Twenty

158K 3.5K 944
                                    

Lutang pa ako habang naglalakad papasok sa classroom. Magkasabay kaming pumasok kanina ni Josh pero wala akong naintindihan sa mga kwento niya. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ni Xander at sa itinawag niya sa akin. Hinalikan niya ba talaga ako at tinawag na 'my Michaela'? OMG, paano ko siya pakikiharapan ngayon?

Naroon na si Xander sa upuan niya pagkarating ko. Hindi ko siya tinignan at tuluy-tuloy lang na naglakad papunta sa upuan ko na katabi ng upuan niya. Nakikita ko sa gilid ng mata ko na sinusundan niya ako ng tingin. Ako naman, pinipigilan ko ang sarili ko na salubungin ang tingin niya.

Walang umiimik sa amin nang makaupo na ako. Para bang nagkaroon ng invisible wall sa pagitan namin.

"Mica! May pagkain ka ba d'yan?" si Claire.

"Uh... wala e."

Sumimangot siya at bumaling kay Xander. "Oy, Xander! May pagkain ka ba d'yan? 'Wag mong sabihing wala! Hindi ako maniniwala!"

"Wala," simpleng sagot ni Xander.

"Pahingi naman!" ani Claire at akmang kukunin ang bag ni Xander.

Iniiwas agad ni Xander ang bag niya at inilabas ang isang cheese cake. Nagulat ako ng ilagay niya 'yun sa kamay ko. Kunot noong tinignan ko si Xander at pagkatapos e kay Claire.

"Akin na lang!" aagawin sana ni Claire sa kamay ko 'yung cheese cake pero bigla kong iniwas 'yun sa kamay niya nang hindi ko alam kung bakit. Siguro instinct 'yung kaya hindi ko hinayaang maagaw niya 'yung pagkain.

"Sa kanya 'yan. Bumili ka ng sa'yo," ani Xander pagkuwan.

"Pahingeeeee!" pagma-makaawa ni Claire sa akin. "Nagugutom na ako," aniya nag-puppy dog eyes pa.

Natatawa ako sa hitsura ni Claire at medyo naaawa na rin. Mukha kasing gutom talaga siya. Iaabot ko na sana 'yung cheese cake sa kanya nang pigilan ni Xander ang kamay ko.

"Dinala ko 'yan para sa kanya tapos bituka mo lang ang makikinabang? Bumili ka sa cafeteria."

Pakiramdam ko ay namula 'yung pisngi ko sa sinabi niya. Kahit na deretso lang 'yung tono ng boses niya, pakiramdam ko ang sweet ng pagkakasabi niya nung 'dinala ko 'yan para sa kanya'. Pinigilan ko ang sarili kong mapangiti ng malapad at tinitigan ang palapulsuhan kong hawak ni Xander.

"Ang sama mo! Para kang hindi pinsan! Ajujuju." Parang batang kunwari na kinusot ni Claire ang mga mata niya gamit ang nakayukom niyang mga kamay.

Pero ano raw ang sabi niya? Magpinsan sila?!

"Nagiging magpinsan lang naman tayo 'pag gutom ka," sabi pa ni Xander.

"Grabe! Hindi ko kaya kinakalimutang pinsan ng asawa ng tiyahin ng lola ng kapatid ng kalaguyo ng kapitbahay ng Mama ko ang Mama mo!"

Err, anudaw?!

Iwinasiwas ni Xander ang kamay niya na parang sinasabing 'whatever' tapos yumuko sa libro niya at nagbasa.

"Uhm, hati na lang tayo," sabi ko kay Claire.

Lumiwanag naman ang mukha niya at hinawakan ako sa magkabilang pisngi. "Hulog ka talaga ng langit Mica!" aniya saka kinuha ang cheese cake sa kamay ko at siya na mismo ang nagbukas. Hinati niya 'yun sa dalawa at kinuha ang isa(yung mas malaking hati).

"Thank you!" ani Claire saka bumalik sa upuan niya.

Bumaling naman ako kay Xander habang kumakain na ng bigay niya kahit na busog pa ako. Bukas na rin naman kasi 'yun at hindi maayos 'yung pagkakabukas ni Claire kaya mahirap nang itago ulit. Masyado atang excited sa pagkain.

"Pinsan mo si Claire?" tanong ko.

Nagkibit balikat lang siya at nagpatuloy sa pagbabasa.

"Paano? Pinsan ng asawa ng—kung ano mang kasunod nun ba talaga?"

My Poker-Faced GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon