Chapter 6

20 1 0
                                    

Lalaine Pov.

Ilang linggo lang makalipas ang unang araw ng pasukan ay todo na kami busy sa pag aaral. Actually recognition nga namin ngayon dahil sa mga Deans and President lister's. Ginawa ang venue ng recognition sa Theater Room ng school, halos sabay sabay na nga lahat ng course ngayon kaya halos wala kaming pasok sa ibang subjects namin.  Nagulat nga rin ako dahil si Tristan ay isa rin sa mga achiever na studyante, hindi nga halata sa kanya e. Akala ko puro pamemeste lang ang alam niyang gawin at maglandi.

"Congrats sa inyong dalawa Lalaine at Anton, keep it up." masayang bati sa amin ni Miss S.

"Thank you Miss S" sabay naming sabi ni Anton.

Habang nagkakasarapan kami sa kwentuhan nila Anton at Miss S, bigla naman sumulpot si Tristan, tsk! Badtrip naman itong isang to.

"Hi Miss S" masayang sabi ni Tristan kay Miss S, tsk for sure kinikilig lang ang gunggong na ito kay Miss S.

"Hello, Congrats rin pala sayo Tristan" bati sa kanya ni Miss S.

Bigla naman nag blush ang gago, pinaningkitan ko naman si Tristan. Adik nito pati Prof namin gusto yatang patusin!

"President Lister category A ka pala Tristan, nice job" pagpupuri muli ni Miss S sa kanya, bigla nalang tumawa si Tristan at kumamot sa kanyang batok.

Ang hilig talaga sumingit sa eksena nitong si Tristan! Yan tuloy sila na ang nag uusap ni Miss S.

"Hoy bakla, yang certificate mo baka mapunit mo dahil sa sobrang inis mo" bulong sa akin ni Anton habang paiiling iling siya.

Napatingin naman ako sa hawak ko certificate, fuck! Medyo lukot na rin ito sa itaas, shit kasi tong si Tristan.

Nagbuga nalang ako ng nakakairitang hangin.

"Selos ka ano?" bulong sa akin ni Anton, bigla naman akong napaangat ng tingin sa kanya at sinamaan ko siya ng tingin. Kapag ako nainis sasampalin ko na itong bestfriend ko. 

"Hindi no, tigilan mo ako Anton baka makakalimutan kong best friend kita" pangwawarning ko sa kanya.

"Heto naman napipikon kaagad" natatawa niyang sabi.

Teka nga, bakit ba andito pa kami sa tabi nila Miss S at Tristan ni hindi na nga nila pansin ang presence namin ni Anton dito e. 

"Alis na tayo" mabilis na sabi ko kay Anton, at hinawakan ko bigla ang pulsuhan niya ng bigla naman nagsalit muli si Miss S.

"Si Lalaine President Lister Category B." nakangiting sabi ni Miss S sa akin, "Proud talaga ako sa inyong mga studyante ko"

Ngumiti lang ako ng bahagya kay Miss S at nagpaalam na kami ni Anton. Bigla naman akong napatingin kay Tristan na todo ang ngisi, inikutan ko lang siya ng mata. Kainis to.

Nagpaalam na kami kay Miss S, dahil papasok pa niyang kami sa trabaho ni Anton.

Nang makalabas kami sa Theater room ni Anton ay hindi ko namalayan na nakasunod pala sa amin si Tristan sa likod namin, kaya pala yung mga babae na nakakasulobong namin ay medyo nagtitilian. Akala ko nagtitilian sila dahil sa kaibigan kong bakla, hindi naman pala.

"Lalaine" tawag sa akin ni Tristan ng sumabay siya sa paglalakad ko.

"Anong kailangan mo?" straight forward kong sabi sa kanya pero hindi ko siya nililingonan, daretso parin ako sa paglalakad ko at kasama ko parin ang bestfriend kong beki.

"I just want to say to you that congrats" 

Halos napahinto naman ako sa paglalakad maging sila Trista at Anton ay napahinto, bigla ko naman tinignan si Tristan, medyo namula siya dahil sa sinabi niya, or imagination ko lang ba ang pagmumula ng pisngi niya?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 24, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Best Of TimeWhere stories live. Discover now