27

5.6K 77 7
                                    


Shane

Ano ba naman ito. Nakailang ikot na ako sa kama. Nailang bangon na ako pero hindi ako makatulog.

Last song syndrome  ang abot ko sa kanta. Ulit ulit sa utak ko.Nabigyan ako ng pag asa. Masaya na ako dun. Malay  mo my chance.

Kasama ko pa sa office si babe.  Nakakainis lang dahil ngayon ko lang pinansin yung memory card na yun. Baka napagod na siya nag hihintay. Bakit ba kasi hindi ko pinakinggan agad yun? Hay. Tapos na. Bahala na nga!Gagawin ko lahat bumalik lang ang pinakamamahal ko.

So anong plano? Ewan ko. Wala pa akong plano. Hays. Tinignan ko yung phone para magconcentrate. Haha. Makakapag concentrate nga ako pag nakita ko itong mukha ni hanna na wallpaper ko na parang nakangiti saakin. Kahit kelan hindi ko naisipang palitan. Nakipagtitigan ako sa selfie picture nya. At kinausap siya.

"hey babe. Pano ka magiging akin ulit? Panong hindi kita makikilala kanina? Suot mo yung favorite jacket ko na hiningi mo at wala akong magawa nagpacute ka na. Anyway ano ibig sabihin nun? May chance pa ba ako sayo? Sumagot ka naman please. I want to win you back. Miss na miss na kita. Sagot!"

Hay..sabi ko nga picture lang kaya ayaw sumagot.

Isip....

Isip.........

Ting!

Aha!

Wait for me babe. Alam ko na kung papano. Hahahahahaha (evil laugh ang peg)

Pinilit kong matulog para sana may energy ako at hindi mukhang ngarag. Pero paikot-ikot padin ako sa kama. Naeexcite ako na kinakabahan. Gusto ko na pumasok. Hindi ko alam kung may chance pero alam mo yun? Kesa naman umaasa padin ako ng matagal na panahon. Kung ayaw nya na saakin tutuldukan ko na ang lahat at magmomove on. Pero ayoko isipin yun. Wala pa ako ginagawa nega na agad? Hays..

Kaylangan ko ng matulog talaga. Para maganda ako mamaya.Eh ayaw talaga kanina pa nakapikit ang mata ko. Nakatakip pa yung unan sa ulo ko kaso yung utak ko kung ano ano ang iniisip tungkol sa taong mahal ko. Hay nako. Hindi na nga ako matutulog. Hihiga nalang para maipahinga ang katawan ko.

zZZZZZzzzzz (-_-)zzzzzzz..

Ring!!!!!!Ow syiet! Nakatulog pala ako. Di ko namalayan. Buti nakaset ang alarm ng cp ko. Late na ako nakasleep eh. Kung hindi nakaalarm malaman orlok padin ako.

Ang bilis ko nga bumangon ngayon dati mga 30 mins pa ako magpapagising tapos tatayo na ako ngayon nakatayo na. Pumasok na ako sa banyo at naligo. Tapos pag labas ko nagbihis na din. Nagmamadali ako eh. Ay hindi pa ako kumakaen. Kinuha ko yung apple at kinaen ng mabilis nag tootbrush at nag paganda at nagpabango..

"okay shane. You can do this!" i convinced myself.

Pag labas napatingin ako sa motor na binigay nya saakin. Hindi ko pa ginamit ito mula noon. Siguro saka nalang pag okay na kame. Hays.. (Fingers cross) sana.

Dapat maaga ako. Magreresearch pa ako tungkol sakanya eh.Sumakay na ako ng buss. Medyo malayo ng konte kasi yung Mandaluyong Site sa tinitirahan ko. Gabi naman kaya walang traffic.

Nakakainip lang magbyahe. Ilang ulit ayko napapatingin sa cp ko para tignan ang time. My watch ako pero bet ko sa phone. Nasisilayan ko kasi inspirasyon ko eh.

Makalipas ang tatlong baba't  akyat ni manong kundukto para magtawag ng pasahero eh isang liko nalang nasa Office na ako.At yun na nga. Nandito na ako.

Nagmadali na ako pumasok with my most gorgeous smile.

"hey grace! Good morning!"(morning kasi umpisa ng araw ng call center ang gabi. Getching?)

true love has no gender(lesbian romance,sex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon