04 | Baby talaga?

39 8 0
                                    

CHAPTER 4: Baby talaga? 😘

  * * * * *

(Charmee Napkin's POV)

"Are you hurt, Miss? I'm really sorry.." seryosong sabi niya na kina speechless ko.

Nganga pa more, Charmee!

Totoo ba 'to? Bakit para siyang pekeng tao?

Meron pa pala talagang ganito kagwapong lalaki sa earth ano?

'Langya kasi yung mga nakikita kong lalaki sa lugar namin. Wala man lang pwedeng maging crush.

Meron din namang may mga konting hitsura pero nuknukan naman ng choosy. Mga bwiset

Pero itong lalaking nasa harap ko?

Shet na malagkit!

Makalaglag singit si kuya. Hahahaha! Eneber!

"Miss? Miss.. are you okay? Hey.." bumalik lang ako sa realidad ng may mapagtanto akong gwapong lalaking pumapalakpak sa harap ko.

"SHET ANG GWAPO!" sigaw ko sa gulat.

Napahawak nalang ako sa bibig ko dahil sa kalandiang lumabas sa bibig ko. Nakita ko na naman ang palihim na ngisi niya.

Syeeet! Why so yummy kuya? Sarap mong iuwi! Huhuhu!

"I know it already. Thanks.." ngiti niya at ini-start na ulit ang motor niya.

Teka-- aalis na siya?

Paano na ko?

Paano na ang lovelife ko?

Hindi pwede to..

"AALIS KA NA?" lakas loob na sigaw ko. Pakshet sa'n galing yun? Naks, Charmee. Damoves..

"Yup. Why? Sasabay ka ba?" seryosong sabi niya na kinapula naman ng buong mukha ko.

Oh my god. Bakit ako kinikilig? Huhu! Parang niyaya lang naman akong sumabay tapos kung uminit 'tong pisngi ko. Ang OA?

Kinagat ko ang labi ko at pabebeng tumango sa kanya.

"Alright. Come, sakay ka na." tinuro niya yung likod niya kaya dali-daling sumakay naman si ako. 

Magi-inarte pa ba ko? Crush ko na 'to beshy tatanggi pa ba! Nevuh!

Paano ba ang tamang pagsakay sa motor?

Nakasalampak ba?

Nakadikwatro ang binti? o pabebeng upo? Pabebeng upo na nga lang para cute. Hehehe.

Pasimpleng inamoy ko si future boyfriend.

OH MY GOD. Huhu! Sobrang bango niya. Ilang cologne kaya ang nilaklak nito bago pumasok? Gurabe! Ang sarap singhot-singhutin ng likod niya. Hihihi. Lande!

"Hold on tight." halos takasan ako ng kaluluwa sa katawan ko ng hawakan niya bigla yung kamay ko at nilagay paikot sa bewang niya.

WAAAAAAHH! *O*

Eto na ba yung kapalit ng pagsisimba ko perstaym kahapon? Eto na ba 'yun Lord? Yung pagdadasal ko na sana makilala ko na si future boyfriend at magkamoment na kami? 

OH MY GAD! *0*

Kung ganon magsisimba na po ako linggo-linggo para sa lovelife ko! Enebe eng sherep peleng lemende!

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagtili ng hawakan niya ang kamay ko na nakapulupot sa bewang niya na para bang gusto niyang higpitan ko pa ang pagkakakapit sa kanya.

Huhuhu! Bakit hindi man lang ako nainform na ganito pala kahirap pigilan ang kilig?

Gusto ko ng isigaw to.

Gusto ko ng magtwerk o magtatambling sa sobrang saya ko.

"Okay ka lang ba?" biglang tanong niya na kinagulat ko. Kinagat ko ang labi ko bago ako sumagot.

"O-Oo.." maikling sagot ko na may pagkautal pa.

Ano ba 'yan? Ano bang nangyayari sa dila ko? Kelan ka pa napipi at nabuyoy, Charmee?

"Good." cool na sagot niya tapos binilisan pa ang pagmamaneho.

Grabe naman tong University na to. Ang layo pa pala ng lalakarin simula sa gate. Buti nalang talaga dumating 'tong si future boyfriend ko.

Ang sarap n'yang yakapin. Ang bangoooo! Sana ganito nalang kami lagi.

Pero syempre dahil walang forever huminto ang motor niya. Nagtaka pa 'ko dahil medyo malayo pa kami sa parking lot. Bakit huminto na agad siya? Naubusan ba ng gasolina ang motor niya?

Gosh! Kahit ako ang maging sponsor niya ng gasolina kekerihin ko mapasakin lang siya.

Tengene lengs eng lende ke ne telege. *O*

"Hey.. I can't fully take you in the entrance baby. Our head prince not allowed me to get along with girls right now. I'm sorry.." seryosong sabi nito na kinakunot naman ng noo ko.

Ano daw?

Di ko gets ang sinabi niya. Nosebleed! Pero teka.. tama bang dinig ko? Tinawag niya ba kong baby? *O*

WAAAAAHH! Pigilan ang kilig. Pigilan ang kilig , Charmee. Masama 'yan sa health. Pero tangina hindi ko kinaya mga bes..

"KYAAAAAAAAH!" impit na tumili ako at nagsimula ng mag twerk, bumending at tumambling ng mag-isa. Agad naman nagpanic yung hitsura niya.

"Hey baby. What's wrong?" nagaalalang sabi niya na kinakilig ko pa lalo. Kinurot ko ang pwet ko para mapigil ang pagngiti ko at agad umiling sa kanya.

"Wala. May butiki kasing dumapo sa braso ko. Buti nalang umalis na. Hayup na butiki yun eh feeling close sa'kin. Pero okay na ko, thank you ah.." parang tangang sagot ko habang pinipigilan ang ngiti.

Halatang hindi siya convinced sa sinabi ko pero tumango lang din siya sakin at ngumiti. Ang gwapoooo! *O*

"Okay.. see you around baby. Gotta go." kumindat pa siya sa'kin at sinimulan ng paandarin ang motor niya at mabalis na umalis.

Naiwan akong muntanga na nakangiti at pulang pula sa sobrang kilig.

Langya Lord! Baby talaga? *O*

Nagsimula na kong maglakad na feel na feel ang kahabaan ng hair ko. Bakit kaya baby ang tawag niya sa'kin?

Ano yun endearment naming dalawa?

MU na ba kami? KYAAAH! Kilig feels. *O*

At dahil nga busy ako sa pagngiti at pag-alala sa mga nangyari hindi ko tuloy napansin yung nakausling bato sa dinadaanan ko. Kaya naman..

*POINK!*

*BLAAG!*

*BOGSH!*

"T@#$&#A! PAKSHET. ARAY KOO! Huhuhu!"

At mukhang alam n'yo na kung ano ang nangyari. BWAHAHAHA! Tanga!

The Badboy's Ugly GirlWhere stories live. Discover now