In His Arms - Chapter 4 || Hectic Monday.

806 21 10
                                    

Althea's PoV

When Sunday past, Monday came.

"Its alright! Tanan, tanan, tanan!! Oh its alright!"

Todo bigay na pagkanta ni Maureen to the tune of 'Its alright' na opening theme song ng CityHunter habang tinutulungan niya kong mag-ayos ng gamit dito sa stock room ng resto.

"Ano ba yan Maureen! Utang na loob!! Kanina ka pa kumakanta wala naman akong maintindihan sa lyrics mo. Wag mo na lang kaya ako tulungan. Dun ka na lang sa opisina mo magkulong."

Sigaw ko kay Maureen dahil kanina pa siya kumakanta. Para na siyang sirang plaka. Lunes na lunes pa naman ngayon, nakakairita!

"Ienjoy mo na lang yung kanta bakla." sagot niya sakin.

Mukhang good mode ngayon si Maureen. Hindi niya kasi pinatulan ang kasungitan ko at hindi na din niya ata naalala ang atraso ko sa kanilang dalawa ni Kristal kahapon.

Good for me.

"Ienjoy? Pano ko yan mae-enjoy kung puro its alright, its alright lang ang naiintindihan ko sa lyrics mo saka tanan, tanan." iritable ko pa ring sabi.

Pinandilatan akong bigla ni Maureen.

"Hoy umayos ka Thea ah. Kung makadaldal ka parang wala kang atraso sakin. Magbehave ka jan." nagsusungit na sabi niya sabay balik sa pagkanta.

Sus, akala ko naman limut na niya di pa pala.

Napaismid na lang ako at di na lang pinansin ang pag-ngawa niya.

Buti na lang talaga at absent ngayon si Krystal dahil kung hindi, baka kanina pa ako nabingi dito. Dalawa na kasi silang magi-its alright tanan, tanan.

Bakit kaya umabsent ngayon ang baklang yon? Lunes na lunes umabsent siya. Ano ba yan! Nahawa na ko sa kanila, nakikibakla na din ako.

"Mau, bakit absent si Krystal?" pasimple kong tanong sa kanya.

"Si Kris ba? Ah yun! Inaasikaso ni bakla yung ticket namin." sagot niya sakin na para bang nahipan siya ng masamang hangin.

"Ticket? Para saan? Sa raffel?" takang tanong ko.

"Raffle ka jan! Bakit naman ako bibili ng raffle ticket aber?" nakapamewang niyang sabi.

"Ewan! Malay ko sa trip mo! Para saan nga yung ticket na sinasabi mo?"

Ginandahan niya muna ang ngiti niya sakin bago siya sumagot.

"Para saan pa! Eh di sa nalalapit na Fan Meeting at Authograph Signing ni Lee Min Ho!" excited niyang sabi.

"Ano?! Umabsent siya dahil lang dun?!" medyo nahahigh blood ko namang sabi.

"Aray! Teh, kailangang sumigaw?" reklamo niya sakin sabay takip sa tenga niyang 'naminge raw'.

"Magkano naman yang ticket na yan?"

"Mura lang naman, 2500."

"2500 dalawang ticket na yun?"

"Hindi. 2500 ang isa."

"2500 ang isa! Gumastos at nagsayang kayo ng 5000 para lang makakuha ng pirma!"

"SHHHHhhh!! Ang BP mo bakla, baka tumaas."

"Nakakahighblood kayo eh."

"Ano ka ba bakla, pag ikaw naging fan din. Maiintindihan mo na kami. Saka madami namang giveaways na ipapamigay dun tapos makikita pa na min si Min Ho kaya sulit na din yon."

In His Arms. (Slow Updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon