ღ Chapter 5 ღ - The Start Of Something New...

402 11 4
                                    

Hoy babae!!! Basahin mo na itong story ko!!! Lagot ka sa akin at mapapatay kita kapag hindi mo ito binasa!!! Kapag binasa mo na... Ililibre kita! Pramis yan! Joke lang pala yung ililibre kita... Pero yung mapapatay kita totoo yun! Hahahahahaha!!! Joke lang ulit! Baka masabunutan mo pa ako at malagas ang aking napaka-gandang buhok na mala-Rapunzel ang ganda... Toinks! Ansabe ko?!? Hahahahahahahaha!!! Ang lakas ng topak ko!!! Manang-mana sayo! XD Hahahahahaha!!! Owkei... Stop na ako dito... Napapahaba na eh... ^_^

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ashley's P.O.V

Haayss... Hindi ako makapag-concentrate sa klase gawa ng naaalala ko pa rin yung nangyari... Wala tuloy akong naintindihan sa diniscuss nung teacher ko! Paano ba naman ako makakapag-concentrate kung palagi kong naaabutang nakatingin sakin si Will? Hindi naman ako assumera pero kasi nung nakita ko siyang nakatingin sa akin umiwas siya bigla ng tingin. Ito namang si Chelsea hanggang ngayon kinukulit pa rin ako at tinatanong kung ano ba talagang nangyari. Gaya na lang ngayon... Binatuhan na naman niya ako ng papel kaya naman binasa ko ito...

ASH!!! ANO BA TALAGA KASING NANGYARI?!? - Chelsea

MAHABANG KWENTO MAMAYA KO NA LANG IKUKWENTO SAYO... - Ako

EH?!? NGAYON MO NA LANG IKWENTO!!! - Chelsea

MAHABA NGA KASI SIYA EH... - Ako

EH DI ISUMMARY MO! - Chelsea

WAG KA NGANG MAKULIT! IKUKWENTO KO NAMAN SAYO EH! - Ako

HMP! SIGE NA NGA! NAKATINGIN NA SI MAM SA ATIN BAKA MAPAGALITAN PA TAYO... BASTA IKWENTO MO SA AKIN HA! - Chelsea

OO NA! OO NA! ATAT LANG MASYADO! - Ako

SYEMPRE... AKO PA! - Chelsea

Fastforward ko na to wala naman kasi masyadong nangyari... Sa wakas! Uwian na din kami! Habang naglalakad kami sa hallway nagsalita na lang bigla si Aria...

"Guys... SM tayo!" sigaw ni Aria.

"Oo nga! Tsaka wala naman tayong mga assignments eh..." sabi ni Ana.

"Wala nga tayong assignments meron naman akong detention." sabi ko.

"Oo nga pala may detention nga pala si Ash..." sabi ni Kath. Ay! Wala akong detention Kath! Wala! Kasasabi ko lang di ba!

"Magiging unfair naman kung pupunta tayo sa SM tapos si Ash nasa detention." sabi ni Dana.

"Okay lang yun!" sigaw ni Chelsea. Anong klaseng kaibigan ba yang babaeng yan?!? Okay lang sa kanyang nagpapakasaya sila sa SM habang ako nasa detention?!?

"Paano naman naging okay yun Chelsea?!?" pagtatanong ni Aria. Buti pa siya isang mabuting kaibigan! Joke lang...

"Hindi pa naman ako tapos eh! Ibig ko kasing sabihin... eh di pagkatapos ni Ash sa kanyang detention pumunta na lang siya sa SM." pagpapaliwanag ni Chelsea.

"At saka gutom na din kasi ako eh..." dagdag pa ni Chelsea sabay kamot nito sa kanyang ulo.

"Sige okay lang... mauna na kayo." sabi ko.

"Sigurado ka ba Ash?" tanong sa akin ni Dana.

"Oo naman no! Ayokong nagugutom tong taong to!" sigaw ko sabay turo kay Chelsea. Tumawa lang ang bruha.

"Beth okay ka lang ba?" narinig kong tanong ni Ana kay Beth na hanggang ngayon wala pa ring imik. Kanina pa nga yan eh... simula nung naglaro kami ng tagu-taguan.

"Oo nga. Kanina ka pa tahimik eh..." pagsang-ayon naman ni Kath kay Ana.

"Okay lang ako..." sagot ni Beth sabay ngiti. Nagkatinginan lang kaming magkakabarkada kasi alam namin na hindi siya okay...

My First... Enemy?!? [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now