Chapter 38 - Reunion with Erina

101K 2.7K 254
                                    

Chapter 38

Ingrid's POV

"MA'AM, ready na po ang lahat," sabi sa akin ng secretary ko sa pag organize ng Mckinley fashion house gala. Para siyang opening party that we organized nang ma-settle namin ang lahat. Naisip ko kasing magkaroon ng party para mas makilala ang MFH sa Pilipinas.

"Very good. Sino nga pala iyong models natin?" I asked while scanning my portfolio design na susuotin ng mga models ko.

"Nilagay ko po iyong mga profiles nila sa desk niyo," sabi niya.

"Ah, okay," tumayo ako at pumasok sa office ko. Nandoon nga sa desk ko 'yong yellow folder.

Ang un akong nabasa ay ang pangalang Hariko. Ah! Pamilyar sa akin ang pangalan niya. Saan ko ba 'to narinig o nakita?

May whole body picture na naka-attach sa likod ng profile at halos manlamig ang buong katawan ko nang makita ko kung sino ito.

"H-Hansel?" I murmur.

Is it possible? No. He can't be. Malamang kahawig niya lang 'to. He has a dirty blonde hair and it is said that he is twenty-seven years old. Binasa ko nang maigi ang kanyang profile. He was a model and an endorser. He was half Filipino and half Korean. Magkasing height sila ni Hansel at halos magkapareho rin ng built ng katawan.

Nanginginig ang mga kamay kong in-on ang aking desktop. Agad kong binuksan ang google browser at sinearch ang "Hariko".

Halos mapapikit ako nang makita ko ang result. Para silang pinagbiyak na prutas. His name is Hariko Choi and was born in South Korea and is currently residing in China. He can speak English, Mandarin, Korean, and Filipino.

I clicked the videos and I saw a lot of fancams, TV commercials, and TV guestings. Siya 'yong nasa commercial sa frozen kimchi. Siya rin 'yong pinagkakaguluhan sa airport noon.

Pero alam ko. Hindi siya ang Hansel. He has fair complexion but a little bit flushed. At wala siyang aura na kagaya sa kanya.

"Gean!" tawag ko sa secretrya ko. Hindi ako bumibitaw sa titig ang picture nitong si Hariko. Pilit kong tinitingnan kung ano ang pagkakaiba nila ni Hansel.

"Yes po, ma'am?"

"Kilala mo ba itong si Hariko Choi?" I asked. Nakita kong bigla siyang napangiti and I can see her eyes twinkled.

"Sikat po siyang model sa South Korea at unti-unti na po siyang sumisikat sa buong mundo," sabi nito na halatang kinikilig.

"Matagal na ba siyang model?"

"Ang alam ko po ay matagal-tagal na rin siya sa pagmo-model." Sagot nito. That answers my question. Hindi nga siya si Hansel. Kamukha lang niya talaga.

"Sige, you can go back to what you're doing," I said then closed my browser.

Lumabas akong office at pumunta sa pantry. I made myself a coffee. Doon ko napansin na may mga dinidikit ang mga empleyado ko na posters sa bawat wall ng department. It was a poster of that Hariko at may kasama pa siyang dalawang lalaki.

Nilapitan ko ang poster at sa kanya lang nakatingin.

"Ma'am nasa baba na raw po ang mga models," biglang sabi sa akin ni Gean kaya bigla akong kinabahan.

"Papuntahin mo sila sa greenroom. Susunod ako," I said trying to keep my cool.

Halos maubos ko na ang kape sa isang lagukan lang. Shit! Why am I nervous? Epekto ba 'to ng 3 in 1 coffee? Sanay na akong makakita ng artista, hollywood pa nga, eh. Stress lang ata ako. Oo 'yon lang 'yon.

Vampire City: Not Your Ordinary Vampire StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon