14

5K 64 5
                                    

Rewind

Shane's Pov

After ng lunch namin ni Ms. Mendez hindi na siya nawala sa isip ko. Natutuwa kasi ako sakanya at bago ito saakin.

Nasundan pa ng sunod sunod na lunch at pag kain sa labas at gala. Kaya naging malapit na din kame sa isat isa. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pag kasama ko si Carl at ailene. Parang nakawala ako sa hawla at nagagawa ko ang gusto ko na walang nagbabawal.Wala naman kasi akong masamahan na iba. Ang schedule kasi namin closing na. Kamin nalang sa floor ang natitira. 22 lang kame sa team at iba ang sched ng iba. Halos 6 nalang kame sa office pag umabot na ng 9am. Nagsisipag uwian na ang lahat. Konti na din ang mga calls na pumapasok noon. Halos isa lang sa isang oras. Gabi na kasi sa US nun. Kaya like ko na ang schedule ko. Petiks kasi ng bongga eh.

Nalaman ko din na parehas pala kame ni Ms. Mendez ng schedule kaya wala akong choice kasi kakaladkarin daw nila ako pag di ako sumama sa gimikan pag katapos umuwi.

Guilt ang nararamdaman ko dahil natututo na ako magsinungaling sa babe ko. Na hindi nya naman deserve. Kaya minsan parang naiilang ako kausapin siya. Hindi ko kasi alam ang isasagot ko pag nagtatanong siya eh.

Napansin ko din nga na minsan mainitin na din ang ulo ko at parang nagbago na ako sakanya.

Naiinis din ako sa sarili ko at bakit ganito ako ngayon. Pinipilit ko naman umayos pero parang may nagbago. Nawala yung nararamdamang kong sparks pag nakikita ko si hanna. Maybe dahil matagal na kame or dahil lage kame magkasama. Pero alam ko naman sa sarili ko na mahal ko padin siya at ayoko siyang mawala.

May bigla sumulpot sa likod ko sinandal nya yung kamay nya sa desk at tinitigan ako.

Ailene: you dont have a call. Bakit parang ang lalim ng iniisip mo? Naduduling ka na dahil nakatitig ka na sa monitor.

Ako: shoot. Nagulat ako Ailene. Akala ko kung sino. Diba bawal ang tagalog? At ikaw ang english police?

Ailene: haha. Sira! Tayo tayo nalang sa floor. Kahit magsigawan tayo ng tagalog wala okay lang eh. Haha.

Katabi ko si Carl.

Carl: ehem ehem. Wag kayo dito maglandian. Nagseselos ako. Haha nandito pa ako oh.

Ako: sira ka talaga Carl. Sumali ka sa thats my tomboy susuportahan ka namin. Haha

carl: ayoko nga. Pagkaguluhan pa ako. Haha,

ailene: hindi ka din makapal no?!

Ako: tama!

Carl: tsk. Over qualified nga ako eh. Teka san tayo mamaya?

Ailene: kasama ka ba? Haha. Sa condo ko. Shot tayo.

Ako: woow. Sorry pass muna ako. Kaylangan ko umuwi ng maaga.

Carl: eto naman. kJ.

Lumapit si Carl saakin at bumulong

"wala makakaalam. Sabihin mo sa gf mo my OT"

natahimik ako at napaisip. Namimiss ko na din naman ang babe ko. Lage nalang ako gala. Hindi ko na sya nahahatid pag gabi dahil antok na antok na ako.

Ailene: pleaseeee??? Sama ka na.

Nagpacute sa akin ng nakakaewan kaya di ako nakatanggi.

Ako: okay okay! Pero 1 hr lang ha?

Ailene: okay lang kesa naman sa wala.

Pagkatapos ng work nagpunta na kame sa condo ni Miss Mendez.

Ailene: ano gusto nyo guys? Eto oh eto?

Hawak nya yung mga alak.

Ako:Hindi po ako iinom! Pls lang. Baka mahilo ako pauwi. Samahan ko nalang kayo. Pag pagod ako matatamaan ako agad!

Ailene: nako. Ang arte. Problema ba yun? Di dito ka na matulog.

Ako: hindi pwede. Uuwi ako.

Ailene: wow. Katakot ka naman. Haha. Okay sabi mo eh.

Pinanood ko lang sila uminom. Tahimik lang ako. Nung nakalahati na nila ang Margarita nakalahati ko na din lahat ng pulutan.

Wala ako ibang mapagbuntunan eh. Nag aalala kasi ako. Baka naghihintay na ang babe ko. Hindi naman ako pwede magtetxt kasi malalaman nya na hindi ako nagtatrabaho. Bawal kasi mag dala ng cp eh. Nasa locker ang cp namin pag sa work.

Ako: hey guys. Ill go a head.

Ailene: ang aga pa. Dito ka muna. Kj mo.

Lumapit siya lalo saakin. Ang sikip.

Ako: Ailene. Ang luwag ng upuan. Umusog ka nga dun.

Ailene: ang taray mo. Teka hindi ko nasabi agad.

Ako: ano yun?

Nilapit nya ang mukha nya at tinitigan ako sa mata,

naiilang ako..

Ailene: bagay mo pala walang salamin. At bagay mo ang brown eyes.

Ako: wew. Akala ko ano na. Haha.

Ailene: bakit may naiisip ka pa ba na sasabihin ko? Hehe.

Ako: wala. Haha.

Carl: wow. Gusto ko nakikita ko. Haha. Ang sweet nyo. Bagay kayo, hehe.

Ako: sira ka talaga. Pag kaibigan. Kaibigan lang. Period!

Ailene: aw. Talaga? Ganon lang ako? Hmm?

Ako: bakit ano pa nga ba?

Ailene: eh pano kung gawin ko to?

Kumandong siya saakin. Nabigla ako hindi ako makagalaw. Tapos hinalikan nya ako sa labi. Natikman ko ang lasa ng alak at naamoy ko ang mabango nyang hininga at naramdaman ko ang napakalambot na lips nya. Yung pakiramdam ng una ko hinalikan si Hanna. Yun ang naramdaman ko. Pero mas magaling siya humalik. Nawala ako sa sarili ko for 10 seconds.

Ako: oh shit! This is not good!

Tinula ko siya at umalis lumayas na.

Habang naglalakad napaiyak ako. Ang bad ko. Anong ginagawa ko sa sarili ko?

Hindi mawala sa isip ko yung halik nya at yung pleasure na naramdaman ko habang magkadikit ang labi namin.

I feel so guilty kay hanna.

Pag dating sa bahay.

Tsk. Gising pa siya.

Ako: sabi ko naman wag mo na ako hinihintay diba? Ang tigas ng ulo mo eh. Napapagod ka na napupuyat ka pa. Hayy.

Yun lang ang way ko para maitago ang nararamdaman ko. Iniwas ko ang mata ko na makita nya dahil malalaman nyang umiyak ako. At magtatanong yun ng madami.

Naligo na ako at nahiga na sa kama. Kunware galit ako sakanya para hindi nya ako kausapin. Iwas pag sisinungaling at iwas intriga na din.

Nakasilent ang Cp ko at pagka tingin ko ang daming txt at miscol from ailene.

Nakapikit lang ako at nag pretens na tulog pero iniisip ko padin yung nangyare.

I know Its wrong pero I cant stop myself thinking about it at natutuwa ako. Hayy. Mahirap tanggihan ang tukso lalo na kung tulad nya.

true love has no gender(lesbian romance,sex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon