ღ Chapter 22 ღ - Reunited As One...

322 9 6
                                    

Ashley's P.O.V

FRIDAY

Happy Friday!!! ^_^ Friday na! Ang pinaka-paborito kong araw sa lahat kasi kinabukasan Saturday na! At kapag Saturday na ibig sabihin walang pasok! At kapag walang pasok ibig sabihin pahinga! At kapag pahinga ibig sabihin... Ah... Hmm... Ewan ko! Siguro naman gets niyo na yung ibig sabihin ko di ba? Yun na nga... ginawa ko na yung daily routine ko. Pagkatapos ay inihatid na ako ni Aaron sa school. Nung nandoon na kami sa tapat ng gate ng school...

"O sige! Una na ako Ash. Mag-ingat ka ha? Be a good girl." bilin sa akin ni Aaron. Natawa naman ako sa kanya. Si Aaron ba ito na pinsan ko? O tatay ko?

"Masusunod po Itay." pang-aasar ko kay Aaron.

"Anong Itay?!? Pektusan kita dyan eh!" sabi ni Aaron.

"Kasi naman eh! Kung makapag-bilin ka dinaig mo pa Daddy ko!" sabi ko kay Aaron.

"Concerned lang naman ako sayo..." sabi ni Aaron. Itong pinsan ko may tinatago ring kabaitan eh!

"Wushuu! Touch naman ako!" sabi ko.

"Sira kang babae ka!" sigaw ni Aaron. Aalis na sana si Aaron nang makita ko si Ana na naglalakad din papasok sa gate. Kaya naman tinawag ko si Ana para ipakilala siya kay Aaron. Nang makalapit na si Ana sa amin nagulat siya nung makita niya si Aaron tapos bigla akong hinigit...

"Sino yung boylet na kasama mo?" tanong sa akin ni Ana nung medyo malayo na kami kay Aaron.

"Boylet ka dyan! Si-" sigaw ko pero hindi natuloy kasi binatukan ako ni Ana. Napahawak naman ako sa batok ko.

"Pwede ba wag kang sumigaw?!?" bulong sa akin ni Ana ng pasigaw.

"Sensya naman!" sabi ko habang hinihimas pa rin yung batok ko. Ang sakit din mambatok nitong isang to eh!

"Hindi mo pa nasasagot yung tanong ko eh! Sino ba yang gwapong nilalang na kasama mo ha?" tanong sa akin ni Ana. Nagtaka naman ako sa sinabi ni Ana. Si Aaron ba yung sinasabi niyang gwapo? Sigurado ba siya?

"Yun ba yung tinutukoy mo?" tanong ko kay Ana tapos tinuro si Aaron na kanina pa naghihintay sa labas nung gate. Nabatukan ulit ako. Strike two na tong si Ana ha!

"Malamang siya! May iba ka pa bang kasama?!?" bulong ulit ni Ana ng pasigaw.

"Sino nga kasi yun?!? Borfriend mo ha?!? Ikaw! Hindi ka na nagsasabi!" sabi ni Ana. Ngayon siya naman ang nabatukan ko.

"Sira! Anong boyfriend?!? Pinsan ko yan! Si Aaron! Yung lagi kong kinukwento sa inyo!" sabi ko kay Ana. Kadiri naman tong si Ana! Sabihin daw bang boyfriend ko yung pinsan ko?!? Tumingin naman siya kay Aaron tapos tumingin ulit sa akin.

"Ahh... Hindi mo naman sinabi na gwapo pala yung pinsan mo!" sabi sa akin ni Ana. Nagulat naman ako. Yung pinsan ko gwapo?!? Eh may sayad yata to eh! Napatingin naman ako kay Aaron tapos tumingin naman kay Ana.

"Yung pinsan kong yun! Gwapo?!? Saang banda?!?" tanong ko kay Ana.

"Baka sa may puwetan!" pamimilosopo ni Ana.

"Gaga! Pero sabagay... sa tingin ko nga mas gwapo pa yung puwet niya kesa sa mukha niya..." sabi ko.

"Ikaw pala ang gaga sa atin eh! Kadiri ka naman eh!" sabi ni Ana.

"Eh sino bang nagsimula?!?" tanong ko kay Ana.

"Wag na nga tayong mag-away! Ipakilala mo na lang ako! Bili!" pagpupumilit sa akin ni Ana.

"Oo na! Oo na!" sabi ko tapos maglalakad na sana papunta kay Aaron nang hilahin na naman ako ni Ana. Uso ngayon ang manghila noh?!?

"Saglit lang!" sigaw ni Ana pagkatapos akong hilahin. Humarap naman ako sa kanya.

My First... Enemy?!? [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now