In His Arms - Chapter 1 || Ms. Kettel Corn.

1.2K 27 26
                                    

Althea's PoV

"Bakla! Dali! Iopen mo na agad ang door! May dala kaming bala!"

"And foods! Movie-marathon tayo."

Nakakabulahaw na sigaw ng dalawang babae habang kinakalampag ang pintuan ng bahay ko. Kilalang-kilala ko ang mga boses na yon. Pinilit kong wag silang pansinin. Nagtakip ako ng unan pero rinig ko padin ang ingay nila.

Tinatawag na nila ang pangalan ko.

"Althea! Huy!!"

"Ugh!" wala na kong nagawa kundi ang bumangon. Ano ba yan inaantok pa ko!

"Bakla!!" pangungulit pa din nila.

Ang ingay talaga! Anong oras na ba?

Iretableng tumingin ako sa orasang nasa side table. Hala! 9am na pala, kaya pala andidito na't nangiistorbo na sila.

"Bilis na bakla!!!" duet na sila.

"Sandali lang! Hindi makapag intay?!"

Napilitan na akong sagutin ang mga bwi-sitang (note: bwisit na bisitang) nag-iingay sa harap ng bahay ko. Padabog kong binuksan ang pinto.

"Good morning bakla!" ang bungad nila sakin pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto. With sweet smiles writen on their faces.

"Mas good ang morning ko kung wala kayo dito." naaasar na sabi ko.

Nag-pout sila sakin. Luh, akala ata nila nacucute-an ako sa kanila.

"Papout-pout pa, tahiin kong mga nguso niyo eh." ang sama talaga ng gising ko.

"Ang bad mo talaga! Move aside na, papasok na kami!" sabi ni Maureen at saka nila ako hinila papasok sa loob ng bahay. Pinaupo ako ni Maureen at Krystal sa sofa.

Tignan mo nga naman, parang sila ang may-ari ng ng bahay ano? Ganyan sila kafeel at home sa bahay ko. Lagi nga silang tambay dito lalo na't sabado ngayon at walang pasok. Sabado at Linggo ang day-off ko.

Si Maureen at Krystal nga pala ay mga kasamahan ko sa trabaho nakalaunan ay naging mga kaibigan ko na din.

Si Maureen ang manager, si Krystal ang headchief at ako naman ang waitress. Nagtatrabaho kaming tatlo sa PurpleHauz, one of the famous restaurant in the country. Dahil sa sikat na ang restaurant na ito natural lang na madami na itong branch sa buong bansa.

Halos dalawang taon na din ang nakakalipas ng magsimula akong magtrabaho dito. At sa mga panahong iyon ko nga nakilala ang dalawang nilalang na ito na kasalukuyang nire-raid and bahay ko.

Pumasok si Maureen sa kusina habang inilapag naman ni Krystal ang plastik ng grocering bitbit niya. Ngayon ko lang napansin na ang dami pala nilang dala. Binili na ata nila lahat ng paninda sa Dept. store.

"May makakain ba dito bakla?" biglang tanong ni Maureen habang inaangat ang takip ng mga kaldero ko.

"May tira akong sinigang na bangus saka porkchop jan sa ref. Initin mo na lang. Tapos tutal naman anjan ka na din lang sa kusina magsaing ka na para matuwa naman ako sa iyo."

"Ay, talagang matutuwa ka samin dahil ipinag grocery ka na namin bakla." sabat naman ni Krystal sabay turo sa plastick bag na puno ng grocery items.

Napatayo ako ng makita kong punong-puno ng Kettelkorn yung isa sa mga plastik. Biglang nawala ang badtrip ko dahil sa dala nila.

Yes! Kettel korn! My favorite!

"Oh yan, masaya ka na?" ngumiti lang ako kay Krystal at tumango-tango.

In His Arms. (Slow Updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon