Chapter 19 I'm Leaving

203 6 3
                                    

Sr. Therese's POV

What a great morning to start my day! Deogratias! Bumaba na'ko sa kwarto namin at agad na nagpunta sa Shrine, umuupo ako nun noong bigla akong nilapitan ni Bro. Niel ..

" Good Morning Sister! " bati niya sa'kin

" Good Morning din Brother .. " ganting bati ko

" Pwedeng makiupo muna?? Wala pa naman si Pads ee .. " tanong niya

" Sure .. "

At tinabihan niya ko sa pew ..

" Hmmm .. Brother .. "

" Yes Sister?? "

" I'm leaving .. " anunsiyo ko

" You're leaving?? " ulit niya sa sinabi ko

" Yes, I am .. "

" You're leaving the monastery?? " tanong ulit niya

" No .. I mean, we are leaving .. Sr. Angelic and I are going to leave for Pampanga at 12:20 PM .. "

" Aalis na kayo mamaya?? "

I nodded which means Yes ..

" So, hindi na pala tayo magkikita ulit .. "

" If God wills, God will make a way .. "

" Sana nga Sister, ang saya mo pa naman kasama .. "

" Parang, si Yanna?? "

" Hehehe .. Oo .. Sorry ha?? Palagi ko kasing naaalala sayo si Yanna .. "

" Okay lang .. Siyanga pala, padalhan mo'ko ng invitation sa ordination mo ha?? Hahaha "

" Hindi ako sigurado kung makakapagpatuloy ako .. "

" Ha?? Bakit?? " gulat na tanong ko

" Baka kasi pagkatapos nitong Pastoral Year ko, mag-regency muna ako .. "

" Bakit ka magre-regency?? Sayang naman! Ga-graduate ka na ng Theology! "

" Hahanapin ko muna si Yanna .. Sasabihin ko sa kanya lahat ng nararamdaman ko .. "

" Parang yun lang?? Madali lang naman solusyunan yan ee .. "

" Ano?? Matutulungan mo ba 'ko?? "

" Kuya Niel, nandiyan na po si Father .. " sabi ni Lawrence

" Sige, mamaya na Sister .. "

At nag-line na siya for processional ..

Tama ba na tulungan ko siya na sabihin yung nararamdaman niya sa'kin?? Paano ko naman gagawin yun?? Waaaaah! Mapapasubo yata ako nito .. Pagkatapos ng misa, nagtungo kami sa refectory upang mag-almusal ..

" Sr. Angelic, anong oras nga yung flight niyo?? " tanong ni Pads

" 12:20 PM po Pads .. "

" Okay .. Aalis tayo ng 11 AM, Niel, samahan mo'ko sa paghatid sa kanila ha? "

" Opo .. " sagot ni Bro. Niel

" Ikaw, Sr. Therese, nag-impake ka na ba?? "

" Tapos na po Pads, kagabi pa .. " sagot ko

" Mami'miss ka namin dito .. " - Pads

" Pads naman! Parang di na tayo magkikita ee hahaha .. Wag kang magdrama para kang naiyak na si Barney hahaha " biro ko

" Barney ka diyan! Gusto ko bawiin ko recommendation mo?? Hahaha .. "

" Recommendation?? Dito ka galing sa Fatima, Sister?? " gulat na gulat na tanong ni Bro. Niel

" Niel, binibiro ko lang itong si Sister .. Ikaw naman napaka seryoso .. " saved by Pads! Hahaha

Pagkatapos namin kumain, nagpaalam ako kay Sr. Angelic na mag-uusap lang kami ni Bro. Niel sandali at pinayagan naman niya ako ..

Doon ulit kami sa Meditation Garden nag-usap ..

" Sister, tutulungan mo ba ako?? " tanong niya

" Kung makakaya ko .. "

" Paano ba?? Gusto ko ako maghanap sa kanya .. "

" Kung lalabas ka ng dahil sa kanya, masasayang lang yung ilang taong ginugol mo sa Theo saka malapit ka ng magtapos .. Huwag mong sayangin ang bokasyon mo dahil lang sa isang batang pumasok na sa monasteryo at hindi mo na makikita habang buhay .. Kaya nga siya nasa loob para manahimik kaya please lang, huwag mo na siyang gambalain pa .. Kung ikaw, kaya mong isuko ang bokasyon mo, siya siguradong hindi niya kaya .. "

" Paano mo nasasabi yan?? Ikaw ba si Yanna?? "

" Masasabi ko yan dahil pareho tayo ng pinagdadaanan .. Naaalala mo yung sinabi ko sa'yo?? Marahil ay pareho kami ng nararamdaman ngayon ni Yanna .. "

" Kung wala na talaga siyang nararamdaman para sakin, edi magpakita siya, hindi yung aalis na lang siya basta .. "

" Hindi ganun kadali yun Brother .. Alalahanin mo, hindi siya umalis basta, binigyan ka niya ng imbitasyon sa despidida niya at nandoon ka diba?? Alalahanin mo rin na kasalanan mo rin dahil ikaw ang naunang umalis ng walang paalam .. Kung magkikita kayo, magkikita kayo panigurado sa Solemn Profession niya .. "

" Sorry sa nasabi ko Sister .. "

" Ayos lang yun, so paano?? Mauna na ko .. "

Umalis ako sa Meditation garden at nagpahinga .. Ilang oras lang hinatid na nila kami sa airport ..

" Mag-iingat kayo Sister .. " sabi samin ni Pads

" Salamat Father .. " - Sr. Angelic

" Sure Pads! " sabi ko sabay bless

Nilapitan ko si Bro. Niel

" So Brother, alis na kami! Bye! Persevere ka ha?? Salamat sa lahat .. "

" Thank you Sister! Same with you! "

At sumakay na kami sa eroplano at ilang minuto lang, pabalik na kami sa Pampanga ..

Salamat Hesus dahil muli mong pinagtagpo ang landas namin ni Kuya Niel pero ngayon, malinaw na sa akin na wala na akong nararamdaman sa kanya .. Mahal ko siya, Oo bilang nakatatandang kapatid at nawa po ay ipagpatuloy niya ang nasimulan na niya at wag na niya akong alalahanin dahil masaya na'ko sa buhay na pinili ko ngayon ...

You are MineWhere stories live. Discover now