Chapter 5

16 1 0
                                    

Lalaine Pov.

Mabilis lang lumipas ang mga araw at pasukan na namin. Atlast forth year students narin kami ni Anton.

"Lalaine!" malakas na sigaw ni Anton ng makapasok ako sa room namin. 

Halos pinanlakihan ko lang siya ng mata dahil sa napaka ingay ng baklang to keaga aga! Buti nalang at iilan palang ang tao dito sa room namin, hindi familiar sa akin ang mga mukha ng mga kaklase ko ngayong sem. Dahil marami rin kasi ang mga nag eenroll sa university na pinapasukan ko.

"Lalaine, kumuha tayo ng copy of grades sa may registrar office ah? Sayang kasi ang discount natin dahil sa pagiging dean's Lister ko at pagiging President Lister mo."

"Oo bakla, sayang din yon." sambit ko sa kanya.

"Candidate kana ba for Cumlaude?" tanong sa akin ni Anton.

"Hindi ko alam bakla, dahil marami pa naman magagaling sa course natin eh."

Hindi na sumagot si Anton at nagfocus nalang siya sa phone niya.

Napatingin naman ako sa relo ko at malapit ng mag 8 am. 

Ano kaya ang itsura ng teacher namin? Major subject pa naman ang first subject namin. Sana hindi siya masngit.

Halos dumarami narin kami sa loob ng room at ang iba ay familiar na sa akin dahil naging classmates ko na sila past sem.

"Good morning class." sabi sa amin ng Prof namin. Maganda siya, parang nasa mid twenties palang siya. Sobrang sexy niya, ang puti pa niya ang ang tuwid at napaka haba pa ng buhok niya.

Halos lahat kami ay hindi nakasagot sa kanya, dahil nakanganga lang kami sa kagandahan niya.

"Class?" sambit niya muli sa amin.

Hindi parin kami sumasagot.

Maging ang bakla kong bestfriend ay hindi rin sumasagot. Titig na titig lang kami sa Prof. namin. Bahagya naman siyang natawa sa amin.

"Ang ganda niya brad!" mahinang sabi ng kaklase ko.
"Oo nga brad."
"Ang ganda ni Ma'am"

Blahblahblah.. Ang dami pang sinasabi ng mga kaklase ko, shit. Bakit ba napakaganda ng Prof namin ngayon? Feeling ko nga magiging tomboy ako nito eh. Joke!

"Okay class, Im Stefany Alvaro" pagpapakilala niya sa amin. "You can call me Miss S"

"Hi Miss S" sabay sabay naming sabi kay Miss S, ang ganda niya at may hawig rin siya kay Toni Gonzaga, siguro naman lahat ng magiging studyante ni Miss S ay sisipagin ng pumasok at buti nalang ay siya ang first subject namin.

Habang sinasabi ni Miss S ang rules and regulations niya about sa subject namin sa kanya ay bigla naman pumasok ang isang lalake. Hindi ko napansin ang mukha niya dahil naka bull cup siya at shades. Tsk! Ang bastos naman nito.

"Good morning ma'am" nakangiting bati ng lalake.

Teka nga familiar ang boses na yun ah, mabilis na inalis ng lalake ang kanyang cup at shades. Takte sabi na e! Kaya familiar ang boses niya dahil si Tristan Sison lang pala. Shit ano to classmate ko siya? Argh!

"Okay so you're Tristan Sison?" tanong ni Miss S sa kanya.

"Yes ma'am." nakangiting sabi ng gago. Tsk! Ang landi naman nitong si Tristan. Sampalin ko pa siya e.

Halos tumahimik nga ang buong classroom at sa kanila na nakatuon ang pansin ng mga kaklase ko. Maging itong si Anton ay tila naaamaze sa dalawa.

Bigla kong sinipa ang upuan sa may harapan ko at tila nakuha naman nila ang atensyon ko. Bigla naman napatingin sa akin si Miss S na tila nagtataka at napatingin naman sa akin si Tristan na nakangisi. Nagpeace sign naman ako sa kanila.

Best Of TimeWhere stories live. Discover now