Chapter 1

33 1 0
                                    

Lalaine Pov.

"Anak, dalhin mo na nga itong mga gulay sa may kariton natin at tayo ay maglalako na" utos sa akin ni Nanay habang kinukuha ko ang timbangan sa may sahig namin.

"Opo nay"

Kinuha ko ang mga repolyo, kangkong, gabi sa may lamesa. Napatingin ako sa orasan ay 6:30 na pala ng umaga.

"Nay ako nalang po ang mag tinda ng gulay, kaya ko naman po eh." 

"Nako anak, ano kaba. Tutulungan na kita. Dapat nga ako nalang ang nag titinda nito dahil hindi mo na kailangan gawin ito." sagot sa akin ni Nanay.

"Nay wag na po, dapat nga po kayo ang magpahinga eh." 

"Malakas pa ako anak" pamimilit sa akin ni nanay.

"Nay naman eh" pagdadabog ko sa kanya. "ayoko lang po kayong nakikita na napapagod"

"Nako anak, okay lang nga sabi ako eh" nagthumbs up pa sa akin si nanay. Napabuntong hininga nalang ako dahil sa sinabi ni Nanay. "Halika na anak at ilako na natin itong mga gulay para kaagad maubos"

"Sige po nay"

Habang tinutulak namin ang kariton na paninda namin ng gulay ni Nanay, ay sabay din kaming sumisigaw ng 'Gulay kayo diyan!'

"Mga suki gulay kayo diyan" sigaw ko habang naglalako kami ni Nanay. Sana naman maubos kaagad itong mga paninda namin.

"Aling Luz, pabili naman po ng isang kilo ng kamatis" sabi sa amin ni Ate Beng.

"Ang dami naman pong kamatis ang kakailangan niyo Ate Beng?" tanong ko sa kanya habang kinikilo ko ang mga kamatis.

"Kailangan lang kasi para doon sa lulutuin kong ulam, at pabili narin ako ng 5 bawang at 5 sibuyas."

"Sige Beng" sagot naman ni Nanay kay Ate Beng.

"Magkano lahat ng ito lalaine?"

"45 pesos po. Mahal po kasi ang gulay ngayon Ate Beng" 

"Sige, oh eto na ang bayad" 

"Maraming salamat Beng" 

"Wala yun Aling Luz, sige pasok na ako sa loob. Maubos sana yang paninda ninyo."

"Sana nga po Ate Beng" nakangiti kong sabi kay Ate Beng.

Sinimulan na naming tinulak ni Nanay ang kariton namin upang ilako ang mga gulay na paninda namin. 

"Ale pabili nga po ng kangkong, sibuyas at kalahating kilo ng sampalok" sabi sa amin ng babae.

Kinilo ko ang sampalok habang si Nanay naman ay nakikipag kwentuhan sa bumibili.

"Ang swerte niyo naman po diyan sa anak niyo. Maganda na masipag pa"

"Ay oo nga eh, napakaswerte ko talaga sa batang yan. Working student rin kasi siya"

Hindi ko alam kung bakit namula ang mukha ko at nahiya narin ako. Hindi kasi ako sanay sa mga complement ng mga tao sa akin.

"Eto na po. 50 pesos po lahat" sabay abot sa biniling gulay ng babae.

"Eto ang bayad hija"

"Salamat po" binigay ko kay Nanay ang pera na binayad ng ale sa akin.

"Working student ka pala no? Saan ka nag tatrabaho?"

"Opo, sa isang fast food chain po."

"Saan?"

"Sa mcdo po"

"Ah, ang swerte ng mga magulang mo sayo hija."

Nginitian ko lang siya sa sinabi niya. "Hindi po, ako po ang maswerte dahil sila po ang mga magulang ko." Sabay tingin ko kay Nanay.

Best Of TimeWhere stories live. Discover now