In His Arms - Chapter 9 || Finding Min Ho.

558 15 9
                                    

Althea's PoV

"Ako si Althea at siya naman si Jade. Kami yung tumulong sayo." sabi ko kay Min Ho habang hawak-hawak ang kamay niya.

"Kamusta na? Anong nararamdaman mo? Okay ka na ba?" tuloy-tuloy na tanong ko.

Halata sa mukha ko ang pag-aalala, pero yung kausap ko tulog na ata.

Inalog-ko siya "Uy!"

"Ate." nilingon ko si Jade, nakangiti siya sa akin.

"Wag mo ng sayangin 'yang laway mo. Tulog na 'yang kausap mo ate. Umipekto na sa kanya ang gamot na ibinigay ng doctor kanina."

"Talaga? Ulit?" at hindi nga siya nagkamali, maya-maya lang narinig ko na ang paghilik niya.

"Tulog nga! Nahilik pa. Ano ba yan akala ko naman gigising na siya." dismayadong sabi ko.

"Natuwa  pa naman ako kanina kasi nagising na siya tapos ngayon tulog na naman." tinawanan lang ako ni Jade.

Muli kong tinitigan ang mukha niya.

"Pero ang mahalaga naman ay ang gumising na siya di ba?"

"Oo ate, good sign na gumising na siya. Yun lang naman ang iniintay natin. Sige na ate ipagpatuloy mo na yung pagkain mo. Ako ng bahala dito." sabi niya  sabay ayos sa dextrose na nasa gilid ng kama

Bumalik na ako sa lamesa. Patanaw-tanaw na lang ako sa kanila. 

Naexcite na ako kanina kaya biglang nawala ang gutom ko. Tinapos ko na ang pagkain at inasikaso ko na ang mga supplyers na dapat kong tawagan.

Tahimik akong pumunta sa sala at  nagsimula ng magtrabaho.

Alona's PoV

I'm dead. So much dead.

"Alona." tawag sakin ni Mama.

Kinabahan ako bigla, hindi pa din kasi kumocontact si Kuya Min. Nag-alala na kaming lahat.

Pinatawag na din ni mama ang mga close friends ni Kuya Min na sila Kim Bum at Kuya Il Woo. Nandito kaming lahat sa sala.

Katatapos niya lang tanungin yung dalawa, pero walang makapagturo kung nasaan si Kuya Min Ho.

"Bakit po mama?" kabadong sabi ko. 

"Umamin ka nga. Hindi mo ba talaga alam kung saan nag punta ang kuya Min mo?" 

"Hindi po talaga Mama, basta ang paalam lang sakin si kuya Min ay kakain lang siya. Iyon lang  talaga mama." naiiyak na sagot ko.

Inamin ko na kanina kay mama na sa akin nagpaalam si Kuya Min Ho at ako ang huli niyang nakausap bago siya umalis, nakokonsensiya na kasi ako.

Pakiramdam ko kasi ako talaga ang may kasalanan kung bakit hindi namin makita ngayon si kuya Min at saka nag-aalala na ako para sa kanya.

Siguro kung hindi ko siya pinayagang umalis kasama pa din namin siya ngayon. 

"Hay nako! Bakit mo ba kasi siya hinayaang umalis?"

"Sorry po." sabi ko habang nakayuko.

Napabuntong hininga na lang si mama.

"Ano bang dapat nating gawin. Paano ko sasabihin sa mga magulang niya na nawawala si Min?"

"Relax Tita, Baka naguun-wind lang si Min. Malay niyo baka bukas bigla na lang sumulpot yun dito." pag-papagaan ni Kuya Il Woo sa sitwasyon.

Napaangat bigla ang tingin ko ng marinig kong nagsalita si Kuya Il Woo. Nakangiti siya kay mama tapos bigla siyang bumaling ng tingin sakin.

Lumipat siya ng upuan at tumabi sa akin. GOSH ang ganda talaga ng smile niya! Kahit na iiyak na ko dito. Makita ko lang ang smile ni kuya Il Woo okay na ko. 

In His Arms. (Slow Updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon