Chapter 4

45 1 0
                                    

Lalaine Pov.

"Ano? Gusto ni Manager na maging bantay ka ni Dwight!" sigaw sa akin ni Anton ng makawento ko sa kanya ang pinag usapan namin ni Manager kanina.

"Oo bakla, sigaw pa usto." inis kong sabi sa kanya.

"Pasensya na, nagulat lang naman ako sa sinabi mo eh."

"At sabi pa nya kapag raw tinanggap ko ang offer niya, hindi ko na raw kailangan pumasok sa mcdo dahil mas doble o triple pa raw ang sasahurin ko." 

"Anong sabi mo?" tanong ni Anton

"Pag iisipin ko muna."

Sabay pa kaming napabuntong hininga ni Anton at nag abang na kami ng masasakyan sa may high way.

*****

"Anak anjan kana pala, halika't sabayan mo muna kami ng itay mo na kumain." pagyayaya sa akin ni Nanay.

"Nay sige tirhan niyo nalang po ako. Magbibihis na muna po muna ako"

"Sige anak" sagot naman ni Itay.

Habang nagbibihis ako hindi ko parin maiwasan na hindi maisip yung offer sa akin ni Manager, tanggapin ko na kaya? Tutal naman dodoblehin pa niya ang sahod ko pero ang iniisip ko lang naman baka sobra ako mastress kay Dwight!

Nasa ganong pag iisip ako ng biglang kumatok sa kwarto si Love ang kapatid ko.

"Ate bilisan mo raw magbihis diyan"

"Oo" sigaw ko sa kanya

Habang kumakain ako, bigla naman lumapit sa akin si Lucky.

"Ate"

"Ano yun Lucky?"

"Ang lalim kasi ng iniisip mo ate"

"Wala lang to. Sige na matulog ka na." 

"Sige ate, good night"

"Good night" ngumiti ako sa kapatid ko.

Binilisan ko nalang ang pagkain para hugasan ko narin ang mga plato.

Habang naghuhugas ako ng plato hindi ko parin maalis sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Manager. Tatanggapin ko ba o hindi?

Sayang naman kasi dahil malaki ang ipapasahod sa akin ni Manager ang kaso nga lang mukha mapapasubo ako sa anak niyang si Dwight. Argh! Hindi ko na tuloy alam.

Pagkatapos kong maghugas ng mga pinggan ay nagtimpla muna ako ng kape. Feeling ko kasi hindi ako makakatulog dahil sa sinabi ni Manager kanina.

"Ang lalim naman ng iniisip mo anak." salubong sa akin ni nanay sa may kusina.

"Nay gusto mong kape?" 

"Ayoko." 

Ngumiti ako sa kanya, kailangan kong sabihin kay Nanay ang offer ni Manager sa akin para alam ko kung kailangan ko bang tanggapin ang offer ni manager o hindi.

"Nay, may sasabihin po ako sa inyo."

"Ano yun anak?"

"Gusto po kasi ng manager namin na maging personal maid ako ng anak niya. Dahil sakit kasi sa ulo ngayon yung anak niya. Ang sabi pa nga sa akin ni Manager dodoblehin pa niya ang sahod ko na nakukuha sa mcdo once na tinanggap ko po ang offer niya sa akin."

Bigla naman kumunot ang noo ni nanay. "Ilang taon na ba ang anak ng manager niyo?"

"Kasing edad ko lang po nay."

"Ano!" gulat na sabi ni Nanay. Natawa ako sa kanya. 

"Bakit nay nagulat ka?"

"Ang akala ko 7 years old ang babantayan mo."

Best Of TimeWhere stories live. Discover now