Chapter 8 - The Tournament

185K 4.7K 410
                                    

Chapter 8

Erina's POV

INAAYUSAN ko ngayon si Ate Ing to make her look like a vampirette. But not the usual vampire girl na maiisip mo na totally scary and everything. Medyo pina-pale ko ang mukha niya at pinilit ko siyang magsuot ng auburn lens. Ito kasi ang commonly color ng mata namin. She wore a black dress that could make her more pale. She naturally had fair skin. Medyo pale na rin ang braso niya kasi ilang araw na siyang hindi naaarawan.

"Ate, wear this." Ipinakita ko sa kanya ang isang necklace na hugis triangle at may blue gem sa gitna.

"Ano to?" nagtatakang tanong niya.

"Necklace?"

"Alam ko. What I mean is, bakit mo 'yan pinapasuot sa akin?" ngingiti-ngiti niyang sabi.

Because Kuya said you have to wear that para 'di ka maamoy ng buong vampire clans. Protection mo 'yan para hindi nila malaman na tao ka.

Iyan ang gusto kong sabihin kay Ate Ing pero siyempre hindi puwede. Kuya's going to rip off my head if I do that.

"Gift ko 'yan sa'yo, Ate, for being so nice," sabi ko. Medyo white lie pero part of it is true. I really like her. And never kong naisip na gawin siyang hapunan.

"Ikaw nga ang nice, eh. But, thanks anyway," nakangiting sabi niya.

Alam kong sincere ang mga ngiting iyon. Sa family namin, active ability ko ang mind reading at passive strength ko naman ay ang pag-repel ng ano mang bagay na tatama sa akin. Si Kuya naman ang active strength ay speed and his passive strength is controlling minds. May kakayanan siyang gawin mo ang pinag-uutus niya kahit ayaw mo. I wonder if ginamitan niya ng gano'n si Ate Ing?

"Ako na magsusuot sa'yo, Ate."

Tumalikod siya, saka ko isinuot ko sa kanya ang kwintas.

"Ang ganda," she said while holding it.

"Uhh, Ate, don't let anyone see it," sabi ko.

Napakunot-noo naman siya. "Ha? Why? Sayang naman ang ganda niya kung itatago lang?"

"Eh kasi, Ate, mga mayayaman na tao lang ang may ganyan. Kung ipapakita mo 'yan in public maari kang manakawan. Ikaw din," pananakot ko sa kanya.

Actually, the reason why I didn't want anyone to see it kasi baka may makaalam na ang necklace niya is amulet for vampire.

"Gano'n ba? Okay." Nakangiting sabi niya.

Alam kong deep inside malungkot siya. I'd better cheer her up para mawala sa utak niya ang necklace.

* * *

Ingrid's POV

WE'RE on our way to SMU dala-dala ang placard. Nagkotse naman kami kaya okay lang. Speaking of kotse, kumusta na kaya ang baby ko? Hindi ko na siya nagagamit, eh. Lagi kasi akong nakikisakay kay Hansel.

Papasok na kami sa main gate. Nakita ko na marami nang tao na papasok din. Maroon and Black lang ang nakikita kong mga damit na suot nila. Siguro iyon ang color ng mga teams. Hindi sa harap ng school nag-park si Erina, bagkus, lumiko siya at may dinaanan kaming makahoy na lugar.

"Nasa school pa ba tayo, Erina?" I asked her.

"Oo naman, Ate. Part pa rin 'to ng school."

Napatango na lang ako. Hindi nagtagal, nakalabas kami sa isang forest-like road at malawak na space ang tumambad sa akin. Sa gitna ay may malaking stadium. Para siyang sa soccer field. Nakakalula sa laki.

Vampire City: Not Your Ordinary Vampire StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon