ღ Chapter 8 ღ - Partners Na Nga... Tutor Pa?!?

356 9 0
                                    

Hello queens431!!! ^_^ Thanks sa pag-follow sa akin at tsaka thanks din sa pag-vote nung story ko!!! Salamat ng sobra sobra!!! Hope we can be friends!!! ^_^

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ashley's P.O.V

Hindi ko na lang pinansin yung mga sinabi ni Mam Cruz na magkakapartner dahil sa sobrang inis ko. Bigla ko na lang narinig na sinabi ni Mam Cruz...

"Okay, class! You may now go to your respected partners." sabi ni Mam Cruz. At syempre malamang sa malamang lumapit sa akin si Ivan at agad ko siyang tinanong...

"Ano na naman ba tong trip mo Ivan?" pagtatanong ko sa kanya.

"Hindi ito trip okay..." sagot ni Ivan. Eh ano to lokohan?!?

"Kung ganon ano?" tanong ko sa kanya.

"Ganito kasi yan... Hindi kasi ako magaling sa Physics kaya gusto ko sanang magpa-tutor ako sayo." pagpapaliwanag ni Ivan. Ako magiging tutor niya?!? Wow naman! Partner na nga ako tutor pa! Astig yata yun ah!

"Teka... ang alam ko kasi partner mo ako hindi tutor okay?" sabi ko sa kanya. Anong akala niya sinuswerte siya?!? Kapal naman ng fes niya no!

"Yun na nga since partner nga kita pwede naman siguro na turuan mo na rin ako kahit... konti lang." pagpapaliwanag ulit ni Ivan. Tiningnan ko lang siya ng masama.

"Oh! Ano na? Pwede mo na ba akong itutor?" tanong ni Ivan sa akin. Nag-isip muna ako ng saglit at naisipan kong pagtripan muna siya saglit... hehe...

"Sige! Papayag ako..." sagot ko pero hindi natuloy dahil sumingit si Ivan.

"Yes!" sigaw ni Ivan.

"Sa isang condition!" sigaw ko. Akala niya papayag na lang ako kabasta ha! In his ugly face! Bigla naman nadisappoint yung mukha niya nung sinabi ko yan. Hahahahaha! Nakakatawa!

"Ano naman yung condition?" tanong ni Ivan sa akin na may halong kaba. Kinakabahan siguro yan dahil sa tingin niya mahirap ang ipapagawa ko sa kanya. Madali lang naman ang ipapagawa ko eh... konti lang...

"Say "Please" with matching puppy dog eyes." sagot ko sa kanyang tanong. Kung sa tingin ninyo madali lang yan... para sa inyo lang kasi si Ivan ang isang klase ng tao na kahit kailan ay hindi nagmamakaawa.

"Ano?!? Ayoko nga gawin yun!" pagrereklamo ni Ivan sabay cross arms. Hahahahahaha! Para siyang batang nagmamaktol.

"Oh sige... madali lang naman ako kausap eh..." sabi ko.

"S-sige na n-nga! Gagawin k-ko na..." sabi ni Ivan. Sabi ko na nga baga papalag din ito eh...

"Ano ulit yun Ivan?" tanong ko sa kanya.

"Sabi ko gagawin ko na! Tss..." sigaw ni Ivan. Tiningnan ko lang siya at binigyan ng tingin na nagsasabing "oh! Ano na? nasaan na yung hinihintay ko?". Sumimangot lang siya tapos humingang malalim.

"Please..." sabi ni Ivan with matching puppy dog eyes. Natulala naman ako dun kasi hindi ko akalaing gagawin niya nga yun at tsaka ang cute niya - este! Mukha siyang tae kapag ginagawa niya yun.

"Masaya ka na ba?" tanong ni Ivan sa akin with an annoyed and irritated look on his face.

"Oo na! Ito naman... Bakit ganyan yung mukha mo? Siya na nga tong itutor tapos..." sabi ko sa kanya.

"Ewan ko sayo! Magplano na nga lang tayo para sa project natin tapos mamayang uwian mo na lang ako itutor!" sigaw ni Ivan at mukhang iritang-irita pa rin yung mukha niya. Napikon siguro...

"Sungit naman nito!" sigaw ko. Investigatory project ang project namin sa Physics kaya naman naisipan namin ni Ivan na sa bahay na lang niya namin gagawin yung project. Medyo matagal-tagal din bago ko siya napapayag na sa bahay na lang niya namin gawin yung project pero buti na lang naging alas ko laban sa kanya yung pag-tutor ko sa kanya sa Physics.

Will's P.O.V

Lahat nung mga kaklase ko nasa kani-kanilang mga ka-partner na nila... ako? Heto... naka-upo sa upuan ko habang pinagmamasdan si Ash at Ivan na nag-uusap tungkol sa kanilang project. Haay... Ang ganda talaga ni Ash. Tangna! Ambaduy na nga ambading pa! Ganun talaga siguro kapag inlove... Nagtataka siguro kayo kung bakit mag-isa lang ako na walang ginagawa no? Kasi meron naman talaga dapat akong gagawin ang kaso nga lang wala kasi yung ka-partner ko si Beth. Oo, si Beth ang ka-partner ko. Gusto ko sana si Ash kaya lang nirequest na siya ng bestfriend ko. Okay lang naman ako kay Beth kasi isa naman yan sa mga kaibigan kong babae at tsaka kasundo ko naman yun pero syempre mas gusto kong maka-partner si Ash... crush ko eh! Napagisip-isip ko lang habang pinagmamasdan ko si Ash at Ivan... Paano kung magka-developan sila ngayon na magkaibigan na sila? Di ba ganun naman yung kadalasang nangyayari sa mga teleserye o sa mga story? Yung girl at yung boy magiging magkaibigan tapos unti-unti silang mahuhulog sa isa't isa. Oy! Teka! Hindi ako mahilig manood ng mga teleserye ha! Nakikita ko lang kasi mahilig manood ng mga teleserye si Mama... Mabalik na nga tayo... Kung ganon din naman ang mangyayari eh di pipigilan ko na yun ang mangyari kasi sa istorya na ito ako ang leading man at si Ash ang leading lady at kung sino mang Pontio Pilato o Judas ang magiging katunggali ko ay hinding-hindi ko aatrasan kahit pa mismong bestfriend ko na ang kalaban ko hindi pa rin ako aatras. Kaya naman mamayang uwian may plano ako at hindi ko na muna sasabihin kasi surprise yun. Basta ito ang tatandaan niyo... Akin lang si Ash! Akin lang...

Author's Note:

Yung nasa picture po ay ang babaeng pinaka-matino sa magkakabarkada si Kath... :)

Sa totoo lang po sabi kasi sakin ni Kath yan daw ang sabihin kong intro sa kanya para daw kahit papaano siya daw ang magmukhang normal sa barkada kahit naman hindi talaga - Author

Ehem! Anong sinabi mo? - Kath

Ah... eh... ano... - Author

Hala! Lagot ka Author! - Ashley

Dapat lang talaga yan sa kanya! Hindi ko pa rin siya mapapatawad sa kanyang ginawa! Huhuhu! - Chelsea

Tumigil ka na nga! - Author, Ashley at Kath

Hmp! Ganda na nga ng acting ko eh! - Chelsea

Wag niyo na po sila pansinin... mga panira ng moment eh! Naka-lagay na nga sa taas Author's Note pero nakiki-singit pa rin yung mga characters ko... tsk! tsk! - Author

Anong sabi mo Author?!? - Chelsea, Ashley at Kath

Ah... hehe... Ang sabi ko tatakbo na ako! Bye! - Author

My First... Enemy?!? [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now