05 | May multo? Huhu!

39 7 0
                                    

CHAPTER 5: May multo? Huhu! 😧

  * * * * *

(Charmee Napkin's POV)

*POINK!*

*BLAAG!*

*BOGSH!*

"T@#$%&$! PAKSHET! ARAY KOO! HUHUHU!" daing ko ng matisod ako ng nakausling bato sa dinadaanan ko. Powta! Ang sakit. Huhu!

Agat kong kinuha ang bato, tiningnan ng masama at nagreklamo.

"HAYOP KANG BATO KA! Sinabi ko bang humarang ka sa dinaraanan ko HA?! Close ba tayong hinayupak ka? May pampahospital ka ba sa'kin? PAANO NA TONG TUHOD KONG NASUGATAN? ANO? Hindi ka magsasalita? SUMAGOT KA!" sigaw ko sa walang hiyang batong tumisod sakin. Huhu!

Dinuro duro ko yung bato habang hawak-hawak ko ito.

Tengene, I kennat beshy!

Sabi nga sa IPAGLABAN MO. Hustisya ang kelangan ko. Hustisya! Huhu!

Ipakukulong ko 'tong bato na 'to. Ang ganda ng pagdeday-dream ko kay future baby boyfriend tapos tinisod ako? Hayup!

Panira ng moment!

Ang precious tuhod ko. May galos na! Paano pa 'ko makakasali sa Ms. Universe nito?

E'di makikita 'to pag nagswim suit ako. Nakng! Panira ng future. Tengene lang?

Tinapon ko na yung piping bato at naglakad na papasok.
Wengya! 'Di man lang marunong magpaliwanag kung bakit niya ako tinisod. Speechless 'yung bato. Saan? Sa GANDA ko? Bwahahaha!

*Dingggdonggggg!*

*Dingggdonggggggg!*

*Dinggggdongggggggg!*

  * * *

Napahinto ako sa entrance ng biglang may tumunog sa paligid. Tunog na mula yata sa speakers ng school.

Dingdong?

Ano 'yun?

Dingdong Dantes? WAHAHAHA!

Classmate ko ba siya? WAAAAHH! *0*

May mga artista palang nag-aaral dito! Ohmygod. Huhuhu! Hindi kinaya ng feels ko. Pere teke lengs--

Di' ba parang ang tanda na ni Dingdong? Estudyante palang pala siya? KYAAAH! *0*

Kelangan 'tong malaman ng nanay kong malandi.

Nilabas ko ang mumurahin kong cellphone na pudpod na ang keypad at nagsimula ng magtext kaso naalala ko wala nga palang cellphone ang nanay ko. BWAHAHAHA!

Sayang! Pinagnanasaan pa naman ni Maduh si Dingdong Dantes.

May picture nga siya ni doorbell..este ni Dingdong sa kwarto niya na topless eh. Pinagpapantasyahan niya 'yun gabi-gabi at minsan kinakausap pa niya na akala mo kakausapin rin siya pabalik.

Ganun kapatay na patay ang nanay kong panget sa kanya. 

Binalak pa nga niyang ipakulam si Marian Rivera para hindi matuloy yung kasal nila noon eh. Wahahaha!

The Badboy's Ugly GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon