In His Arms - Chapter 2 || Mr. Cyclist.

129 7 0
                                    

Althea's PoV

From: Maureen

How dare you! Bakit mo kami iniwan ni Mau dito?! Pano kung nagkasunog? Sana ginising mo na lang kami kung aalis ka hindi yung basta ka na lang mang-iiwan.
I hate you talaga! To the 23rd power!!! HMP!!!

PS. Hindi ko ilolock tong bahay mo! Bahala ka sa buhay mo. Tse!!!

Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko pagkatapos kong mabasa and malaMMK na text sakin ni Mau.

Galit na galit ang bruha dahil di daw ako nagpaalam sa kanilang dalawa nung umalis ako kaninang umaga. Nasiya namang totoo.

Kasi naman, kung magpapaalam pa ako sa kanilang dalawa, ano namang sasabihin ko? Yung totoo?

Di kung sasabihin ko yung totoo, mabubunyag na sa kanila ang secret identity ko; na ako si Althea Marijoy Shin ay ang nag-iisang tagapagmana ng AlS Corporation na siyang nagmamay-ari din sa PurpleHauz.

Kung malalaman nila yon di hindi na secret ang secret identity ko. Kaya yun mas pinili ko na lang nalumayas ng walang paalam.

"Ang lalim ah?"

"Ha?" wala sa loob kong tanong kay Aldrin.

"Yong buntong hininga mo kako, ang lalim." paliwanag niya sa akin habang minamaneho ang oto niya.

Isang napakawalang kwentang "Ah." lang ang naisagot ko sa sinabi niya.

Bahagyang natawa si Aldrin.

"Sino ba yung nagtext sayo at naging lutang ka bigla?"

"Iyon ba? Si Maureen lang yon, nagmamaktol. Iniwan ko kasi sila ni Kris sa bahay eh."

"Ah." sabi niya habang tumatango-tango, "Eh bakit naman sila nasa bahay mo?"

"Mahabang kwento." humihikab kong sabi sa kanya.

Pinili ko nalang na manahimik at tumingin sa bintana.

Papunta kami ngayon ni Aldrin sa isang sikat na salon&boutique na pagmamay-ari ng isang niyang kakilala.

Tutungo ako duon para magpaayos dahil my dadaluhan kaming awarding\party para sa mga masisipag na employees ng kompanya na ginagawa namin every 6 months.

Ayokong pumunta doon pero mapilit si Aldrin. Kailangan ko daw umattend duon dahil obligasyon ko yon. Para sa mga empleyadong pararangalan at para sa kompanyang malapit ko ng pamahalaan.

In His Arms. (Slow Updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon