Chapter 6: His Plan, My Vow

14 0 0
                                    

AN: Sensya po pipolets kung ngayon lang uli nakapag-update. :D Ngayon lang sinipag eh ahahahaha xDDD

------------------------------
*Ian's POV*

Bago pa ako nakatayo, ay tumalilis na ng takbo si Levin. Dire-diretso sya sa iba pang miyembro ng X One Assassins na nasa pintuan na ng lobby. Siguro ay binigyan na sila ng instructions ni Levin na maghintay dito.


Kitang kita ko ang ekspresyon sa kanilang mga mukha nang makita nila si Regine na nasa likod ko na para bang isang bata na nahuling kumuha ng candy mula sa candy box. Too late though, nakita na sya ng kanyang mga future teammates.


"Soooooo... mukhang may naipit sa elevator ah, Boss?" Pang-aasar ni Levin. "Yeah, wasn't expecting that brownout, really." Poker face at flat tone kong tugon sa kanya, na hindi magpapahalatang loaded ng sarcasm ang pahayag na iyon ni Levin. "Should I call the maintenance guys, you know for them to---" Hindi ko na hinayaan si Levin na ituloy pa ang sasabihin nya at patago kong inapakan ang bagong manicure nyang mga kuko sa paa, sinigurado kong sapul ito ng swelas ng aking sapatos habang dinadaanan ko sya. "Don't worry yourself over such trivial things Levin, I've came across with those guys on my way here and I've made it clear that this incident isn't going to be taken lightly." This time, ginamit ko na ang aking boses na timplado na sa pakiwaring tapos-na-ang-biruan-seryoso-na-ako na tono ng pananalita "Right boss, you are, after all the you are the all seeing and all knowing master of this place so..." halatang pinutol nya ang kanyang sasabihin, nang mapansin nyang nakatutok na ang atensyon ng buong team sa kanya.


"Shut it Levin!" bulong kong nanggigigil sa kanya habang lumalakad ako sa gilid nya going to the location of my team. Pagbalik ko ng atensyon ko sa karamihan ay halatang napukaw na ang kanilang atensyon sa palitan namin ni Levin, at pati si Regine ay napahinto na sa kanyang paglakad papunta sa kanyang mga kasamahan. Kinuha ko ang telepono ko mula sa aking bulsa at nag-dial ng numero ng isang High-end na restaurant. Matapos kong ma-kumpirma ang schedule namin ay agad kong ibinaba ang telepono at hinarap ang grupo.


"Alright girls, as a form of apology for my tardiness, even if it's not entirely my fault, I've upgraded our Team Building Activity into a buffet party." Saad ko. Halatang nasiyahan ang lahat sa narinig, at ang nakabawing si Levin ay bumulong sa tenga ko nang mapansin ang excited na usapan ng tatlong recruits na natira "You'll be playing a dangerous game boss... you serious about this? The consequences of your actions tonight might not be as pleasant as you've imagined, you know?" Pilya nitong sambit, na mukhang ipinahalata pa nya kay Regine, na napansin kong pilit ang pakikipag-usap sa tatlo nyang kasama. "Well, since Brad had my hands tied up behind my back, I need to break free and reverse this turn of events to my advantage now, isn't that the right course of action in this situation, Lev?" Puno ng tamis kong balik-bulong sa kanya, sabay labas ng pinto para kunin ang sasakyang gagamitin namin para pumunta sa hotel kung saan ko isasagawa ang aking "plano". Iniwan kong pasadya si Levin para hindi na sya makapalag pa sa sinabi ko.


*Levin Soriano's POV*


 "Well, since Brad had my hands tied up behind my back, I need to break free and reverse this turn of events to my advantage now, isn't that the right course of action in this situation, Lev?" Nanuot sa aking buong katawan ang huling katagang iniwan sa akin ni Boss. Hindi nya ako tatawagin sa aking Gamer Tag maliban na lang kung sya'y seryoso o may tinatagong sorpresa para sa akin. Tulala pa rin akong nakatanaw sa pintuan nang tapikin ako ng recruit naming si Regine, ang babaeng nakita kong 'nadaganan' ni Bossing sa Elevator kanina. "Oi, Miss Levin, okay ka lang po ba?" puno ng concern na tanong nya sa akin na nagpabalik ng aking kamalayan - na inaalam pa rin ang pakahulugan ng sinaad ni Bossing kanina - sa kasalukuyan. "O...okay lang ako, you know, ganyan lang talaga kami ni boss na magbiruan, kasi since the formation of the team, andito na ako, kaya kapalagayan ko na ng loob yang si boss! No problem here Miss..." Di ko naituloy ang pagtatapos ko ng aking sasabihin dahil di ko matandaan ang pangalan ng babaeng ito. "Regine, but you can call me Reg. That's not too much, isn't it? Tutal, starting tomorrow, teammates na tayo, right?" Paglalahad nya ng kamay sa akin. "Yeah, you're right. Anyway, Levin here, your team's Offlaner. As far as team composition is concerned, I saw your file already, Roaming Support or Position 4 ang role mo, right?" Balik tanong ko habang hinihintay namin si Bossing "Yup, Specializing Dark Seer here. Pero since medyo bagsak sya sa current meta, nage-ensayo na ako ng ibang heroes. Mahirap na, baka maging susceptible ako sa target banning eh." Sabi naman nya. Habang ina-absorb ko ang mga sinabi nya, ay may bumalandrang Van sa harap namin, sa driver seat ay nakaupo si Bossing "Masyadong maliit ang sasakyang gamit ko para sa ating anim, so I decided to take the company's Van-slash-mobile bahay para magkasya kayong lahat. I'll be driving, Levin, you stay here beside me for navigation, the four of you, on the back. Do some introductions and whatnot, just make sure na pagdating natin sa venue mga 30 minutes later eh on friendly terms na kayo sa isa't-isa, that's your first assignment sa team building natin." Sabi ni boss pagbaba nya ng driver's seat para salubungin kami. The other four went to the back - at si Regine ay kahit alangan, ay sumakay na rin - leaving me and Boss behind.


"Aangal ka pa? Dangerous Cargo ka pag isinama kita sa likod, baka kung anu-anung tsismis ang ikalat mo sa mga recruits natin, mayari pa ako. Hahaha!" Sabi nya sabay tapik sa likod ko. Bahala na nga, wala na akong magagawa, Boss ko to eh. Kailangang sumunod, at isa pa...


Hindi ko pwedeng hayaan na lang ang limang parte ng kanyang nakaraan  na sirain ang kasalukuyan nya ngayon. Hindi pwede.


*End of Chapter 6: His Plan, My Vow*


---------------------


A/N: Sorry na po talaga sa uber late na update. After so many years, nakabalik rin sa pagsusulat. Hala sige, enjoy. Uunti-untiin kong i-update ang mga gawa ko na pwede ko pang dugtungan. The others, most likely i-dump ko ng tuluyan. :) Malamang sa malamang mga 3 lang sa kanila ang itira ko, including this one. :) Salamat sa mga babasa. :P


PS: Baka next week pa ang update. :P

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Friendzone (Resumed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon