Chapter 18 - I love you

151K 3.8K 395
                                    

Chapter 18

Ingrid's POV

"TALAGA? Gising na siya?" Halos ang lawak ng ngiti ko nang marinig ko ang magandang balita ni Erina.

"Oo ate. But there's just one problem," Bigla na lang naglaho ang mga ngiti sa labi ko. May kakaibang kabang tumubo sa dibdib ko.

"A-ano 'yon?" nag-aalangan kong tanong. Hindi ko alam kung gusto ko bang malaman ang sasabihin ni Erina, but I'll take my chances.

"Hindi ka maalala ni Kuya. Naaalala niya kami expect you," Malungkot niyang sabi. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Bakit parang ang unfair naman? Naaalala niya lahat maliban sa akin? May selective amnesia siya?!

Lumingon ako sa likod ko para tingnan ang reaksyon ng mga magulang nila pero wala na 'to sa likod ko.

"Pupuntahan ko siya. Where's Hansel?" I said and Erina just nodded.

Giniya niya ako sa north wing ng palasyo kung saan ang Infirmary. Nadaanan namin 'yong library, pati na rin 'yong portrait room. Kung hindi na niya ko naaalala, ibig sabihin nakalimutan na rin niya 'yong mga magagandang alaala namin sa mga silid na 'yon.

Ang bigat-bigat sa pakiramdam. Gusto kong umiyak pero hindi naman 'yon makakatulong. Hindi naman maibabalik ng mga luha ko ang alala niya sa akin. Kung nakalimutan na talaga niya ko, siguro babalik na lang ako sa amin and live my old life. Tutal napatawad na naman ako ni Daddy.

Habang papalapit kami sa kwartong kinalalagyan ni Hansel ay siya namang lakas ng kabog ng dibdib ko. Excited akong makita siya. Miss na miss na miss ko na siya. The only problem is that he doesn't remember me anymore.

Pagbukas ni Erina ng pinto ay nakita kong nakahiga si Hansel. His eyes are close and it seems that he's resting.

Si Tom at Cris ay nasa kabilang bahagi ng kuwarto at naglalaro ng Game of the Generals. Gusto kong tumakbo at salubungin si Hansel ng yakap pero hindi na maari kaya pinigilan ko ang sarili ko. Baka nagpapahinga siya kaya pinikit niya ulit mga mata niya.

Dahan-dahan akong lumapit hanggang sa makita ko ang gwapo niyang mukha. Hinawakan ko ang noo niya at hindi ko mapigilang hindi mapaluha.

"H-hindi mo na ba talaga ko naalala?" Halos anas ko lang na sambit. Agad kong pinapalis ang mga luhang lumalabas sa mga mata ko.

"Ang daya mo naman Hansel, eh! Marami pa nga akong hindi nasasabi sa'yo tapos heto ka kinalimutan na ako!"

Narinig kong nagtatawanan sina Cris at Tom pati na rin si Erina. Mukhang nag-e-enjoy talaga sila sa paglalaro ng board games. Mabuti pa sila may dahilan para magsaya. Samantalang ako parang nagluluksa. Hindi naman ako namatayan. Pero parang gano'n na rin ang ginawa sa akin ni Hansel. He forget about me!

"Dapat pala hindi mo na lang ako niligtas. Dapat hinayaan mo na lang ako kay Drake. Magpapakasal kami alam mo ba 'yon? Kahit hindi ko siya mahal papakasalan ko siya para hindi ka saktan ni Devant," Lahat ng sama ng loob ko nilalabas ko. Wala na akong pakialam kung naririnig niya. Tutal hindi na naman niya naalala diba?

Hihintayin ko na lang na magising siya tapos babalik na ako sa amin. Napatawad na ako ni Daddy kaya tatanggapin na nila ako.

Hinawakan ko kamay niya at pinisil pisil 'yon.

"Pero bago ako umalis may gusto lang akong sabihin sa'yo na importante. Ito 'yong isang bagay na baka pagsisihan ko kapag hindi ko pa nasabi sa'yo. Para atleast kahit hindi mo na ko naaalala, wala akong pagsisisi na mararamdaman,"

"Madaya ka Tom!" Malakas na bulalas ni Erina at sabay pa silang tumawa ng malakas ni Cris. Nilingon ko ang tatlo. Kainis! Hindii man lang sila makiramdam na may nagda-drama rito! Buti sila at naalala nitong sungit na Hansel na 'to!

Vampire City: Not Your Ordinary Vampire StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon