06 | Meet Candy Tsiu

35 7 0
                                    

CHAPTER 6: Meet Candy Tsiu 😘

* * * * *

(Charmee Napkin's POV)

"NANAY KONG PANGET SUNDUIN MO NA KO!" sigaw ko sa kabila ng pagtakbo.

Oh Lord, help me po! Papalapit na talaga sa'kin 'yung multo.

Nararamdaman ko na sila. Huhu! Kunin mo nalang ako Lord as in, NOW NA!

Ayokong maka face to face yung multo. Huhu! Baka ma-starstruck siya sa'kin tapos yayain akong magselfie. Ayoko! Huhuhu!

"RUN FASTER OFFICERS! WE NEED TO GET HER!" sigaw na umalingaw-ngaw sa buong campus.

Saan ba galing 'yun?

Napatingin ako sa maliliit na mukhang speaker na nakadikit sa bawat sulok yata ng university.

Yemen telege mey eshpeker se bewet selek. *0*

Sarap iuwi ng isa nito sa bahay namin ah ng madagdagan naman ang gamit namin.

Pero teka---

Sino ba 'yang alien na sumisigaw? Puro English dinudugo na 'ko dito!
Bwiset!

Napansin ko naman ang pinto na bahagyang nakabukas sa kaliwa ko kaya naman walang pag-a-alinlangang pumasok na ako dito.

Waaah! Lord, dito nalang ako magtatago. Tama tama! Dito nalang. *tango-tango!*

Mabilis akong pumasok sa loob at ni-lock ang nasabing pinto.

"Ohmygod. Hoooh! Hinga. Charmee, Hinga. Woooh! Hinga pa moreeee!" sigaw ko habang binabalik sa normal ang hinga ko.

Grabe! Nakakapagod tumakbo. Kumusta naman ang ayos ko? Kaderder na yata ang mukha ko. Mygaad---

"KYAAAAAAAAAHH!" halos atakihin ako sa gulat ng may isang babae na mukhang kaedad ko lang ang sumigaw ulit sa harap ko.

Ano 'to? Kelangan ba lahat ng makakita sa'kin magrereact ng ganito? Ang OA naman. Artista ba ko? Enebe!

Agad itong napaupo at tinakpan ang mukha niya na parang paiyak na siya.

"WAAAAAAHH! Mommy! Help me. Huhuhu! I'm scared. Mommy. Huhuhu!" hikbi nung babae habang tinatakpan ang mukha niya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at napaisip sa sinabi niya. 

*Tingggg!

Ansabe daw?

Mommy daw?

Mom..Mommy niya daw ako?

May anak na ko beshy?

A..Anak ko siya? Whut? 

..

Hindi ako makapaniwala sa naisip ko. Nanlaki ang mata ko at agad akong lumapit sa kanya.

"WAAAAAHH! Anak ko. I'm sorry! Bakit ka umiiyak? Nandito na si nanay ang sosyal kasi nung Mommy! Huhuhu!" naiiyak na sabi ko habang hinahaplos ang likod ng anak ko.

Grabe! May anak na pala ako hindi man lang ako nainform?

Siguro tulog ako nung pinanganak ko siya. Anong klase akong ina? Huhuhu!

Agad napatingin sa'kin 'yung anak ko at napakagat labi na parang nagpipigil siya ng tawa.

Teka.. may nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Bakit nangingiti ka? May problema ba anak, ha?" tanong ko habang hinahaplos ko ang buhok niya.

Taray ng buhok ng anak ko sobrang bango. Samantalang yung buhok ko amoy bareta. Teg herep kese. Leche!

The Badboy's Ugly GirlWhere stories live. Discover now