Twenty Three

139K 2.7K 333
                                    

Naghihintay lang sa akin si Xander pagkalabas ko ng CR. Hindi naman siya nagreklamo kung medyo natagalan ako. Hindi rin kasi agad ako nakalabas nang maka-alis si Gen. Naguguluhan ako sa mga sinabi niya. Sino ba kasi si Shan?

Gusto ko na sanang itanong kay Xander kung sino ang babaeng 'yun. Pero hindi ko magawa. Para kasing natatakot ako sa kung ano mang isasagot niya. Natatakot akong hindi maganda ang malalaman ko. Bago pa lang kami ni Xander at ayoko namang ma-spoil ang magandang simula namin ng dahil lang sa mga sinabi ni Gen.

Dahil malalim ang iniisip ko ay hindi ko napansin na sa ibang daan pala kami papunta ni Xander. Imbis na sa bahay ay papunta sa kanila ang dinaraanan ng jeep. Kunot noong tinignan ko siya sa nagtatanong na mga mata.

"Sa bahay ka na maghapunan. Ipapakilala kita kay Papa," aniya.

Lalong kumunot ang noo ko. Ano bang sinasabi niya e nagkakilala na kami ng Papa niya? Ilang beses na rin kaya akong nagpunta sa bahay nila. Medyo close pa nga kami e.

"Ipapakilala kitang girlfriend ko," kapagkuwan e sabi niya.

Napangiti na lang ako sa tabi at sumilip sa labas ng jeep. Simple lang 'yung sinabi niya pero sobrang saya ng puso ko. Kahit kailan ay hindi ko pa ito naramdaman. Kahit sa naging huling ex ko na inayakan ko ng sobra, wala akong naranasang ganitong klase ng saya.

Nakaakbay pa sa akin si Xander nang dumating kami sa kanila. Alas-sais pa lang ng hapon kaya naman nagluluto pa ang Papa niya. Naka-apron pa ito nang pagbuksan kami ng gate.

"O, Mica hija! Tamang-tama, nagiihaw ako ng barbeque. Pasok!"

Naghintay akong pansinin ni Tito Alex 'yung pagkaka-akbay sa akin ni Xander pero hindi 'yun nangyari. Bumalik lang siya sa likod bahay at nagpatuloy sa pag-iihaw.

Pagkapasok namin sa loob ay nasa sala ang Ate ni Xander. Natuwa ako sa pagkakataong 'to dahil nginitian niya ako. Hindi tulad noong una kaming nagkabangga na tinarayan ako. Buti na lang, mukhang good mood siya.

"Ate, paki-tawag na lang kami 'pag kakain na. Sa kwarto lang kami," ani Xander.

"Okay," sabi ng Ate niya.

Parang nahiya ako bigla. Hindi na kasi kami simpleng magkaklase lang tapos papasok ako sa kwarto niya. Call me modest pero 'di ba parang ang sagwa namang tignan? Hinila ko 'yung braso niya kaya napatigil siya sa pag-akyat sa hagdan.

"Bakit?" tanong ni Xander.

"Uhm, sa garden na lang tayo tumambay," sabi ko.

Napatingin siya sa taas sa bandang pinto ng kwarto niya saka tumango. Hindi na siya nagsalita at humawak na lang sa beywang ko saka ako inalalayan papunta sa garden. Naupo kami sa bench na naroon.

Tahimik lang kami habang nakaupo. Mayamaya ay humiga siya at iniunan ang ulo niya sa mga hita ko. Hinawakan niya ang isang kamay ko. Nagulat na lang ako ng bigla siyang tumikhim at nagsimulang kumanta.


And I'd give up forever to touch you
'Cause I know that you feel me somehow
You're the closest to heaven that I'll ever be
And I don't want to go home right now

Nakatitig lang ako sa mukha niya habang nakapikit na kumakanta siya.


And all I can taste is this moment
And all I can breathe is your life
'Cause sooner or later it's over
I just don't want to miss you tonight

And I don't want the world to see me
'Cause I don't think that they'd understand
When everything's meant to be broken
I just want you to know who I am

My Poker-Faced GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon