title

6.1K 66 2
                                    

Hanna's Pov

Ayoko sanang sumama sa team building namin pero kaylangan eh. Bayad na nga kasi nasali na sa tuition namin.

Ansabi ni writer?

We! Kunware ka pa alam ko naman na gusto mo bantayan si Shane kay Toni

Hui! Writer hindi ah. Tinatamad nga ako pumunta kaso sayang din 1500 din kaya ang bayad!

So yun nga. Maaga ako sa meeting place. Para maiba lang naman try ko din ang maaga. Nakaupo lang ako sa isang sulok. Hinatid ako ni Mark sa meeting place at.hihintayin nya daw ako makasakay. Araw araw na nga kame magkasama eh mamimiss nya daw ako. Grabe

2 nights lang naman. Nabigla ako nung hinalikan nya ako sa cheek. Nakakahiya kasi eh. Kadame baka makita ako ng mga classmates ko ano pa ang isipin.  Pero pinilit kong ngumiti baka kasi masaktan ko siya.

Dumating na yung bus. Ayoko sana mahuli sumakay para makapili ako ng upuan ko. Ayaw naman ni mark na umalis ako agad kasi  hinhintay pa ang prof namin. Nung dumating na yung hinihintay nagpaalam na ako. Niyakap ko siya. Sumakay na ng bus. Akala ko wala na ako uupuan kasi naman huli na nga yung prof namin may upuan na nakareserve para sa kanya. Naglakad ako papasok at may nakita akong bakante.

Kinabahan ako nung nakita ko na magkatabi si Toni at Shane. Si toni nakakapit pa ng parang tuko kay shane. Pag lapit ko nag salita ako ng naiinis.

Bakit kasi sa dami ng upuan yun pa ang bakante!

Ehem. Pausog naman oh.

Umusog sila. Dedma lang nila ako at nag usap lang sila. Nakakainis ah. Hindi alam kung bakit. Umupo na ako. Medyo masikip. Tapos nakakaasar yung toni. Picture daw sila at kunan ko daw sila! Wow kapal nila ah.

Nagcalm down ako at nag pakaplastic na smile.

Sure! Sabi ko. At kinunan ko sila.

Naiinis ako kaya ang ginawa ko tinext ko nalang si Mark. Medyo tinamaan na ako nga antok pagkalipas ang mga ilang minuto. Hindi kasi ako masyado nakakatulog eh. Tagal na. Putol putol ang tulog ko.

Sinandal ko ang ulo sa upuan. At nakatulog ako. Hindi ko na namalayan ang mga nangyare. hindi putol ang tulog ko ngayon nagising lang ako nung malapit na. Nagulat ako kasi nakasandal na ako kay shane at yung jacket nya nakakumot sa akin.

Nagsorry ako at nagpasalamat. Grabe nakakahiya yun kaya patay malisya na ako. Buti nalang nauna ako magising kay toni.

Pag baba namen lumayo ako para tawagan si mark sabihin ko na nakarating na ako.

Tapos nagtawag na yung President namin.

Nakinig ako sa groupings! Kagroup ko daw si shane at toni. Grabe parang planado bakit puro kame ang magkasama? Sa una naiinis ako pero natutuwa din ako kahit papano. 

Ansabe ni writer?

See? Natutuwa siya kasi makakasama niya si hanna. Denial pa siya. Haha

Pumasok kame sa room. Iisa lang ang kama. Malamang si shane nalang dun. Okay na akl sa sofa.

Tinawag na kame para kumaen. Wala ako gana eh. Sa sulok lang ako.

Nilapitan ako ni shane at binigyan ng pagkaen at inumin. Kaso ayoko talaga kumain Pinipilit ko lang.

Tapos bigla siya nagsalita.

Hmm. Hindi ka ganyan kumain diba? Sabi nya.

Tumigil akong kumain. Bakit nya pa ako nilalapitan eh wala na nga kame!? Sana lang tumigil na siya. Lalo ako nahihirapan sa ginagawa nya. Nagmomove on na ako.

Pwede ba tama na! Alam ko naman hindi ka concern! Puro ka paasa! Sabi ko at lumayo ako. Nagsindi ako ng yosi nakakastress kasi sya eh!

Nagstart na nga kame sa seminar. Kj mode ako ngayon laya sa dulo lang ako pag may mga ice breaker. Hay. Sana hindi na ako sumama.

true love has no gender(lesbian romance,sex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon