Chapter 13 The Conversation (HerSide)

187 5 3
                                    

Sr. Therese's POV

" Ayan, tapos na .. " sabi ko pagkatapos naming maghanda

" Kita mo Sister, ang bilis lang natin natapos .. " sabi naman sakin ni Kuya Niel

" Kaya nga po Brother ee, salamat po ha .. "

" Salamat saan?? "

" Salamat po kasi tinulungan po ninyo ako sa pag-aayos ng mga gagamitin mamaya .. "

" Sister naman, ikaw pa ba?? Alam mo, palagi ka nalang talaga nagpapasalamat sakin .. Hindi ka ba nagsasawa?? "

" Hindi ako magsasawang magpasalamat sa isang tao na hindi din nagsasawang tulungan ako .. Kaya brother, hanggang tinutulungan mo'ko, palagi akong magpapasalamat sayo at sa Panginoon .. "

" Napaka-grateful mo pala Sister .. "

" Grateful po ako dahil hindi nagsawang magbuhos ng biyaya ang Diyos sa akin .. Ang saya ko nga kasi kahit na unworthy ako, kahit na nakihati ako sa kanya noon, kahit na parang Prodigal Daughter ako noon, hindi Siya tumigil sa pagmamahal at pagtawag sakin .. "

" Ang matured mo para sa isang 16 years old .. "

" Ganyan talaga, convent formation formed me to become a better individual .. Kahit na marami akong kapalpakang nagawa noong nasa labas pako, binabawi ko naman ngayon .. Gusto ko maging worth it yung pagpili sakin ng Diyos bilang kabiyak niya .. "

" Pwedeng magtanong?? "

" Ano yun?? "

Nag-uusap na kami ni Kuya Niel, nakaupo kasi kami dito sa loob ng Conference Hall kaya nag-uusap nalang kami ..

" Pwede bang bago ako magkwento ng tungkol kay Yanna, magkwento ka rin ng tungkol sa'yo?? "

" Okay, ayoko naman maging unfair sa'yo .. Tutal marami ka na ring nakwento sakin kaya magkukwento na din ako .. Pwede kang magtanong sakin at sana irespeto mo kung ang ibang tanong mo ay hindi ko masasagot .. "

" Sige .. Pwede nako magtanong?? "

" Sure .. " sabi ko ng may ngiti sa aking mga labi

" Saang parish ka galing?? "

" I'm sorry, ayoko magsinungaling at ayoko din sabihin .. "

" Okay .. Ano yung ibig mong sabihin kanina na nakihati ka sa Diyos?? Nagkaroon ka ba ng boyfriend na seminarista?? "

" Hindi .. Kahit kailan hindi ako nagkaroon ng ex na seminarian .. Hindi ko kayang makihati pero feeling ko yun ang ginawa ko .. "

" Ano ba kasi ang nangyari?? "

" I was just 14 years old at that time, every May, may inaassign na seminarians sa parish namin .. Late na nga siya dumating ee, 2nd week of May na siya dumating sa parish namin .. " pagsasalaysay ko at kitang-kita ko na mataman siyang nakatitig at nakikinig sa akin

" Tapos?? "

" After hearing his name, there is something inside of me that I can't exactly describe it but I felt that I was interested on knowing more about him .. Gusto ko siyang makilala ng husto, para bang gusto ko siyang maging ka-close, so ayun gumawa ako ng paraan para makuha ko ang digits niya .. Hindi ko na sasabihin sayo kung paano ko nakuha digits niya hahaha .. Baka matagalan lang tayo .. So ayun, nagkatext kami, hanggang sa nagkakilala kami ng pormal, naging malapit kami sa isa't-isa, palagi kaming nagsasama, naging magkapatid ang turingan namin sa isa't-isa hanggang sa hindi ko napigilan ang sarili kong mahulog sa kanya at mahalin siya ng higit pa sa inaakala kong magagawa ko .. "
Pagpapatuloy ko

" Anong nangyari?? Alam ba niya yung nararamdaman mo para sa kanya?? "

" Nag-confess ako sa kanya ng nararamdaman ko, tinawanan niya lang ako at gumawa siya ng paraan upang ma-turn off ako pero kahit anong ginagawa niya, hindi ko man lang magawang ma-turn off sa kanya, sa halip ay lalong tumindi ang nararamdaman ko, mas lalo ko siyang minahal .. Kasi, ang pag-ibig naman ay hindi ang paghahanap ng perpektong tao diba?? Ito ay ang pagkikita ng maganda sa isang tao at pagtanggap sa kanyang limitasyon bilang tao at ang patuloy na pagmamahal sa kanya sa kabila ng kaniyang hindi pagiging perpekto .. I was just 14 that time and yet, I was so matured in accepting whatever and whoever he is, what matters is that I love him and it will never change .. He was my first love and he is also the first one to break my heart .. "

" Nasaan siya ngayon?? "

" He pursued his priesthood .. "

" May communication ba kayo?? "

" After my first confession, nawala ang communication namin and then after 8 months he began to text me again and then wala na naman, and then before ako pumasok ng convent, gumala pa kaming dalawa .. That was the best day of my life as an ordinary girl .. Tapos a day before I entered the convent, nagdaos kami ng despidida party na pinagplanuhan ng mga kasama ko sa parish at ni Pads at nagsabi din siya sakin na mahal niya ako pero, huli na ang lahat, nakapagdesisyon na ako na papasok na ako ng monastery kahit na ano pa ang mangyari .. Kaya, ito ako ngayon, ipinagpapatuloy ang pangarap ko .. "

" Paano kung nagkita kayo ulit?? Paano kung kaya niya palang isuko ang bokasyon niya para sa'yo?? "

" Nagkita na kami at kahit na iwan niya ang bokasyon niya ay hinding-hindi ko isusuko ang pinili ko .. Kung lalabas ako para sa kanya, at kung maging kami man balang araw, sa tingin mo, ilang taon pa kami magsasama?? "

" Maybe, 20-30 years?? "

" Hindi ko ipagpapalit sa 20-30 years na pagsasama pa namin ang walang katapusang kabutihan ng Diyos sa akin .. Mahal ko siya, Oo pero mas mahal ko ang Diyos .. " sabi ko sa kanya

Sigurado ba siya na iiwan niya ang seminaryo para sakin?? Kung sana noon pa niya sinabi sakin na mahal niya din ako, wala pa sana kaming problema ngayon ..

" Example, ako yung first love mo .. Ano ang gusto mong sabihin sakin?? "

" Kuya, oo mahal kita .. Mahal na mahal kita pero hindi ko kayang ipagpalit si Lord sa iba .. Kung isusuko ko ang aking bokasyon para makasama ka, hindi ako sigurado kung magiging tayo hanggang sa huli, at hindi rin ako sigurado kung magiging masaya ako sa piling mo .. Kung sana, sinabi mo sakin ng mas maaga na mahal mo din ako, siguro, hindi ako mongha ngayon, siguro, kasintahan mo na ako ngayon .. Pero, alam mo kuya, kahit ganoon ang nangyari, nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos dahil hindi niya ko pinabayaan, dahil nakilala kita at ipinadama niya sakin kung paano magmahal ng walang hinihinging kapalit kahit na masaktan man ako ng sobra .. Masayang-masaya ako na magpapari kana .. " sabi ko habang umiiyak

Nagulat naman ako ng biglang pinunasan ni Kuya Niel ang luha ko at niyakap niya ako .. Lord, salamat sa lahat ng binigay mo ...

" Tahan na .. Huwag kang mag-alala bunso, nandito lang ako .. Mahal na mahal kita .. "

You are MineWhere stories live. Discover now