Chapter 1: The Fated Applicants

61 3 4
                                    

Naglalakad ako palabas ng opisina ng X One eSports Gaming Incorporated ng mapabuntong hininga ako sa mga biglaang pangyayari naganap kanina sa Meeting naming kakatapos lang. Ewan ko rin kung bakit pero ako ang naatasang katagpuin at papirmahin ng kani-kanilang mga kontrata ang mga Aplikanteng nakapasa sa matinding Screening ng aming kompanya para sa mga kukunin naming mga empleyado. Pero ang ipinagtataka ko, bakit LAHAT ng Aplikanteng nakapasa eh may kaugnayan sa aking nakaraan, specifically sa aking disgrasyadong Lovelife. Ako ba'y pinagti-trip-an nitong mga to, o sadyang nagkataon lang ang lahat? Di ko rin sigurado basta kaya lang ako parang maiipit sa sitwasyong ito ay dahil sa nangyari sa meeting namin kanina.

*Flashback*

"So Bradice, eto ang pangalan ng limang nakapasa sa mga Vacancies natin? I don't believe this kind of joke you have writen here in this Evaluation Report." Nangangatog ang tinig na sabi ko kay Bradice Cantillo, ang aking tapat at napakabait na bestfriend, na sa sobrang bait eh binigay - well, actually, binili ko, paunti-unti - ang Majority of Stocks ng X One eSports Gaming Incorporated.

"You may not believe that Ian, pero ang nakasulat dyan eh di ko naman itinulak na mag-isa, basahin mo muna kasi ang nakalagay sa dulo ng report, it was verified by our HR Management Team, a team that you've personally handpicked." Kalmado pero ramdam ko na parang kinasabwat nito ang HR pero bago ko sya ma-kastigo ay bumanat na uli sya. "At isa pa, tayo na nga ang may pinakamahigpit na Screening Process sa pagpili ng mga trabahador natin, choosy ka pa sa naging resulta, baka di mo lang alam, kailangan na kailangan na ng X One Assassins Dota 2 Ladies Squad natin ng Off Laner at Carry, ilang buwan na kayang walang exposure sa mga Tournaments ang mga bata natin baka kinakalawang na sila Rissa" pagpapaalala ni Bradice sa sitwasyon ng inaalagaan naming Dota 2 Lady Squad na syang tanging pwersang Lumalaban ng Harapan sa AMD.Mineski Tigresses, na-flat out kasi nila ang Team namin 2-0 sa Huling Local Tournament na ginanap kamakailan, dahil sa below average performance ng mga Stand-ins sa grupo.

"Eh ano naman ang Qualifications nitong si Danica Cazcarro na magagamit natin sa ating Dota 2 Lady Squad aber? As far as I know, di naman ako nag-post ng Vacancy para bigyan ng assistants ang X One Assassins ah!" Angil ko direkta sa kanya, ang ibang kasama sa meeting ay di halos gumagalaw at pabalik balik lang sa amin ni Bradice ang tingin, takot na sumingit sa usapan dahil alam nila na isang maling galaw nila ay pwede silang mawalan ng trabaho at posisyon sa Kompanya, lalo na sa tindi ng inis ko. Hinawi lang ni Brad ang buhok nya at kalmadong nagpatuloy "And that is the point! Nalimutan mong mag-post ng Vacancy for PA ng X One Assassins! Eh too late na para ipagpaalam pa sa yo na dadagdagan ko ang postings, so gumawa ako ng Judgement Call, and she fills in the slot perfectly. She even demonstrated us how to properly clean our hybrid equipments para magamit natin ang mga iyon to it's full potential" Dagdag nya. Napahilamos na lang ako ng mukha, isa pa, nabigyan na pala nila ng kanya-kanyang Kopya ng Job Offers ang lima kaya wala na akong magagawa, tanggap na sila per se, at formality na lang ang meeting na ito, na ang layunin ay ipaalam sa akin na napunan na ang mga posisyon na aking minarkahan as "Priority to be filled".

"Huling tanong, yung dalawang natitirang aplikante, sigurado ba kayo na kaya nilang magtrabaho na magkasama, baka puro bangayan ang gawin ng dalawang yun ah!" Pahabol tanong ko, tinitigan ko si Bradice na parang sinasabing 'utang na loob, kahit sinong mga herodes ang tanggapin nyo wag lang ang limang yan!' Tumayo si Bradice at tinapik ako sa braso, tumatawa pa ang loko "Just Calm down pare, Anna and Regine are already aware of their partnership while they are part of the X One Assassins, and they have promised to cooperate and help each other in doing their respective jobs, Regine will be the Face of our Assassins in the Public and Anna will help the team become a more fierce and marketable team in our country. Besides, wala ka bang tiwala sa akin? Ako ang Coach ng lahat ng eSports Team natin, at Proud akong sabihin na walang umuuwi sa atin na di man lang umabot ng 8th place sa Tournament or event na sinalihan nila, kaya tigilan mo na ang kaka-kontra dyan." He signaled the adjournment of the Meeting. Wala na akong nagawa, andyan na eh.

Pero bago sya makalabas ng pintuan ay bumalik sya sa kanyang kinauupuan kanina, ang loko naiwan ang Briefcase nya. At kung inakala kong kukunin nya lang ang Briefcase nya at aalis na, ay nagkamali ako, may kinuha lang pala sya sa loob noon at inabot sa akin "Nalimutan kong ibigay ang kopya ng Kontrata nila na ibibigay mo sa kanila mamaya sa Gaming House natin" inilagay nya sa hita ko ang makapal na Folder ng mga Kontrata na pipirmahan ng limang nakapasang aplikante. Takang tinitigan ko sya "Teka bakit ako? Diba ako ang Boss dito, saka trabaho ng HR to di akin" bulyaw ko, buti wala na ang iba, sa puntong iyon ay napatayo na rin ako sa inuupuan ko.

"You forgot pare na ang alis ng HR ay 4PM, alas-singko na kaya, tutal, dyan lang naman sa tapat ng building na to ang Gaming House, so ikaw na, Anniversary nami ni Ambe ngayon kaya pass muna ako kahit gusto kong ako na lang ang magbigay sa kanila nyan, dahil di ko rin alam kung mahaharap mo ang limang yun ng matino, pero no choice eh, they must start As soon as possible, dahil ang next major tournament dito sa pinas ay next week na gaganapin, dapat ma-expose na sila sa mga dapat nilang gawin"  Bago tuluyang lumabas ay nagpahabol pa ito ng "Isa pa matagal tagal ka na ring walang nakaka-date eh hahahaha" 

Ah ewan ko sa inyo Bradice, at bakit kailangan pa nyang ipaalala na hanggang ngayon ay NGSB pa rin ako buset na yun!

*End of Flashback*

At bigla kong naisip, bakit ko pa gagamitin ang Kotse ko eh nasa kabilang kalye lang ang Gaming House? Matapos ma-realize yun, ay kinuha ko na uli ang pagkapal-kapal na Folder ng mga Kontrata na ipapapirma ko sa Limang herodes na babaeng sa lakas ng hinala kong na isinet-up lang ni Bradice para sya'y maging modern-day "Kupido" eh gusto kong punitin ang mga papeles na dala ko.

Patawid pa lang ako ng Kalye nang mag-vibrate ang phone ko, agad kong binasa ang message na dumating.

From: XO. Rovi [HR Head]

Huy Bilisan mo, naiinip na yung lima kakahintay sa yo, at may isa pa tayong Bagong Recruit na dapat mo ring makita, kahit na sa palagay ko eh di mo magugustuhan.

Oh crap!, Naging Anim pa?!?! Parang kinukutuban ako ng masama dito ah, pero kinalma ko ang sarili ko, dapat magmukha akong Professional sa harap ng mga New Recruits, tutal ako ang BOSS dito diba? Kaya Kalma, at mag-focus sa pagtawid, baka masagasaan ako sa pinaggagagawa ko.

Di ko na rin masyadong inisip ang kwalipikasyon nung ika-anim na sumulpot, tutal si Rovilyn o mas kilala sa Tawag na Rovi, na sya ring Fiance ni Bradice, ang kumilatis sa pang-anim na sasali sa X One Assassins, kilala sya sa pagiging metikulosa at reliable sa pagkilatis ng mga tao, kaya ko nga sya ni-reto sa posisyon na yun, may tiwala ako sa kanya.

Pagpasok ko ng Gaming House, sa Reception ay pinaalam ng naka-duty na Receptionist na nandoon na nga ang Anim na Kandidatang nakapasa at pipirma ng kontrata. Ipina-check ko muna sa Receptionist ang Identity ng mga nasa loob at pina-sort out ang mga dokumentong hawak ko bago ako pumasok.

Pagbukas ng Pintuan, parang bigla akong nawalan ng sasabihin dahil sa unang tumambad sa aking paningin.

*End of Chapter 1: The Fated Applicants*

Friendzone (Resumed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon