Chapter 5 - Crazy girl + short-tempered guy = Explosion

200K 4.8K 148
                                    

Chapter 5

NAKALIPAT na ako sa penthouse ni Hansel. May sarili akong room at ang cute nito. Color pink. Pinaayos niya raw ang bakanteng kuwarto habang wala siya kanina.

Feeling ko rin naman, kahit masungit siya at ang ikli ng pasensiya ay mabait naman siya.

"'Eto ang rules and regulation sa loob ng pad ko."

Inilapag niya sa kama ko ang short bond paper na computerized ang print. Umupo siya sa study table ng kuwarto. Binasa ko iyon out loud.

"General rule number one, bawal pumasok sa kuwarto ko."

Napatango lang ako. Wala naman akong balak pumasok sa kuwarto niya 'no.

"Ayoko kasing may ibang tao sa kuwarto ko," he simply explained. I nodded again.

"Number two. No envasion of privacy." I agree.

"Number three. Don't expect me to cook for you."

Napasimangot kaagad ako. I can't cook!

"Ikaw ang bahala sa kusina." Matipid niyang sabi nang makita niya ang pagsimangot ko.

"Hindi ako marunong magluto!" angal ko.

"Problema mo na 'yon! Ipinagbili na nga kita ng supplies mo para makakain ka, eh."

I sighed. "Okay." malungkot kong sabi.

"Number four. Follow all my orders? Ano 'to?!"

"Akala ko ba nagkasundo na tayo na sa akin ka lang susunod at susundin mo ang lahat ng sasabihin ko?"

"But—"

"Just trust me on this, Ingrid." he said.

That was the first time he called me by my name and it gave me goosebumps.

"S-sige." nauutal kong sabi.

"Lastly. Don't talk to anyone except to Erina, Cris and Tom. Who are Cris and Tom?" malakas kong tanong.

Napatakip naman siya ng tainga!

"Hell! Are you planning on damaging my ear drums?! You talk loud, retard!"

"Explain mo kasi kung bakit hindi ako puwedeng makipag-usap kahit kanino except dito sa tatlo!"

"Kasi 'yon ang gusto ko! Hindi mo ba 'ko puwedeng pagkatiwalaan?"

"Bakit kita pagkakatiwalaan kung hindi mo nga sa akin sinasabi?"

I heard him sigh. "I want to protect you. Please. Just do as I say," He said in a low clam voice.

Hindi ako makaimik sa sinabi niya. Why does he wants to protect me? Protect me from what?

"Just read all the rules. Then you can go to sleep. Wala namang pasok bukas." Pagkatapos umalis na siya.

Binasa ko ulit ang rules. Nakakainis lang. Bawal daw akong magpalaba sa valet service at mga kung ano-anu pang nakakainis na rules na ayaw ko nang sabihin pa. Ang wierdo ng lalaking iyon.

Lumabas na akong kuwarto at nakita ko siya sa living room nagbabasa ng libro habang nakaupo sa single couch at nakade-kwatro.

"How Humans Think" ang title ng libro.

Bakit niya iyon binasabasa? Hindi ba siya human? Pft. Gusto kong matawa sa ideyang iyon.

"Matulog ka na," he said without looking. He knows I'm there?

"Hindi ako makatulog. Ang hirap naman kasi ng culture niyo. Para kayong Vampire."

Natigilan siya sa sinabi ko.

"So what if we are?" he said saka tumayo at lumapit sa akin. Sobrang lapit.

"H-ha? Ha-ha-ha. Imposible naman yata 'yon? Hehe."

Nasa likod ko ang aking kamay habang pilit inaabot ang dulo ng buhok ko. Nakaka-tense kasing kaharap si Hansel.

"Walang imposible sa mundong ito, Ingrid." Kinilabutan uli ako nang banggitin niya pangalan ko.

"K-kung bampira kayo, eh, 'di sana matagal na akong patay," sabi ko na hindi makatingin sa kanya.

Naiilang ako. Dapat pala hindi na lang ako lumabas ng kuwarto.

"Pano kung sabihin ko sa'yo na kami ang klase ng bampira na hindi pumapatay ng tao para makainom lang ng dugo?"

Nanlaki ang mga mata ko kaya hinampas ko siya sa balikat.

"Huwag mo nga akong pinaglololoko! Bampira-hin mong mukha mo! 'Di ako naniniwala doon!" pag-kasabi ko niyon patakbo akong bumalik sa kuwarto ko.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Para akong kinakabahan na natatakot na ewan! May deperensya na yata ang puso ko.

* * *

MAGHAPON akong natulog at halos madilim na nang magising ako. Lumabas akong kuwarto dahil nagugutom na ako. Nagluto lang ako ng instant noodles bago naligo.

Napansin kong wala si Hansel kaya inikot ko ang buong penthouse. May malawas na balkonahe sa labas at tanaw nito ang buong siyudad. Ngayon ko lang din napansin ang isang malaking bahay. No, hindi pala bahay. It looks like a castle or a palace. May mataas itong bakod kaya hindi ito makikita kapag nasa baba ka. May tower ito at malaking orasan.

Ano kaya ang castle na 'yan? Baka naman isa siya sa attraction sa place na 'to?

Napagdesisyunan kong lumabas ng penthouse tutal wala naman si Hansel. Dahil alam kong malamig ang klima nila ay nagsuot ako ng black pants, long sleeve shirt, at pinatungan ko ng cardigan.

Dumeretso akong

Pagdating ko sa plaza, ay may mini concert na naman. Gothic band yata ang tumutugtog. And many young girls were screaming for their name.

Umupo ako sa bench kung saan natatanaw ko ang banda na nagpe-perform.

"Hi. Puwede tumabi?"

Napaangat ako ng tingin sa nagsalita. Nakangiti siya sa akin.

"Sure." So tumabi siya sa akin pero may malaking space sa pagitan namin.

"I'm Drake, by the way. And you are?" napatingin ako sa kanya. Sobrang talas ng mga mata niya. His spiky Mohawk hair is black na bagay sa bad boy aura niya.

"I'm Ingrid. It's nice to meet you, Drake."

Nagkamay kami. Nakasuot siya ng gloves at nakapang-rider attire siya.

"Bago ka rito, 'no?" he asked.

"Yeah," tipid kong sagot kahit gusto kong habaan ang sasabihin ko para makagawa ng conversation. But there was this voice inside of me na nagsasabing huwag akong makikipag-usap sa kanya. And that annoying voice! Hansel!

At kahit ano'ng mangyari, don't talk to anyone. Don't let anyone touch you.

Iyan ang naririnig ko sa utak ko! Ugh! Hansel, pati ba naman sa isip ko?

"Just trust me on this, Ingrid."

"Waah! Ayoko!" bigla kong napasigaw.

Napatingin tuloy sa akin si Drake. Nagtataka. Hala. Baka iniisip niyang baliw ako.

"Okay ka lang?" concerned niyang tanong.

"He-he-he. Yeah, I'm fine. Just don't mind me," nakangiti kong sabi.

"Okay."

{1

Vampire City: Not Your Ordinary Vampire StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon