SIMULA

116 8 3
                                    

THE BADBOY'S UGLY GIRL
Isinulat ni: Laynneri

"Hope you like this story mga beshy! Salamat."
- Ate Layn :)

××××××

Inipon ko ang inis, buwisit, gutom, at galit ko ng humarap ako sa poncho-pilatong kanina pa nagmumukhang anino ko sa mag-hapon.

Tengene neto e, kanina pa ko binabadtrip. Kalerky!

"ANO BANG PROBLEMA MONG TAE KA? KANINA KA PA SUNOD NG SUNOD AH! STALKER BA KITA? MAGNANAKAW KA BA? HOLDAPER, DRUG PUSHER O TALAGANG TRIP MO LANG AKONG SUNDAN! HUH? SAGOT!" Sigaw ko sa hinayupak na lalaking kanina pa sunod ng sunod sa'kin.

Hawak-hawak ko ang kwelyo niya.. but it's only jokening! Wala siyang kwelyo bes. Naka T-shirt kasi siya.

Grrr! Kumukulo ang dugo ko sa stalker na 'to. Lakas ng loob na sundan ako. Ipapabitay ko talaga 'to sa mga tropa kong tambay sa kanto, pramiss!

Kaso ang letcheng ito.. todo ang yuko kaya hindi ko makita ang pagmumukha niya.

Anong trip niya?

Panget din ba siya katulad ko o ano?

Gagong 'to.. anong akala niya? Hindi ko siya pansin?

Neknek niya!

Kanina pa niya ako sinusundan simula ng bumili ako ng napkin sa tindahan nila Aling Bebang kaninang umaga. Pero pina-lampas ko pa 'yun.

Kaso nakita ko ulit siya sa palengke, sa simbahan, sa mall, sa luneta park at sa sementeryo.

Oo.. nagmala Dora-The-Explorer ako maghapon wag kayong ano.

At ngayong gabi na at pauwi na ako.. sumusunod pa rin siya?

Ano siya bodyguard ko para sundan ako?

Hanep sa pangarap. Pambili nga ng sabon at shampoo wala ako tapos magkaka-bodyguard ako? Anak ng puwet ng baso 'yan oh!

"HINDI KA SASAGOT O BABALIAN KITA NG BUTO? BAKIT MO 'KO SINUSUNDAN? HUH? BAKIT?!" Hiyaw ko na umabot na yata sa planetang Nemik na tambayan nila Goku sa sobrang lakas ng boses ko.

Narinig ko ang malakas na buntong-hininga niya habang nakayuko.

Aba aba.. ayoko nang pinaghihintay ako. Pagod na pagod na akong maghintay. Pati si forever pinaghihintay rin ako. Kota na ha!

Dahan-dahan niyang tinanggal 'yung suot niyang sumbrero at maingat na tumingin sa akin. Halos lumuwa naman 'yung mata ko ng makilala ko siya.

The Badboy's Ugly GirlWhere stories live. Discover now