32

5.7K 74 4
                                    

Toni's Pov

Wow. Nakailang Pov na ako.

Writer saan ang talent fee ko? Haha. Joke lang. Baka patayin mo ako sa story. Igagawan mo pa naman ata ako ng sarili ko.

Writer ayusin mo yung story ko ha?!

^_^


So, ano ang purpose ni writer at my pov ako?

Kasi ganito yun......

*********************


Anong oras nag nagaalala na ako kay hanna wala pa siya kahapon pa siyang di umuuwi. Buti off ko nagyon mahihintay ko siya. Kahit naman busy ako sa paglalandi eh naaalala ko parin ang kapatid ko.

Kilala ko si hanna. Kahit hindi niya sinasabi alam ko ang laman ng isip nya. Kahit na baguhin nya ang porma nya si Hanna parin siya na may malabot na puso.Ilang bwan ko siyang sinamahan sa pag iyak nya at pagbangon. At ilang beses ko siyang tinabihang matulog dahil nagkakaroon siya lage ng bad dreams. Ilang beses ko na din tiniis ang yakap nya saakin at kiss pag natutulog. Akala nya ako si shane. Eewness diba?

Bakit tumagal ng ilang months na wala akong ginagawa sakanila para mag ayos? Kasi naman sinubukan kong tawagan si Shane kaso hindi ko macontact. Hinahanap ko din siya sa office pero wala na siya. Hinanap ko yung kinalolokohan nya wala na din. Nagresign daw. So ang dating sakin eh masaya na sila. Hindi ko yun sinabi kay hanna kasi lalo siyang masasaktan.

Pero sa kabila ng pagbabago ni Shane dati parang may mali. Ang pagkakakilala ko kay Shane hindi nya magagawang halikan ang kahit sinong babae sa madaming tao. Si hanna nga hindi nya pa hinalikan sa harap ko. Napaka imposible talaga. Ayaw ni shane ng PDA. Hmm! Di ko alam.

Busy naman ako sa Jowa ko at sa work kaya ko siya magawang puntahan. At hindi ko lang alam kung dun pa siya nakatira. Hindi ako nagdadahilan no! Yun yon talaga promise! Honest to!. :-D


Ah wait lang!

Nagriring na yung phone nya. Kakausapin ko lang si hanna. San kaya napadpad ang babaeng to. Ang tagal sumagot! Tsk!

Eto na...

Ako: hanna alexandra lopez! Nasan ka na??? Bakit di ka umuwi nag aalala na ako sayo!!! Iyak ng iyak si oreo! Asan ka na ba? Kahit sana magpasabi ka lang diba?!

KungSino: hello? Yes? Sorry ha? Hindi makakauwi si babe.. We're busy.

Ano daw? Sino naman ang babaeng to? Boses nangaakit! Badtrip asan yung kaibigan ko??

Ako: at sino ka naman??!!

Kungsino: sikret.

Wow makasikret wagas! Sarap bangasan.

Ako: gagu! Wag mo gagalawin ang bessy ko! Lagot ka sa babe nya!

Para saakin si shane padin ang bagay sa besy ko walang iba.

Kungsino: hmmm sinong babe nya?

Abay pakealamera pa. Kapag init ng ulo.

Ako: wala kang pake. Ibalik mo ang bessy ko!

Tapos bigla ba naman tumawa ng malakas. Nabosesan ko. Di nga?!

Si shane yun? Kilala ko yung tawang yun? At magkasama sila kahapon pa? Nagugulat ako sa nangyayare.

Ako: shane??!

Shane: yup. Oa mo. Musta tol? Haha.

Ako: siraulo ka. Wow. Anong meron?

true love has no gender(lesbian romance,sex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon