak."

"Ayaw mo yun, mana sa may ari--ay nako, sagutin ko na muna to Ma."

"Wag muna. Makipagbreak ka muna kay Rain baka masaktan yun."

"Wait Ma, yung tawa ko natraffic pa. Pahintay nalang."

Ngumuso si Mama.

Lumayo na ako sa kanya ng konti at sinagot yung kung sino man ang tumatawag.

"Hello."

"Oy." Si Asungot pala.

"Oh? Napatawag ka?"

"Uuwi sila Mommy, next week, kailangan mag-ready tayo."

"Ge."

"Ge."

*End Call*

Ganun lang ang usapan namin ni Asungot. So uuwi pala sila Tita, (oo inulit ko lang) malamang nito sandamukal na damit nanaman ang ipapamili nung Asungot na yun sa akin, at katakot takot nanaman na practice sa pakikipaglandian sa kanya ang kailangan kong harapin.

Tsk, sana naman, makahanap na siya ng tunay na babaeng mamahalin niya. Para makahanap na rin ako. Yes, marunong na mangarap Lola niyo.

***

"Hoy pangit na Engot. Gising na. Kailangan na nating kumilos." Napadilat ako dahil sa sundot ng sundot ng pisngi ko.

"Oo na eto na, tatayo na, ginagawa mo naman akong isda eh. Kung makadutdot ka jan."

"Dami pang sinasabi! Tayo na!"

"Diba fake lang tayo? Eh bat ganyan ka bigla?"

"Anong kinakanakana mo diyan?" Eh? Ang gulo naman nito.

"Sabi mo kaya tayo na , eh diba nga fake lang tayo?"

"Tange! Asa ka naman! Sabi ko tumayo ka na diyan at marami pa tayong gagawin. Fee--"

"--lingera, alam ko." Dugtong ko sa sasabihin niya.

Tumayo na ako sa kama at binelatan siya. Lumabas na siya ng kwarto ko, remember nasa iisang bahay na kami?

O edi kayo na matalas ang memory.

Pinanindigan namin ni Asungot yung pagpapanggap naming mag bf-gf sa mata ng parents niya. Ang pamilya nila ang may-ari ng School na pinapasukan ko, so ibig sabihin, libre ang pag-aaral ko nang dahil sa pagpapanggap na 'to.

Pero wait. Hindi lang ako ang manggagamit dito. Pati si Asungot. Ginagamit niya rin naman ako, dahil hanggang sa ngayon ay iwas pa rin siya dun sa Alyssa, na pinsan niya. Sa oras na maghiwalay kuno kami, ay isusunod siya sa America para makasama yun.

Ang sabi ni Asungot, pagka-uwing pagkauwi lang namin galing sa probinsya (kung kelan man kami pupunta doon) ay maghihiwalay na kami. Wala lang naman yun, dahil hindi niya naman ako nagawang tignan ng higit pa sa isang pangit na Engot niyang fake Girlfriend. Pahinging tissue, napakadrama ng narration ko.

Lumabas na ako, at nagulantang sa dami ng pagkain na nakahanda sa lamesa.

kailan pa ginawa ang pyesta ng barangay sa loob ng bahay? At sa bahay pa talaga nila Asungot ano?

"Hoy Engot, kumain ka na mangangailangan ka ng lakas pag nakipagbakbakan ka na sa mga pupuntahan natin."

"Grabe naman! Para namang hindi ako kakain ng isang taon. Saan ba ang gera?"

"Sa puso mo."

Parang may dagang dumaan sa loob ng katawan ko nang sabihin niya yun.

"A-anong sabi mo?"

"Sus! Namula ka! Wala lang yon! Tinesting ko lang yung gagamitin kong pangbanat na nakakakilig pag dating nila Mommy para naman isipin niyang sweet tayo."

"Ah." Buti naman.

Asungot and Engot (Jejedays- EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon