Chapter 3 A Talk with Sister Formator

281 7 2
                                    

Yanna's POV

" Siyanga pala, pwede ba akong magtanong kung sino kausap mo kanina?? "

Bigla akong natahimik ako sa tanong ni Ate .. Paano ko ba sasabihin sa kanya??

" Ate naman ee, ayaw ko nang pag-usapan ulit yung bagay na yun .. " sabi ko nalang, sakaling makaiwas

" Kailangan mong sabihin sakin ang nangyayari sa'yo Yanna, ano pa ba ang silbi ng pagiging formator ko sa'yo kung hindi kita matutulungan sa crisis na hinaharap mo?? Kaya ka binigyan ng formator para may gumabay sa'yo .. " sagot naman niya sakin na kinukumbinsi akong sabihin sa kanya at nakumbinsi naman niya ako

Tama siya, siya ang  formator ko kaya may karapatan siyang malaman ang mga pinagdadaanan ko, napagpasyahan kong sabihin nalang sa kanya ..

" Sige po Ate , sasabihin ko na po .. "

" Sabihin mo lang, makikinig lang ako "

" Kasi po, diba hindi niyo pa po nakukuha sakin ang cellphone ko?? Tumawag po kasi sakin kanina si Kuya Niel — "

" Niel?? Sino yung Niel?? "

" Si Kuya Niel po ang tinutukoy ko sa inyo last year na first love ko na isang Theologian .. Hinahanap niya 'ko tas sinabi niya sakin na mahal niya daw ako higit pa sa isang kapatid .. Ate, naguguluhan ako, tanggap ko na naman po na magpapari na siya at gusto ko po na magpari siya .. Hindi na rin po ako gumawa ng bagay na makakasira sa bokasyon naming dalawa .. Ate, mahal ko siya, pero mas mahal ko ang Diyos at ang pagmamadre .. Ito yung buhay na pinangarap ko, ito yung buhay na matagal ko ng gusto, ito yung buhay na pinili ko ... ANG PAGMAMADRE, Mahal na mahal ko 'to at paninindigan ko 'to . " sabi ko na wala ng luhang lumalabas sa mga mata ko

" Alam mo, ganyan talaga kapag nagmamahal ka, kailangan mong magsakripisyo at masaktan .. Hindi ka magiging isang epektibong madre kung hindi ka marunong magmahal .. Kaya pasalamat ka sa Diyos at binigyan ka niya ng pagkakataon na maranasan kung paano magmahal .. Pero tandaan mo ito, ang nararamdaman mo ngayon ay hindi mo na dapat pang palaguin, hayaan mo lang na ganyan, mawawala din yan pagdating ng panahon .. "

" Alam ko naman po yun Sister, pero nandito pa rin yung sakit at hanggang ngayon nandito pa rin yung sugat na iniwan niya sa puso ko .. "

" Bakit?? Hindi mo pa ba natatanggap na magpapari na siya?? "

" Tanggap ko na naman po na magpapari na siya .. Ang ibig ko lang pong sabihin ay hanggang ngayon hindi pa rin naghihilom ang sugat na dinulot niya sa puso ko .. "

" Habang nagmamahal ka, hindi maiiwasang masaktan ka pero kung magmamahal ka hanggang sa masaktan ka, mawawala din yung sakit at mapapalitan lahat ito ng pag-ibig .. Mas madali kang makakalimot at makakamove on dahil tanggap mo na ang katotohanan .. Huwag kang mag-alala kung nandiyan pa rin ang sugat, healing takes time .. Healing is not an overnight process .. It takes months or probably years for you to be completely healed .. Makakalimutan mo din siya, mag-focus ka lang kay Jesus at sa bokasyon mo .. "

" Salamat po Sister .. "

" Nandito lang ako kung kinakailangan mo ng gabay lalo pa at ako ang formator mo, kung may kailangan ka, lumapit ka lang sakin .. "

" Opo Sister .. Siyanga po pala, isu-surrender ko na po ang cellphone ko .. "

" Sige, kukunin ko nalang .. Good luck and God bless sa paglalakbay mo dito sa monastery .. "

" Salamat po ulit .. "

" Sige, aalis na muna ako .. "

" Sige po .. "

At naiwan akong mag-isa sa cloister ko, napaisip ako sa sinabi ni Ate Madre .. Tama siya, kailangan ko ng mag-focus kay Jesus at kailangan ko na ring kalimutan ang nararamdaman ko para kay Kuya Niel .. Kaya ko to! KAKAYANIN KO TO! Go lang ng go, Yanna ..

You are MineWhere stories live. Discover now