Swinger's Story - End

87K 593 72
                                    

Mataas ang sikat ng araw nang magising ako. My head hurts like fuck. Napadami ng husto ang inom ko, pero kulang pa 'yun para tanggalin ang sakit.

Bumangon ako, kumuha ng isang boteng Alfonso, dinala ko 'yon sa sala at nagsimulang uminom. I want to forget it, I don't want to feel the pain....

Gladly, when I'm drunk, all I can feel is shame, hatred, vengeance.


Pasado ala una ng hapon, biglang bumukas ang pinto. Dumating na siya sa wakas. Masaya at puno ng sigla ang maamo niyang mukha.

"Hi hon! Did you miss-" Naputol ang sinasabi ni Hanna nang makita ako.

"Ano'ng nangyari sa'yo? Bakit ka umiinom? Ano'ng problema?" nag-aalala niyang tanong.

Nagmamadaling lumapit sa'kin si Hanna ngunit natigilan siya dahil sa pagtitig ko sa kanya. Tingin na puno ng galit at pandidiri sa kanyang kataksilan.

"Huy! Sorry na kung late akong nakauwi. Please don't get mad," Hanna said.

Ibinaba niya ang kanyang dalang backpack sa tabi ng pinto at muli ay marahang lumakad papalapit sa'kin. Nanginginig ang kanyang labi at namumugto ang mga mata.

"Masaya din 'yung outing namin. Sana lang kasama kita," garalgal niyang sinabi. Tila pinipigil ang pagpatak ng luha.

Dahil sa sinabi niya ay napagot ang natitira kong pasensya.

"Swimming? Huwag mo akong niloloko Hanna!"

"Huh? What do you mean?" maang niyang tanong.

"Nagpunta ako doon sa resort na sinasabi mo pero wala kayo dun! At nasaan ka? Sa tabi ni Randy at Lando?"

Namutla si Hanna, umagos ang masaganang luha sa kanyang pisngi.

"Del, let me explain... please."

Marahan siyang lumapit sa akin habang patuloy na humihikbi. Sa kabila ng poot ay hinabaan ko ang aking pasensya at hinintay siyang magpaliwanag.

"I'm sorry, nagawa ko 'yun kasi mahal kita eh... mahal na mahal kita Del."

Tumayo ako at binigyan siya ng isang matamis na ngiti. Biglang nagliwanag ang mukha niya at mabilis na lumapit sa akin...

Ngunit bago niya ako mayakap ay isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanyang pisngi.

Bumagsak si Hanna sa sahig, tila batang humahagulgol.

"Mahal? Putang ina Hanna! Alam mo ba ang sinasabi mo? Umalis ka sa harap ko! Maghiwalay na tayo!" Halos mapatid ang litid ko sa pagsigaw.

"Del.... please... makinig ka muna sa'kin," sambit ni Hanna habang pinapahid ang luha sa kanyang pisngi at dugo sa labi niya.

"Huwag mong mababanggit ang pangalan kong puta ka! Lumayas ka dito! Alis! Magsama kayo ni Randy!"

Hindi mailarawan sa mukha ni Hanna ang sakit. Tumayo siya at walang lingon na tumakbo palabas ng bahay.

Finally, the bitch is gone.

I'll be better alone.


Its been more than a week since our confrontation. Hindi na kami muling nag-usap ni Hanna, hindi na ulit siya bumalik sa bahay at mukhang tuluyan ng sumama kay Randy.

Ang totoo, umasa ako na babalik si Hanna para humingi ng tawad sa kanyang nagawang kasalanan. Handa naman akong tanggapin ang asawa ko, mahal na mahal ko siya. Nagdilim lang ang paningin ko 'nung unang paghaharap namin.

Dahil mahigit isang linggo na ay hindi pa din nagpaparamdam si Hanna ay malamang, sumama na siya kay Randy. Kung 'yon ang kanyang desisyon ay bahala siya sa buhay niya.

Erotica CollectionWhere stories live. Discover now