Chapter 4: Hidden Intentions

22 1 0
                                    

*Regine Samonte's POV*

"Secret Walang Clue!" Sabi ni Ian dun sa babaeng tinawag nyang Levin habang tumatawa. Bakit kaya sila ganun na lang kung magbiruan? And what's with that look he just thrown at my direction? Yung tipong 'get-ready-because-you'll-get-served' kind of look. Ahhhhh, baka nag-iimagine lang ako.

Pumormal uli si Ian, sabay sabing 'Lovely ladies, you may proceed to the ground floor waiting area. Please stay there while waiting for my further instructions. This will be your first activity as a Part of X One Assasins so I'm expecting you ladies to Cooperate in this activity. Never fear, di ko kayo ipapahamak, dahil ang lakad natin ay parte pa rin ng company activities." sabi nya, then kay Levin uli sya humarap "Di nila kabisado ang building na to Levin, mind if you lead them to the ground floor waiting area while I fix things?" Tumango lang ang dalagang sinabihan ni Ian at sinabing "Shall we?" and we are all given the 'it's-a-part-of-your-job-so-just-follow-her' look ng aming Boss, ang lalaking sinaktan ko ng di naman sinasadya noon.

Habang sinusundan ko sila, ay nag-ring naman ang phone ko. Pagtingin ko sa screen, nakita ko agad ang pangalan nya. Napabuntong hininga na lang ako na sinagot ang tawag pagkatapos kong bigyan sila ng senyales na susunod ako.

"How was your day?" Sabi ng nasa kabilang linya, with the usual "Cold and Heartless" tone na ginamit nya mula nung ialok nya sa akin na mag-apply sa bakanteng posisyon na to sa Kompanya ni Chris.

"Still doing it your way, dahil ito ang kailangan kong gawin" Diretsahan kong balik, gusto kong matapos agad ang usapang ito, dahil maliban sa nasa teritoryo kami ng taong di dapat makarinig ng usapang ito, hindi rin ako komportable tuwing kausap sya, mapa sa telepono man o sa personal.

"Good, very, very nice. Remember our deal missy, I've given you that chance dahil alam kong ikaw lang ang magagamit ko para makagawa sya ng mga maling desisyon na syang magbibigay-daan para sa kapakinabangan namin" sabi pa nya, na parang di ko alam yon. "And besides....."

"Ito lang ang tanging paraan para mapatunayan kong mahal pa nga nya ako, kahit na hindi ako nagiging tapat sa kanya." pagputol ko sa karagdagan pa nyang sasabihin "Look, nandito ako sa teritoryo nya so would you please stob badgering me? I'll text you and will give you recent updates tungkol sa plano mo, is that ok?"

"My, my, my. Well, if you insist, sige, bukas na lang ako tatawag uli. May atraso ka sa akin dahil sa tawag na to and I'll be expecting that you'll give a just exchange kapalit nito. Bukas na lang, goodbye." At dial tone na lang ang narinig ko sa kabilang linya.

He never fail to hit my nerve! That guy!

*Ian Morano's POV*

Naayos ko na ang plano ng aktibidad na aking gagawin para sa mga Bago at dating members ng X One Assasins para sa kanilang unang Team Building activity. nang may mapansin akong isang pamilyar na pigura sa tabi ng elevator, na may kausap sa telepono. Nilapitan ko ito ng matahimik ngunit sa di malamang kadahilanan, parang alam nya na papalapit ako kaya ibinaba nya ang tawag na papakinggan ko sana.

At tama nga ang hinala ko si Regine nga ang misteryosang babae. "Why are you still here? As far as I can recall, I've ordered everyone to go down to the Waiting Area at the Ground Floor right?" Iritadong usisa ko. Eh nakakabanas talaga sya sa paningin ko eh, ewan ko kung dala pa rin to ng bitterness na nararamdaman ko para sa kanya noon o mayroon pang mas malalim na dahilan. At parang kinukutuban talaga ako na may mali sa mga nangyayari ngayon. Biruin mo, six ladies from my past, suddenly popped out of nowhere, applied here, accepted and now hired. Di ka rin siguro magtataka kung bakit ako skeptical sa mga nangyayari kung sayo nangyari to.

"Sorry Ian, I've received an urgent call, so I've answered it and let them go first, itinuro na rin naman sa akin ng guard ang daan papunta sa Ground Floor Waiting Area so wala nang problema." sabi pa nya.

Pero...... "Bakit may dumating bumukas nang elevator, di ka pa rin bumaba?" Naka-ngising sabi ko "Ay! Patay! Di ko namalayan eh bigla ka kasing sumulpot dyan eh" Aba't! Kita mo to! Sinisi pa ako! Pero ok lang, tamang tama to, sya ang unang sasalang sa aking "Pagsubok"

"Well, Gine, wala na tayong magagawa kaya, sumabay ka na lang sa akin pagbaba sa Ground Floor" pagbibigay ko ng suhestyon. Saktong bumukas ang pinto ng Elevator sa gilid namin pagkatapos kong banggitin ang ideyang yon, sabay labasan ng mga sakay nito. Walang natira ni isang empleyado sa loob. No Choice, mukhang eto na ang perpektong pagkakataon para isagawa ang nasa isip ko.

"Go inside sasara yan, baka magtagal tayo, naghihintay na sila sa baba" Pinagmadali ko na ang babaeng kasama ko na takang taka sa biglang papalit ko ng mood. Sa tingin pa lang na pinukol nya sa akin, halatang di na nya ako maintindihan, ngunit sumunod na rin sa gusto ko. Sa isip-isip ko, 'sige tama yan, ako ang boss dito kaya sundin mo ko ahahahah'

Sa loob ay magtatanong na sana ako nang biglang

THUD....... Squeeeeeeeeeeecccccccccchhhhhhhhh............ BLAM!

"This can't be happening now" Puno ng inis na sabi ni Regine.

Clearly, exactly as planned. Now time to aim for the kill! :D

*End of Chapter 4: Hidden Intentions*

Friendzone (Resumed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon