Chapter 3: After All This Time

29 0 6
                                    

*Ian Morano's POV*

Kakatapos lang ng Contract Signing and it went out as planned. At tulad ng aking inaasahan, si Hannah ang nagbigay sa akin ng pahirap. Buti na lang at nandun si Rovi para tulungan akong sagutin ang mga katanungan nya. Halos kalahating oras din inabot ang Contract Signing, kaya paglabas ko, halos di na maipinta ang mukha ni Levin. "Grabe ah, nung ako ang nag-contract signing, wala pang five minutes, sila 30 minutes? Anung ginawa nyo sa loob boss?" ngisi ni Levin habang sinasabi yon eh ang ngiting walang iisiping maganda. "Aba'y natural Lev, anim sila di naman iisang tulad mo nung kinuha ka namin diba? Magtaka ka kung isa lang ang pumirma tapos 30 minutes ang itinagal" balik biro ko, good vibes ako eh? Ano? Good Vibes? Diba dapat inis ako sa mga nangyayari, bakit parang natutuwa pa ako?

"Sabagay may punto ka dyan bossing, so, ano, itu-tour ko na ba sila?" halatang inip na inip nyang sabi sa akin "Oo, i-tour mo na sila, at pansin ko lang eh talagang atat ka na eh, wag kang mag-alala, may Overtime Pay ka sa gagawin mo, di naman ako sadista eh" sa sinabi kong iyon napangiti sya ng kaunti, pero kita pa rin na badtrip pa rin sya. "Ah ok, Bossing." nag-isip muna sya ng kaunti tapos ay nagtanong "So sinu-sino sa kanila ang kailangan ng tour sa Loob ng Gaming House at Training Facilities natin?" sa wakas mukhang umayon na sya sa gusto ko "Well, that would be Beverly, Hannah, Paulene, and Danica" Pagbangit ko sa pangalan ng apat ay agad silang tumingin kay Levin, na kung titignan ay parang di makapaniwala sa aking sinabi "Well, ladies, kailangan ko kasing bigyan ng hiwalay na Briefing sila Anna at Regine" dagdag ko, para di sila magtaka kung bakit ihihiwalay ko ang dalawa sa kanila. Bumaling ako kay Rovi pagkatapos "Salamat sa pagtulong sa akin sa Contract Signing nilang anim, napabilis ang trabaho ko dahil dun, and please and tell Brad na Congrats sa 5th Year Anniversary ng Kasal nyo" Nakipagkamay ako sa kanya "Makakarating yan, and thanks sa pagbati" 

Matapos ng komosyon at mangilan-ilang tanungan, ay umalis na si Rovi at inaya na ni Levin ang apat papuntang Gaming House. Naiwan kaming tatlo sa Lobby. 

Ngayong tatlo na lang kami, di naman ako makapagsalita. Di ko alam ang sasabihin, wala ring tanong na pumapasok sa isip ko para maibigay sa kanila.

Pero mukhang pinagbibigyan ako ng kapalaran, at may tumawag kay Anna. "Excuse me sir Ian, I'll just answer this call" Matapos noon ay tumakbo na sya palabas ng Lobby para sagutin ang phone call, ni di na nya nahintay na bigyan ko sya ng permisong sagutin iyon, pasaway na babae!

"Uhmmmm..... so Regine, any particular reason why here?"  Basag ko sa katahimikan.

"I Wanted to get close to you..... again" Huh? Anu daw? Loka loka ba tong babae na to? Get close to ME? Eh anu bang kinain nito, trabaho to di excursion, at lalong hindi shortcut para ibalik ang sakit na dinulot nya sa akin dati, Hindi nya siguro alam na halos LIMANG TAON kong pagdurusa - na well, in reality I chose to love her that long so I'm the one to blame.

"Ah..... okay so you think by showing your damn beautiful face here, and by promising to do your JOB well, you can be forgiven. After all those time Reg, I've waited. Ang sabi mo sa akin noon, we just need to wait for us to finish our studies then pwede mo na akong bigyan ng chance to show you what I can do, but......" Pero di ko natapos ang aking sasabihin dahil biglang lumitaw si Anna out of nowhere at sumingit sa aming usapan "Uhmmm Sir Ian, I'm sorry to interupt pero inatake po ng Stroke ang Mother ko at kailangang may mag-arrange ng mga medical expenses nyan sa ospital. Ako lang po ang may kakayahang gawin yon sa kasalukuyan kaya kung pwede po bukas na lang natin pag-usapan yung mga duties namin ni Regine, I really have to go" Maiyak-iyak na sabi nito.

"If that's the case Anna, then you may go, I hope your mother will survive this ordeal" Kinamayan ko si Anna afterwards, and nodded, giving a clear signal that she is excused, na pinagsisihan ko rin afterwards. Dahil ibig sabihin nito, ay talagang wala na akong ibang taong pwedeng kausapin maliban kay Regine, na talagang may hinanakit pa rin ako matapos ang pangyayaring aking sinabi sa kanya.

Long pause..... a very long one..... and afterwards.

"Let's talk about this in a more 'private' place, pwede ba?" tanong nya sa akin. Sabagay may punto sya. Di magandang lugar to para pag-usapan ang nakaraan na pinagdaanan namin sa ganito ka-public na lugar, malakas pa naman ang paniniwala ko sa kasabihang "May tenga ang Lupa, May pakpak ang balita"

"I couldn't agree more Regine, the best Idea you have today" Sabi ko, at bitbit ang susi na kanina'y iniabot sa akin ni Rovi, dinala ko uli sya sa Conference Room kung saan kami galing kanina.

Ang kwartong iyon ay may katamtamang laki lamang, at mayroong malaking Center table na napapalibutan ng labing-walong upuan may tig-isa sa magkabilang dulo at walo sa magkabilang gilid. Sa dinami-dami ng upuan sa kwartong ito, doon sya pumuwesto sa kabilang dulo.

Pag-upo ko sa upuan na direktang nakaharap sa kanya ngunit ubod naman ng layo, halos isinigaw ko na ang tanong na "Ok, so uulitin ko ang tanong ko Reg, sa dinami-dami ng a-apply-an na kompanya, why here?"

Huminga sya ng malalim at payak na tumawa "Still as persistent as ever Ian, sinagot ko na ang tanong mo, I want to get close to you, once again, dahil nung hindi ko tinanggap ang alok mo dati na mahalin kita, parang sinabi sa akin ng Diyos na yun ang pinakamalaking pagkakamaling ginawa ko, dahil naging masaya nga ang magulang ko pero naramdaman ko sa sarili kong may kulang sa akin, at ikaw yun Ian"

Kung hindi sa sobrang seryosong mukha nya at ubod ng talas na tingin nya sa akin, baka natawa na ako sa mga salitang lumabas sa bunganga nya. "Ohhhhkay, that was a good one Reg, how did you learn to throw a joke that epic?" Inis na balik ko sa kanya

"Di ka ba naniniwala Ian?" Tanong nya uli. At kailangan pa nyang i-boses yun ah! Here she is, all prepped up and employed in my own company and all that, pero ang rason kung bakit sya nag-apply sa amin ay para ano, maging close uli sa akin? I can't help but to think that she has an ulterior motive in doing this move.

"You want an honest answer Regine Samonte? Then my answer is yes, I don't believe in every single word you have said, mula doon sa labas hanggang sa mga nasabi mo dito sa loob ng conference room" Flat out kong pananabla sa kanya, lahat ng sinabi nya kanina ay wala nang halaga ngayon, huli na ang lahat, mahal ko sya oo, noon. Kung ang hinihiling nya ay maging magkaibigan kaming muli, makakaasa syang kakayanin kong gawin yon, kahit alang-alang na lang sa pagiging Boss-Employee relation namin, pero ang alok nyang maging Close agad, di pwede.

Bago pa sya makabawi, tumayo na ako at humakbang palayo, dahil sa tono ng pananlita nya, mukhang walang ibang patutunguhan ang "Meeting" na iyon kundi ang pangungumbinsi sa akin na bigyan sya ng second chance "And your request is technically, forbidden, as the CONTRACT that you HAVE SIGNED is concerned. If your motive is to get another chance for us, then you should have not taken this road with the X One Assassins, instead you should've done it in a more 'Social' setting." matapos noon ay tuluyan na akong lumabas ng pintuan. Ayoko na talagang pahabain pa ang engkwentro namin pero mukhang may ibang plano si Lord.

Paglabas ko ng kwartong iyon nakita ko sila Levin at ang apat na dilag na kanyang sinamahan. Tapos na ata sila sa kanilang 'Tour'.

"Oh bossing, andito ka pa pala?" Usisa ni Levin. Agad kong itinago ang aking pagkabanas at sumagot "Yes, may ilang bagay lang na nilinaw si Miss Regine sa akin" sabi ko.

"Then it's wonderful Boss Ian, sama ka naman sa Team Building Activity namin" Anyaya nya, awtomatiko na akong tatanggi pero may biglang bumoses mula apat na dilag, at iyon ay si Pauline "Sige na Sir Ian, sumama ka na po, para mayroon naman kaming lalaking kasama, mahirap na walang Gentleman na sasama sa amin, baka ma-trouble kami at walang magpo-protekta sa amin." Pag-kumbinsi nya.

Sa tindi ng inis ko, sumagot ako agad "Well, it has been a long time since I've joined any team building activites, so yeah I'll join you ladies, but in one condition" pagbibigay ko ng ultimatum.

"At anu naman yon Boss Ian" nakangising sabi ni Levin

"No Heavy Drinking. Ayokong magbuhat ng sangkaterbang lasing na mga babae pag-uwi, and usually, di ko sila binubuhat pauwi" Balik biro ko kay Levin

"Eh ano pala ang ginagawa mo Boss?"

"Secret, walang Clue!"  I have a cunning plan, at dito malamang malalaman ko ang mga natatagong intensyon ng mga babaeng ito na mula sa aking nakaraan, kung bakit sila ngayon bumalik sa buhay ko.

*End of Chapter Three: After all this Time"

Friendzone (Resumed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon